56

297 18 0
                                    


CHAPTER 56

Patuloy padin akong nakasilip sa nakasiwang na pinto, nakikita ko padin si Smoke na patuloy sa pagiyak habang nakatingin sa Picture.

"You said, chase my dream and sorry, I- i need to kill you...inutusan ko ang isang maid na lunudin ka in order na makasama ko sya." What?! He killed the real Luana? P-para makalipat ako sa katawan na ito?

Ayan ba ibig sabihin nya?

"Wala akong chance na makasama sya nakaraan naming buhay, kaya't masaya pa nga ako at nakapagpalitrato ako sa kanya habang hawak hawak ko ang kamay nya." Umiiyak na saad nito. "I am too selfish? That i killed you exchange of my happiness?" Napalayo ako sa nakasiwang na pinto.

Ayun ha ang rason nya? O hindi pa? Masyadong komplikado ang mga bagay bagay na ito ngayon.

Nagtungo ako sa banyo habang iniisip ang mushroom na lalaki baka sakaling nagpakita sya.

Pag pasok ko ay bigla itong nagpakita, nakangiti itong bumungad sakin."Alam mo na?" Tanong nito.

"H-he killed his wife? For this!?" Sigaw ko dito at tumango naman ito.

"He killed Luana para nareincarnate ka sa mundong ito, as you can see. He loves you so much, my chea." Umarte pa itong naiyak habang nakatingin sakin.

He really kill her, a-akala ko sa ala ala ni Luana nalunod sya, pero sinadyang malunod sya?

Hindi ko na alam ang nangyayari.

Maiyak iyak akong tumingin sa taong kaharap ko."Ibalik mo na ako sa mundo ko, pleasee!" Pag iyak ko dito munit tumawa lang sya.

"Not so fast my chea, malapit na. Alamin mo nalang ang huling rason paano napupunta ang mga obsessed leads sa mundong to na kasama ka." He smiled and that's all vanished ng umalis ito.

Napasandal nalang ako sa tabi ng pader, si Aphrodite ba ang inaantay nyang mapunta sa katawan ni Luana kaya nya pinatay? O ang totoong ako? Hindi ko na alam ang gagawin ko, gulong gulo na ako sa mga bagay bagay.

"Minahal nya ba talaga si Luana?" Mahinang bulong ko sa sarili.

Makakaya ko ba syang iwan? Lalo na nahuhulog na ako sa sariling patibong ko.

Kahit anong gawin ko, hindi ko maiwasan ang bagay na biglang susulpot para maramdaman ko. At ang bagay na iyon ang kinakatakot ko.

Sa paglisan ko sa mundong to, makikita ko pa kaya sya sa totoong mundo na ginagalawan ng totoong ako?

Habang palalim ng palalim ang inisiip ko ay nag pasya na akong maligo dahil may date nga pala kami kahit may bagay akong natuklasan na pwede kong magamit para makaalis ako sa mundong ito.

Paglabas ko ay dumaretsyo ako sa closet room ng kwarto namin dahil pagpasok ko ay wala na sya dito, sigurado akong naliligo na sya.

Nakita ko ang isang floral dress at doll shoes kaya iyon na ang napag pasyahan kong suotin ngayon.

Napatingin ako sa litrato ni Luana habang suot suot ang dress na ito, maganda sya.

Iisang tao, pero magkaiba ng kaluluwang nag suot.

Inayusan ko na ang sarili ko upang maging maayos ang itsura ko at saktong pababa ako ay lumabas na si Chance na maayos na, nakadamit na rin ito.

"Wait me wife, may gagawin lang ako." Tumango ako at umupo sa gilid ng kama.

Habang nag aayos ito sa harap ng salamin ay nakatingin lamang ako dito mula sa likod nya.

I smiled, mauulit pa kaya ito?

Humarap ito sakin bago ngumiti at inaya ang kamay ko kaya buong puso ko itong binigay sa kanya.

Pagkatayo namin ay sinayaw nya ang ako ng pang from, magkatitigan kami habang ang kabilang kamay nya ay nakahawak sakin at isa ay nakalagay sa bewang ko.

I smiled at him while we're dancing out of nowhere, pinaikot ako nito at sa pagikot ko ay niyakap ako nito.

"Can we stay like this until the end? I really really love you, m-my wife. " Bulong nito sakin kaya't hindi ko maiwasang hindi mapaiyak ng palihim.

Reincarnated as the Female Lead I GAME OF OBSESSION I ( Season 2 )Where stories live. Discover now