Chapter, 02.

26 6 2
                                    

Maaga kaming nagising dahil oras na para ilibing si Lola,nasa likod ako ni Uncle na may hawak na bulaklak. Hindi ako iiyak dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak ni lola. Masakit pero kailangan tanggapin. Kasalanan ko dahil pinag alala ko siya. Kung ganto ang mangyayari,sana pala hindi na ako nagising. Pero may dadating na tadhana nag hihintay sakin. Tumingin si Uncle sakin kaya nag lakad ako.

"Lola,masaya ako dahil naging ikaw ang lola ko,minahal moko ng tinuring isang anak. Mamimiss kita. Mahal na mahal kita at sana wag mo akong babayaan" sabi ko at hinagis yung bulaklak at umatras. Sapat na yung sinabi ko,ang lahat ng yun ay totoo kaya alam kong hindi ako babayaan ni lola.

Patapos na ang oras na naka tingin ako sa pangalan ni lola at nag lakad na. Nakita ko si uncle naka tayo sa kotse mukhang hinihintay niya ata ang pag dating ko.

"Nadala mo na ba ang lahat ng kailangan mo?" Sabi niya sakin

"Oo,syaka yung mga gamit sa bahay.... Hindi ko na ata yun kailangang lahat,yung papel pala Uncle?" Napansin ko kasing may hawak siyang papel kaya nasabi ko ang bagay na yun.

"Ahhh... Ito ata yun?" Pataas niyang sinabi at inabot sakin

"Nabasa kona ang naka sulat dyan Hanamichi,sana naman maintindihan mo si tita" sabi niya at nag lakad ng pumunta sa Driversit.

"Sumakay kana,nag hihintay si Takamiya sa lagusan" sabi niya kaya binuksan ko ang kotse at umupo. Pina-andar na niya at naka alis na na kami. Naka tingin ako sa papel,gusto kong basahin kaya nga lang hindi pako handa. Kaya mamaya nalang.

Hindi nag tagal nasa masikip kaming dumaan,hindi ko alam may ganto palang lugar,at may mga taong kakaiba ang itsura. Nakakapag taka dahil may mga bata,matanda dito at magagandang babae,grabe ang puputi nila. At may napansin akong isang babaeng kasing ganda ni Haifa kaya,nalungkot ako dahil naalala ko si Haifa. Bumuntong hininga ako at iniwasan nalang yun ng tingin.

"Ang mga tao dyan,taga Kydo's Trone,dito sila tumatambay,at syaka tara na bumaba na tayo,pupunta na tayo sa pupuntahan natin,kanina pa naman si Takamiya nag hihintay" sabi ni Uncle kaya nauna na akong lumabas. Pag kalabas ko may mga taong naka tingin sakin kasabay nun,pag atras sakin ng bata at tumakbo.

"Uncle" tumingin ako sa kaniya dahil iba yung titig nila sakin,ngumiti siya sakin at nag lakad ito palapit

"Alalahanin mo ang sinabi ko sayo kagabi" sabi niya

"Tara na" nag lakad ito at naalala ko na nga,kaya kinakabahan ako dahil sa sinabi ni Uncle kagabi. Ayaw ko pa naman mamatay bakit ba kasi nangyayari to sakin.

"Hanamichi. Makinig ka,sa oras nang may nakita sayo... Wag kang kabahan dahil may naramdam silang kakaiba dyan sayo. Kaya hayaan mo nalang silang titigan ka,kung lalapit sila sayo at nakipag kausap,kausapin mo,lalo na ingatan mo ang sarili mo dahil baka mamaya bigla kang saksakin" bigla akong kinakibotan ng na alala ko yun kaya lumapit pa ako ng masyado sa likod niya at yumuko.

Nakasalubong naman ang tingin ko sa babae,yung nakita ko kanina,napa ngiti ito sakin kaya naman nailang ako,mas maliit siya kay Haifa,at maputi,mag ka iba pala sila ni Haifa nung nandito ako sa labas,habang nag lalakad ako ay sinundan ko siya ng tingin ng may nakita akong lalaking malaki at mukha pang Gorilla,nakakatakot dahil naka titig ito sakin ng masama.

"Haruko tara na" sabi ng lalaki. Sguro mag jowa sila.... Hindi sila bagay sayang siya,dahil gagawin ko sanang new crush eh minamalas ka naman oh.

"Haruko" sambit ko sa isip at tumingin sa harapan ko ng ikinauntog ko naman

"A-aray" sambit ko naman dahil may kahoy

May nakarinig naman ako ng tawa at si uncle ay napa himas nalang ng mukha dahil sa katangahan ko,hindi ko kasi nakita to dahil sa biglaan ng pag kauntog ko.

Inside Your Body (strongest soul)Where stories live. Discover now