CHAPTER 22

145 7 0
                                    

Albert Pov:

Hihiga na sana ako sa kama ko ng biglang tumunog ang phone ko at pangalan ni Tom ang nakita kong tumatawag kaya sinagot ko. Laking gulat ko na nurse ang tumawag at nasa hospital daw si Tom kaya agad akong pumunta kung saang hospital siya dinala.

Pagkarating ko don ay nakapantulog pa ako kaya pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakialam dahil nag aalala ako para kay Tom. Pumasok ako sa isang kwarto at nakita ko doon si Tom na walang malay at may mga galos sa katawan.

''Tom! Anong nangyari sayo, parang mag kasama lang tayo kanina ah, tapos ngayon ganto na itsura mo.'' Nag aalalang sabi ko pero tulog lang siya. Napabuntong hininga naman ako sa pinag gagawa ko.

Napatingin ako sa may pinto ng biglang bumukas iyon, at pumasok si Alvares na may kasama pang isang lalaki na medyo maliit pa sa akin ng konti. Bigla naman itong lumapit kay Tom at biglang umiyak.

''Tom, anong nangyari sayo? Bakit ganto itsura mo mukha kang taong grasa!'' Pag iiyak nito.

''Franz! Stop it natutulog si Tom hindi niya maririnig yang kaingayan mo.'' Sabi naman ni Alvares. Oh! So siya si Franz, mag kahawig nga kami pero medyo malayo naman pala pag harap harapan.

''Uhmm... tutal nandito naman na kayo, uuwi na ako.'' Paalam ko sakanila.

Napatingin naman sakin si Franz mula ulo hanggang baba. Medyo nailang ako roon pero nagulat ako ng bigla niya akong niyakap at nag tatalon na siyang kinagulat ko.

''I finally meet you, totoo ngang ang poganda mo!'' Natutuwang sabi nito sakin.

''Poganda?'' Tanong ko sakanya.

''Yes, Pogi and maganda, uhmm.. by the way, pumunta ka dito na ganyan ang itsura mo?'' Tanong niya sa akin. Napatingin naman ako sa itsura ko at ngayon na realize ko na, naka boxer lang pala at sando lang ako. Napatampal naman ako sa noo ko.

''Kaya pala ako nilalamig, so I need to go home, now nandito naman na kayo. Kayo na ang bahala kay Tom tinawagan kasi ako ng nurse kaya nataranta ako at bigla akong pumunta dito.'' Nahihiyang sabi ko naman sakanya.

''Ang cute mo naman, well it's okay, gusto mo ba ihatid na kita sa labas? Or si Alvares nalang tutal mas kilala mo naman siya kaysa sa akin.'' Sabi niya sa akin.

Bigla namang sumulpot si Alvares sa likod ko at nilagyan ako ng jacket sa balikat ko.
''Franz, stay here, okay? Don't go anywhere, I'll drop Albert to his house, do you understand?'' Alvares said to Franz.

Napaiwas nalang ako ng tingin ng ngumiti si Franz, oo na nagseselos na ako ramdam na ramdam ko talaga masakit, pero kaya ko naman ito ako pa!

Lumabas na kami ni Alvares hinatid niya lang ako sa parking lot nag insist naman siyang ihatid ako sa bahay pero tumanggi ako, ayokong mag karoon ng koneksyon or mag ka chance siyang makausal ako. Kaya kaagad akong umalis.

Nag dri-drive na ako pauwi ng na alala ko ang jacket ni Alvares suot ko pa pala. Pero whatever ipapaabot ko nalang sa kahit sino basta ayoko siyang makita.

Paliko na sana ang kotse ko ng biglang may sumalubong kaya nabangga ko iyon. Napa awang ang bibig ko at lumabas ako ng kotse ko. Lumapit ako sa kotse pero biglang may humatak sakin at hinila ako papasok sa isang van, hindi ako malapalag dahil dalawa silang may hawak sakin ngayon.

Pinasok nila ako sa loob at biglang piniringan ang mga mata ko.
''SINO KAYO!'' Sigaw ko sakanila.

''Shh.. don't shout, our boss wants to see you and be friends with you.'' Sabi ng isa mga taong nasa loob ng van. Naramdaman ko ang pag andar ng van at kinakabahan ako, hindi ko alaam ang nangyayari at wala naman akong atraso sa kahit sino.

