Chapter, 01.

52 4 1
                                    

Hanamichi POV;

Sa kalagitna-an ng gabi ay nasa kwarto ako nag susulat para bukas ipapasa dahil deadline na. Tinanggal ko ang tali mula sa noo ko at tumingin sa salamin,kasya yun sa mukha ko,halos sa kapogian ay kitang kita talaga. Napapaisip ako na hanggang ngayon hindi ko alam kung ano ang nasa noo ko. Ang sabi ni lola,galing to kay mama. Ni minsan hindi ko man lang makita ang mukha niya. Expect lang kay papa.

Ang sabi sakin ni lola,iniwan ako nila dahil may importante lang daw silang gagawin sa mundo ng Kydo's Trone. Nabalitaan ko na yang lugar na yan,ang sabi pa ni lola,doon daw nag mula ang aking ina. Nakakapag taka nga lang dahil pinapasuot ako ni lola ng makapal na tela upang takpan ang aking noong kulay pula... Kapag hahawakan mo parang nararandaman mo yung guhit niya. Masakit din siya kapag hawakan.

Titig na titig ako sa noo ko,at sa aking mata,sa tuwing tinatanggal ko ang tela nagiging pula na din ang mata ko. Alam ko na hindi ako isang tao,yun ang sabi sakin ng kaibigan ko na si Takamiya. Siya lang nakakaalam sa sekreto namin ni lola,at nakita na din niya ang tunay kung anyo.

"Apo.... Labas na dyan kumain kana muna apo ko...." Malambing mula sa labas kaya daling dali ko naman tinali ang tela sa noo ko at inayus ang mga gamit ko.

"Opo la,baba na ako" sigaw ko naman at syaka lumabas ng kwarto. Maliit lang ang tahanan namin,dalawa ang kwarto sa bahay at pag labas mo sa kwarto ay kusina at sala na din yun. Ang Cr namin ay nasa labas. Pag pasok mo mula dito sa bahay ay liliko kapa at yun na yung kusina. Maliit pero malinis,at ako na din ang nag flo-floorwax dahil masipag ako. Nag mana daw ako kay papa. Si lola ang nag sabi nun.

At syaka.... Maganda daw si mama,gusto ko tuloy siyang makita, "apo ko..." Rinig kong sambit ni lola kaya agad akong tumingin sa kaniya. Kita ko sa mga mata niya na nag alala sakin dahil nakaraang linggo hindi ako makatulog dahil sa nakikita ko tuwing gabi kaya ang ginagawa ko nag rereview nalang.

"Lola,ayus lang ako,babawi ako kung may oras,dahil need din ko kasi mag review at mag sulat" saad ko naman at hinawakan niya ang kamay ko,may pag ka tanda na din si lola,kaya kailangan ko mag tapos para may maalaga kay lola. Alam ko malayo pa ang mararating ko pero malakas ang loob ko na mag tatagal siya sa tabi ko. Hinawakan ko babalik ang kamay nito sabay naman akong hinawakan ni lola sa pisnge. Kaya ngayon isa na akong pusa.

"Apo ko.... Manang mana ka sa papa mo,namimisss ko siya at na alala ko siya sayo,dahil sa tangkad at sa kulay ng buhok at pananalita" ngiting sabi naman nito kaya naman pinunas ko ang luha niya dahil umiyak ito.

"Wag ka nang umiyak,sge ka papangit ka niyan hahahahahahahahah" pabiro ko at ngumiti naman ito sakin sabay hampas ng braso sakin.

"Apo,alam ko nahihirapan ka ngayon,bakit hindi mo samahan si Takamiya na gumala sa Kydo's Trone,at doon ka na din tumira,dahil alam ko hindi ka pwede dito" nalungkot ako sa sinabi niya kaya tumawa lang ako at kumain.

"La! Hindi kita pwedeng iwan dito-"

"Kailangan Hanamichi,para makita mo na din ang iyong magulang,yun na yung ibigay mo sakin kapag nakita mo. Magiging masaya na ang lola mo" pangiting sabi nito kahit alam kong nasasaktan siya sa sinabi niya...

"La! Nasa harap tayo ng pagkain mamaya na yan" sabi ko at binilisang kumain

Habang kumakain kami ay naging tahimik nung nag salita akong imamaya na niya ang sasabihin sakin. Nakakawalang gana kasi kapag kumakain ka tapos hindi ka pa nabubusog sa mga sinasabi niyang nakakapag pasakit ng damdamin.

Inside Your Body (strongest soul)Where stories live. Discover now