Chapter 6

5 1 0
                                    

Isang buwan na ang lumipas. Wala namang bago bukod sa tinambakan kami ng mga requirements dahil malapit na ang final examination para sa 2nd semester. Walang araw na hindi pwedeng hindi ako uuwi ng pagod at burnt out dahil halos pantayan na namin ang mga professor namin sa pagiging busy nila.

Beshy ❤️‍🔥

Nasan ka?

Sabay ba tayong maglalunch?

Beshy 👄
Hala, beshy!
Nakalimutan ko huhuhuhu
Magkasama kami ngayon ni Jericho
Sorry 🥹

Mali pala 'ko. Meron palang nagbago. At iyon 'yung closeness naming dalawa ni Cassandra. Simula kasi nung nanliligaw sa kanya si Jericho, hindi na kami halos sabay mag-lunch. Minsan nga, nakikita ko na lang siya 'pag nasa loob kami ng classroom eh. Pero hanggang doon lang 'yon.

Biglang naglaho sa buhay ko ang presensya ni Cassandra. Nung mga unang beses, hindi ko hinahayaan kasi may karapatan pa rin naman ako, di ba? Magkaibigan pa rin naman kami. Kaso kinalaunan . . . . nawalan na lang ako ng gana.

May part nga sa aking nagui-guilty kasi parang may moments na napipilitan na lang siyang sumama sa akin para hindi ako magtampo. Kahit na ang gusto naman talaga niyang kasama — si Jericho. Oo, Jericho na lang. Hindi ko na siya tinatawag na "Sir". 

Bitter? Oo. 

Pero hindi niya rin naman ako mapipilit na tawagin siyang gano'n kung ayaw ko. 

Kaya ang ending, ako na lang mag-isang kumain. Kaso hindi sa canteen kundi sa mini forest. Hindi kasi talaga ako sanay kumain mag-isa. At ayoko namang magmukhang kawawa sa canteen. Okay na 'ko rito sa mini forest kasi konti lang din naman ang estudyante rito at meron din akong iilang nakikita na kagaya ko — lonely.

"Hi, Angel. Bakit ikaw lang mag-isa?"

Umangat ang tingin ko sa taong tumigil sa harapan ko. Malawak ang ngiti niya sa akin pero nagsusumigaw ang mga mata niya ng pagtataka. Para siyang inihulog ng langit sa harapan ko dahil nagre-reflect ang sunlight sa kanya.

"Kasama ni Cassandra si Jericho," sagot ko na lang.

Umawang ang labi niya. "Oh, ganoon ba? Pwede bang sabayan na lang kitang kumain? Mag-isa lang din kasi ako."

Tumango naman ako kaya umupo siya kaagad sa harapan ko. Si Angelus nga pala siya. Kaklase ko. May group of friends din pero sa halos isang taon naming pagiging magkaklase — siya ang tahimik sa grupo nila. Mas gusto ang nakikinig kaysa pinakikinggan. Nagpapansinan naman kami pero madalang lang.

Hindi rin kasi big deal kung gaano kalawak ang group of friends mo ngayon sa college. Mas nagma-matter pa rin kung paano ka makaka-survive. At kahit naman nasa sulok lang siya ng classroom, may kumakausap pa rin sa kanya.

"Nasan yung homies mo?" tanong ko sa kanya.

"Nasa bayan. Wednesday ngayon kaya nag-shopping sila."

Wednesday is Market Day nga pala rito sa Alpas. Habang bukas naman ng gabi ang Night Market. Kung ikukumpara, mas masaya sa Night Market dahil mas maraming tao. 

"Hindi ka sumama?"

"Wala akong pera. At saka, mainit."

Sumang-ayon naman ako. Iniisip ko nga kung saang parte ng university kumain si Cassandra at Jericho. Kung nainitan ba si Cassandra na dapat hindi kasi sa puti ng balat no'n — madali siyang namumula at halatang-halata 'yon sa buong mukha niya.

"Ikaw?" dugtong niya kaya napatingin ako sa kanya. "Bakit parang lagi ka na lang mag-isa? Napapansin namin, parang hindi na kayo laging magkasama."

"Namin? Parang ang dami niyo naman," sabi ko na natatawa. Kahit na sa loob-loob ko, parang na-realize kong ang laki na pala ng absence namin ni Cassandra sa isa't isa.

Bite of an AngelWhere stories live. Discover now