CHAPTER 12

154 11 0
                                    

Albert Pov:

Nag papaalam na kami kila mama at ate dahil nga babalik na kami sa mansion ng doktor.

''Ma, uuwi naman ako pqg weekend wag ka nga dyan tsaka nandito pa naman sila ate.'' Sabi ko kay mama, gusto ba naman dito ako ulit tumira, may trabaho ako at ayaw rin akong palabas labasin ng mansion without this guy standing beside me.

''Oo na nga basta araw araw ang text at Alvares iho ingatan mo ang anak ko ha, alam kong makulit siya at matigas ang ulo pero alagaan mo.'' Bilin ni mama sakin kay Alavares.

''Ma hindi ko siya asawa para alagaan niya ako malaki na ako. Sige na ma aalis na kami ba-bye Love you ma ingat kayo rin mga ate.'' Paalam ko sakanila.

Sumakay na ako sa kotse ni Alv at pinaandar na niya iyon.

'' Remember what I've said Albert you can't go out from the mansion.'' Paalala ulit sakin ni Alvares.

''Oo na paulit ulit ka naman at pupunta naman doon sina Alysa so you don't have to worry about that thing.'' Sagot ko sakanya, naiinis na kasi ako paulit ulit nalang na you can't blah blah niya.

Natahimik naman siya at nag focus nalang sa pagmamaneho ng sasakyan. Tinext ko naman na si Alysa na pumunta sa bahay ni Alv isama niya rin si Josep at binigay ko na rin yung address kung nasan ang bahay ni Alv.

Nakarating na kami sa mansion bumaba na ako kaagad dahil nagmamadali rin siyang umalis may flight pa kasi siya mga gabi na rin uuwi ang doktor na mas gusto ko naiirita kasi ako sakanya may pa ganon ganon pa siyang nalalaman na rules.

Bago siya umalis ay binaba niya ang bintana ng kotse niya at inulit nanaman niya ang paalala sakin.

''Oo na Alv ano ba umalis kana baka mahuli ka pa sa flight mo.'' Sabi ko naman sakanya.

''Alright then, where is my kiss?'' Tanong niya sakin.Napalaki naman ang mata ko sa sinasabi niya.

''Excuse me, stop tigilan mo ko Alv, you're my boss and get lost.'' Inis na sabi ko sakanya at tinalikuran ko na siya. Pumasok na ako sa loob ng hindi ko siya nililingon mapang asar siya ma shado naalala ko nanaman ang nangyari kagabi.

Pag kapasok ko sinalubong kaagad ako ng mga katulong ni Alv at kinuha nila ang mga gamit na hawak ko at inakyat sa may taas.

''Ate pahanda po ng meryenda dadating ang mga kaibigan ko thank you.'' Utos ko sakanila. Sabi kasi sakin ni Alv noong una kong dating dito dapat matuto akong utusan ang mga katulong dahil iyon ang kanilang mga trabaho.

Umupo ako sa may sofa at binuksan ang TV nilagay ko sa balita at bumungad sakin ang patayan. Hindi pa rin natatapos ang kaso ang daming katanungan ng mga tao about sa killer dahil hanggang ngayon wala paring lead kung sino ang nasa likod ng patayan na nagaganap dito sa bansa.

Habang nanonood ako ay dumating na ang mga kaibigan ko.

''Albert!'' Tawag sakin ni Alysa. Tumayo naman ako para salubungin sila at niyakap ako.

''Buti nman nandito na kayo naiinip na ako.'' Sabi ko sakanila. Inaya ko naman silang umupo na.

''Grabe ang laki pala nitong bahay, I mean mansion ng Doktor ang swerte mo talaga Bert ang ganda dito.'' Mang hang sabi ni Alysa.

''Oo maganda talaga dito ganyan din reaksyon ko noong unang dating ko rito pero ngayon parang wala na nasanay na ako sa nakikita ko.'' Sabi ko sakanya.

''Asus, Josep tignan mo itong kaibigan natin nag papakasaya dito sa mantalang tayo panay bunganga ni manager ang naririnig buong araw sa office.'' Sabi naman ni Alysa matching kunyaring umiiyak pa.

''Hah! Akala niyo madali trabaho ko dito wag kayong ano diyan kung alam niyo lang nangyari sakin at experience ko with the doctor siguradong iiyak ka nalang.'' Panakot ko naman sakanya na siyang tunay naman. Nakaka kilabot talaga ang araw na iyon hindi ko iyon malilimutan.

I'm Not The Doctor [BxB]Where stories live. Discover now