Prologue

34 8 29
                                    

Bakit ang sakit magmahal? Minsan, napapatanong na lang talaga ako sa sarili ko kung hindi ko ba deserve maging masaya. Sa mga nakikita ko kasi sa Facebook, karamihan sa kanila—malaya nilang nai-express mga sarili nila. Malaya silang mahalin ang mga taong gusto nila. Samantalang, ako, eto—nadah.

Puno ng takot dahil hindi ko alam kung tatanggapin ba ng taong mahal ko ang nararamdaman ko. At mas lalong hindi ako sigurado kung darating ba ang panahon na maintindihan niya ang nararamdaman ko para sa kanya, kung ngayon palang, parang malabo na.

Hinga . . . . buga.

Sabi nila, nasa tao lang daw 'yan kung hanggang saan nila kayang mag-take risk, e. Pero shet. Paano ba kasi maging matapang kagaya ng iba? Mukhang hindi ko kasi kaya. Lalo na sa sociedad na ginagalawan ko ngayon?

Paniguradong walang kahit sino ang makakatanggap sa nararamdaman ko. 

Napahingang malalim tuloy ako. Biglang nag-vibrate ang cellphone ko at nang tingnan—napaangat ang gilid ng labi ko.

Bff 👄
Besh, asan ka?
Nang-iwan ka talaga, 'no? 
Hmp

Bff ❤️‍🔥
Tagal mo
Kulang na lang palitan mo presidente ng org ninyo

Bff 👄
'To naman, lam mo namang VP ako.
O, nasan ka nga?

Bff ❤️‍🔥
Confidential

Bff 👄
Baliiiiiw!

Natawa ako. "Ako pa talaga, ha?" bulong ko.

Bff ❤️‍🔥
Canteen
Dalian mo na, umorder na ko ng pagkain natin

Bff 👄
Awiiii, thanks besh! 😘
Otw naaaa

Tumagal ang titig ko sa kiss emoji ni Cassandra. Tapos, napakagat labi. Lagi naman nyang ginagawa 'yan dahil may pagka-clingy syang klase ng kaibigan. 

Pero kung gaano sya kalalang mag-express ng feelings kabaligtaran naman no'n ang sobrang pagka-manhid nya. Napabuga na lang ako ng hangin.

"Gel, bakit ikaw lang mag-isa? Si Cassie?" tanong ng kaklase naming kakapasok lang sa canteen, kasama nya mga tropa nya.

"Meeting pa sa org."

Tumango sya. "Sabay kayong magla-lunch?"

"Oo."

"Ah, sige. Bili muna kami."

Sumaludo lang ako sa kanila at doon naman sila lumapit na sa counter para bumili ng pagkain. 

Tambayan na namin ni Cassandra ang canteen. Tamad kasi kami parehong lumabas ng university dahil bukod sa mainit—laging puno ng mga estudyante ang bawat carinderia. Kaya ayon, dito na lang kami. Less ang tao, mas nagkakaroon kami ng peace at maraming time para sa chismax.

Sa left side ako ng canteen nakapwesto, bukas ang sliding window at pang-apatan 'yong inuupuan ko. Hindi naman umuupo 'yong iba kapag nakikita nilang may nakapwesto na. At saka, iyon nga—konti lang naman tao rito kaya wala rin halos agawan ng pwesto. 

Ich-chat ko sana ulit si Cassandra nang dumilim ang paningin ko. Kumabog nang mabilis ang puso ko ng bumulong 'yong tumakip ng mata ko, "Hulaan mo kung sino 'to."

Napangisi ako. "Cassandra."

Binitiwan nya 'ko at pinakinggan ang tantrums nya. Natawa na lang ako. Ang weird pero sa pitik palang ng puso ko—alam na alam na nito kung malapit na ba si Cassandra sakin or kung nandyan lang ba sya sa paligid. 

"Bakit mo alam?" pagmamaktol nyang umupo sa harapan ko. 

"Ako pa ba? E, best friend mo 'ko."

Pait ng lasa no'n, a.

Bite of an AngelWhere stories live. Discover now