Chapter, 03.

28 2 2
                                    

Pag bagsak ni Haruko sa likoran ko ay agad akong tumongo kay Haruko,nag alala ako sa kaniya. Pag kalapit ko ay lumayo si Haruko kasabay pag kuha ng flawta niya.

"Sino ka!?" Sabi nito ng tinuro ako gamit ng Flawta niya. Hindi ko alam bakit ganyan ang reaction niya. Na parang nakakita ng multo dahil lumalayo siya sakin at umiiyak.

"Haruko! Ako to si Hanamichi Sakuragi" sagot ko at lumapit. Medyo lumayo ulit si Haruko at titig na titig sa mukha ko.

"Wag mong sabihin.... Nabuhay ka" sabi pa nito. Hindi ko siya maintindihan

"Huh!?" Tanong ko. Nakita ko naman gumalaw ang kamay niya ng ikinagulat ko dahil tutug-tug siya. Pag tunog ng Flawta at napahawak ako sa tenga ko. Naging echo ang naririnig ko at kasabay pag bigat ng ulo at unting unti gigiba o sasabog.

"T-tigalan mo yan" sigaw ko dahil sa sobrang sakit

"Aarghhh"

"T-tama na"

"HARUKO!!!!" pasigaw ko ng biglang pag sabog ng paligid sa ginawa ko ng ikinatigil ni Haruko sa pag tunog. Napa atras ito,at ako naman ay naka titig sa kaniya at naglakad.

"Hindi ka pwedeng mabuhay! Kailangan mong mamatay! Arthic!" Sigaw ni Haruko. Hindi ko din alam na bigla akong napa tigil sa pag lakad dahil sa narinig kong pangalan ni Arthic,nakarinig na ako niyan nung sinabi ni Uncle kahapon. Sino ba si Arthic! Ano ba siya sa buhay ni Haruko! At bakit akong umiyak bigla sa harapan niya.

"Kung mahal moko... Please kailangan mong mamatay" sabi pa niya ng ikinagulat ko pag sabay pag buhos ng luha ko. Iba yung naramdam ko. Ang sakit niya mag salita. Bakit ako naapektohan? Sino at ano ba si Arthic sa mundong ito!.

"Haruko" sambit ko

"Please,kailangan!" dagdag pa niya at umiling-iling pa ito sa pag iyak pa niya at napa upo ito

"Hindi ka pwedeng makita. Mag tago ka Arthic" dagdag pa nito

"Hindi!" Sabi ko at lumapit kay Haruko. Inalayan ko siya at hinawakan ang dalawang braso para hindi mapahiga sa buhangin.

Tumingin siya sakin at kitang kita sa mata niyang nag alala sakin at nag mamakaawang umalis, "hindi kita iiwan dito,kailangan na nating umalis" sabi ko naman ng hinawakan niya ang dibdib ko.

"Arthic,alam ko sumanib ka sa kaniya,please umalis kana sa katawan niya" pakikiusap ni Haruko ng nakaramdam naman akong kakaiba sa noo ko. Suminag ito ng malakas kasabay ng mata ko. Naka titig si Haruko sakin at ngumiti...

"Alam ko,alam ko nakahanap ka,pero bakit ka napa rito,mag tago ka Arthic hindi nila pwedeng patayin si Hanamichi! Dahil anak siya ng ate mo" sabi pa niya. Mas lalo akong nagulat sa narinig ko. Dahan-dahan inilapit ni Haruko ang mukha niya sa mukha ko kasabay ng pag halik niya sakin.

Ngayon lang ako nakahalik ng isang babae. Ang lambot ng labi niya. Kakaiba ang naramdam ko. Lumuha ako ng hindi ko man lang nalalaman. Siguro. Mag kasintahan sila... At napa ibig ako ng dahil kay Arthic. Si Arthic,ay isa ko palang tito o Uncle ko. Pag katapos akong halikan ni Haruko ay nawalan ito ng malay. Kaya nagawa ko siyang saluhin.

Tumayo ako at kinarga siya. Hindi kona sinuot ang tela dahil hindi naman ata yun makikita ang marka sa noo ko dahil mahaba naman ang buhok ko. Kundi mararamdaman nila kung ano ako. Hanggang ngayon nakaramdam ako ng init sa katawan,kung tatakpan ko ang noo ko,siguro nakakabalik sa normal ang katauhan,pero nasunog yun ng pag kasabog ko kanina. Yung damit na binigay ni Uncle ay punit punit na.

Puro gasgas na ang mukha ni Haruko at talsik ng dugo,kapa pala... Dahil may sugat ako sa balikat... Hindi ko napansin,na saksak ako ng unggoy nayon,grabe hindi ko akalin nagawa pa niya akong saksakin ng nag teleport ako. Nakakailang lang dahil hawak ko ang katawan ni Haruko,ang ulo pa niya ay nasa ilalim ng dibdib ko at yung hita niya urghhh. Sabihin nalang natin. Maganda talaga siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Inside Your Body (strongest soul)Where stories live. Discover now