''Anong kailangan niya sa akin? Wala akong natatandaang kaaway ko!'' Tanong ko sakanila.

''Just shut up, and calm down. We won't do anything bad to you. He wants to talk to you, so behave.'' Sabi nito.

Habang nag bibiyahe ay nakikiramdam lang ako sa paligid ko dahil baka may kung anong gawin siya. Bakit ba nangyayari ito sa akin? Simula ng makilala ko amg doktor lagi nalang ganto, lagi nalang may problemang nangyayari.

Third Person Pov:

Someone call Alvares.

''Albert is in danger!'' Sabi ng caller at pinatay nito ang tawag na siyang nakapag pakunot noo kay Alvares.

Dahan dahan namang nagmulat si Tom ng kanyang mata at unang bumungad na mukha sakanya ay si Franz.

''Where's Alavare?'' Kaagad na tanong ni Tom. Kaagad namang nag pakita si Alvares kay Tom.

''Alvares, bumalik siya, siya ang gumawa nito sa akin at may pinapasabi siya sayo. 'It's time to pay back' yon ang pinapasabi niya, kaya Alvares mag iingat ka dahil baka may gawin siyang masama sayo.'' Babala ni Tom kay Alvares.

Para namang natulos niya sa kinatatayuan niya si Alvares ng naalala niyang may tumawag sakanya at sinabing nasa panganib si Albert.

''Fuck! Si Albert, someone called me and said Albert is in danger. He was here earlier, and he went home. I'll try to call him.'' Alvares said.

He tried to call Albert, and Albert picked up the phone.

''Albert, where are you? Did you go home safely?'' Tanong ni Alvares.

''Hmm.. well, he's safe with me, but I can't promise to be longer.'' Sagot sa kabilang linya. Nagdilim ang mukha ni Alvares at galit na tinanong ang may hawak ng cellphone ni Albert.

''Who are you?'' Tanong ni Alvares, pero tinatawanan lang siya nito at narinig niya ang pagsigaw ni Albert sa kabilang linya.

''Fuck! Don't fucking hurt him! You want me, right? Then fine, just don't hurt Albert!'' Galit na sabi ng doktor, pero tinawanan lang siya ulit ng taong may hawak kay Albert.

''Well, well, well, the famous doctor! Or should I say detective? You've been trying to know who I am for years but don't have an idea till now. I'm so close to you, Alvares. I'm so close to you, but you haven't figured it out.'' Natatawang sabi nito.

''Airo?'' Banggit ni Alvares sa pangalan ng nakatatanda nitong kapatid.

''Hahaha! Finally Alvares, finally! Oh Albert, he knows me, na! So you don't have to pretend anymore, Albert!'' Masayang sabi nito sa kabilang linya.

''What are you talking about?'' Tanong ni Alvares na may pagkalito sa mukha.

''Oh! Come here, brother, and I will tell you.'' Sabi nito sabay patay ng tawag.

Lalabas na sana ng kwarto si Alvares ng pigilan siya ni Franz.
''Are you stupid or what? Alvares is a trapped, mas lalo lang mapapahamak si Albert kung pupunta doon ng hindi handa!'' Sigaw ni Franz kay Alvares.

''Let him go Franz! He knows what he is doing.'' Sabi naman ni Tom na nakaupo ngayon at kalmadong nakatingin kay Alvares. Naguguluhan namang nakatingin si Franz sa dalawa at biglang umalis si Alvares. Susundan sana ito ni Franz ng magsalita si Tom.

''Just stay here, Franz, or you want to be next to that guy?'' Seryosong nakatingin si Tom kay Franz na may halong pagbabanta ang mga tingin.

''Why are you doing this, Tom? Why are you pointing me a gun?'' Kinakabahang tanong ni Franz. Tumayo si Tom mula sa higaan at nilapitan si Franz.

''You know the reason Franz, you can't get out from here. I'm more smart than you, stupid bastard.'' Nakangiting sabi ni Tom at pinosasan si Franz.

#INTD
#AlvBert
#Thetruth

I'm Not The Doctor [BxB]Where stories live. Discover now