54

302 15 1
                                    


CHAPTER 54

"Are you sure? Papalayain mo na ako?" Tanong ko dito, tumango ako dito.

"Yes, hanapin mo ang tunay na rason Kung papaano na punta ang mga litrato mo sa mundong to at...bakit tuloy tuloy ang pagreincarnate nila sa mundo kung nasaan ka." Nawala na ito pagkatapos.

Kailangan ko nalang hanapin ang totoong rason sa bagay na ito at Malaya na ako.

Makakalaya na ako...

Lumabas na ako ng banyo at naglakad papuntang kusina, sinugurado ko muna na walang bakas ng pagluha o ano mang bagay ang makikita sa mukha ko.

Mahirap na, baka malaman nyang hindi ako ang tunay na asawa nya.

"Oh wife, malapit na to." Ngumiti sya. "Upo ka na po." Tumango ako at umupo sa lamesa, pinagmasdan ko ang kabuuan ng bahay.

Bakit nawala yung mga maid kanina?

"Chance, bakit wala na dito yung mga maid?" Tanong ko dahilan para bumasangot ito.

"Wife, why are you calling me by my name? Don't you love me anymore?" Malungkot na tanong nito.

"A-ah ano kase, s-sige hubby." Potek talaga! Tanggal angas to.

"Say it again wife, i want you to call me again in that call sign." Nakangiting saad nito.

"H-hubby!" Inis kong saad at wala sa sariling nakaramdaman ng kung ano sa dibdib.

Ano yun? Bakit nagkaganto? H-hindi ito pwede.

Ayokong mahulog sa kanya dahil alam kong hindi ako permanente sa mundong ito.

"Wife? natigilan ka ata? May nangyari ba?" Tanong nito sakin kaya't agad akong umiling sa kanya.

Kaya siguro tayo pinagkita ng tadhana ng maaga dahil alam nyang hindi tayo magiging magkasama sa huli.

"W-wala, may naalala lang ako." Kahit naguguluhan sya ay ngumiti nalamang ito sakin at bumalik sa ginagawa nya.

Makakaya ko bang umalis?

Ay shet, nagdadrama na ako eh hindi naman ako nahuhulog sa kanya, saglit na panahon palang.

Kinuha ko ang cellphone sa lamesa at binuksan ang Chrome nag search ako dito ng about sa love, paano mahulog at papaano hindi masaktan

Sa totoo lang, akala ko alam ko na ang love pero hindi papala, bata palang ako nangarap na ako ng happy ending kasama ang prince charming ng buhay ko, pero mahirap pala yon lalo na nawalang matinong lalaki na hindi ka lolokohin, maganda nga naloloko pa, ikaw pa kayang hindi kagandahan.

Nakakita ako ng isang mahabang sentence sa Google about sa love.

_"Love was unconditional term for being suffered from undying feelings, we may suffer from it dahil nagmamahal tayo, hindi man madali, hindi man satin ang taong minahal natin ay at least alam nating naging parte tayo ng buhay nito.

_"We can't rewind all the past things happened on us but at least nagmahal ka, kahit alam mong masasaktan ka."

_"That's the real meaning about Undying Love."

Teka bakit ako nagbabasa nito? Hindi naman ako nagmamahal, dahil hindi ko din naman iyon gusto.

At the end of the day, I'll be the one who will lose.

"Wife, malalim ata iniisip mo, care to share me po?" Tanong ni Chance habang nag hahain ng makakain namin kaya't umiling nalang ako.

"Wag mo nalang akong alalahanin, may bagay lang akong naalala." Sagot ko sa kanya at binaba naman nya ang buhat buhat nyang plato bago inayos sa lamesa.

"I'm your husband wife, nandito ako para makinig sayo, kaya kung kailangan mo ng kausap. Nandito lang ako." I smiled at him.

"I will, Chance." Ngumiti ito at nag umpisa na kaming kumain.

Hindi naman talaga sya mahirap mahalin, munit ng nasa mundo kami ni Zarishma hindi ko sya napapansin dahil sa malaking takot ko.

Because, he was Aphrodite lover.

Reincarnated as the Female Lead I GAME OF OBSESSION I ( Season 2 )Where stories live. Discover now