CHAPTER 13

80 4 0
                                    

Nang makwento ko ang lahat ay doon na humingi ng pasensya si mark.

"S-sorry aimie... Hindi ko ginusto na mangyare ang lahat ng to!.." sabi niya nang makalapit na sakin habang naka taas ang kamay.

"Anong hindi mo ginusto!? ginawa mo na nga kaming alay sa demonyo ninyong pangino-..."

Naputol ang pag sasalita ko dahil biglang inagaw ni mark ang kutsíly0 at doon nga ay nakuha niya.

"Itaas ang kamay!.." sigaw niya sakin.

Agad kong tinaas ang kamay at nagsalita siya.

"Haha, malas mo nalang dahil nakipag usap kayo kay rosalinda." Natatawa niyang sabi at kumuha ang lubid.

Tinapon niya sakin yung lubid at dito nga ay nagsalita siya.

"Igapos mo ang mga paa mo." Dagdag pa niya sabay tutok ng kultsíly0.

Dahan dahan kong kinuha ang lubid at dito nga ay aakmang magsasalita pa sana si mark nang biglang sinipa ni claire yung kamay niya, dahilan para tumilapon yung kutsíly0 at doon nga ay agad kaming nag sitakbuhan, nagpaunahan kaming tatlo sa pagkuha ng kutsíly0.

Pero sa isang iglap lang, lumanding yung kutsíly0 sa paa ni meranda, ang mama ni mark.

Agad niyang kinuha at natawa.

"Hahaha, tanggapin nyo na ang kapalaran ninyo mga bata. Kagaya ng pag tanggap ni rosalinda sa kanyang kapalarang magiging alay!!." Sigaw niya.

Napahinto kaming dalawa ni claire at dito nga ay tinutok ni meranda ang kutsíly0 sa aming dalawa, kasabay nun ay agad kaming pinadapa ni mark at aakmang tatalian ang aming mga kamay nang biglang nagsigawan yung mga membro nila.

Nang marinig ni meranda ang ingay ay agad siyang lumingon sa likod, at sa pag lingon niya ay sumalubong sa kanyang mukha ang isang napakalaking bato.

"Aaahhh!!..." Sigaw ni meranda.

Dahil dun ay nabitawan kami ni mark at tumingin siya sa likod ng mama niya para tingnan kung sino yung maygawa, pero nagulat nalang siya nang makita niya si kelly.

Kaya aakmang susugurin ni mark si kelly nang biglang hinawakan ni claire ang kamay ni mark at hinarangan ang isang paa sabay hila palapit sa balikat ni claire at nang madikit na ang kili kili ni mark sa balikat ni claire ay agad niyang hinila pababa si mark dahilan para mahiga, at nang mahiga na ay agad niyang sinuntok ang lalamunan para mahihirapang huminga, kasabay nun ay sinuntok pa ni claire ang gilid ng tyan para mas lalong mahihirapan huminga at hindi makakilos.

Yan ang isa sa technique ng Taekwondo for self defense.

At dahil babae ang mama ni mark ay wala siyang alam kundi ang gumamit ng patalim, aakmang babangon si meranda pero hinampas pa ni kelly ng bato, dahilan para mahimat4y.

*KELLY'sPOV.*

*FLASHBACK*

Nang magising ako ay nagulat nalang ako dahil nakahiga na ako sa lamesa na binuo lang sa mga bato.

Tumayo ako at tumingin sa gilid, doon ko nakita si kerby na walang malay. Si aimie naman ay nakaupo lang sa mesa.

"Aimie? Nasaan tayo?" Tanong ko.

Tumingin naman si aimie at sumagot.

"Nandito tayo sa tuktok ng bundok, gagawin nila tayong alay sa sinasamba nilang Panginoon." Deretsahang sagot niya.

Agad akong nagulat sa sinabi ni aimie.

"W-what!? No way!!. Kailangan gumawa tayo ng paraan aimie!!." Sabi ko.

Agad naman niya akong tiningnan.

"Oo alam ko." Sabi niya at dito nga ay lumapit siya sakin at niluwagan niya ng kunti ang pagkakatali ng lubid sa kamay at paa ko.

"Ayan, di pwedeng tatakbo tayo ngayon dahil maiiwan si claire. Humanap tayo ng pag kakataon para gumawa ng scenes. Tsaka na tayo tatakbo at doon natin sila isumbong sa mga police." Sabi pa niya at bumalik sa bato at humiga, nagkunwari siyang tinalian ang kamay at paa.

*END OF FLASHBACK*

Pagkatapos kung p0kp0kin nag ulo ni meranda ay agad kong timapon ang dala kong bato, si claire at aimie naman ay pinulot ang kutsíly0 tsaka sila lumapit kay aling belen na nahihirapang tumayo dahil sa lakas ng pagkakasipa ni claire ay nabali yung buto.

"Kelly, tulungan mo si kerby!!.." sigaw ni claire.

Doon ay agad akong nagtungo sa lamesa kung saan nakahiga si kerby.

Nang makita ko siya ay parang mamamat4y na siya dahil sa kaputlaan.

"Kerby!!.. lumaban ka!!.." sigaw ko at kinuha ko siya.

Binuhat ko si kerby dahil sa kalagayan niya na malabo nang makalakad pa.

"Ano na ang gagawin natin!!.." sigaw ko.

Dahan dahang naglakad si claire samantalang si aimie ay tinutok ang kutsíly0 sa lalamunan ni aling belen.

Naglakad kaming apat pababa ng bundok, samantalang si mark ay nakahiga at hindi makatayo dahil sa sakit ng kanyang tyan.

Sinundan kami ng mga naka hood, kaya sinàksák ni aimie si aling belen sa balikat tsaka nag salita.

"Pag sumunod pa kayo!! Ang susunod na tatamaan ng kutsíly0 ay ang puso na ng matandang to!! Kaya tumigil itigil tigil tigilan nyo na ang pag sunod samin!!." Sigaw ni aimie.

Agad namang nagulat ang mga naka hood at dito nga ay huminto naman sila sa kakalakad.

Dali dali kaming naglakad pababa, kahit si aling belen ay walang magawa.

Hanggang sa nakaabot kami sa bahay kubo niya at doon kami pumasok.

Pinahiga namin si kerby at konting konti nalang at mamamat4y na siya dahil sa dug0ng nakuha kanina.

Nilinisan namin ni claire ang sugat ni kerby habang si aimie ay tinutukan ng kutsíly0 ang matanda.

Ilang segundo lang ay natapos na kami sa kakalinis tsaka kinuha ni claire ang selpon at tumawag sa mga police.

Lumipas ang 30 minutong pagpapahinga at paghihintay ng mga police ay napansin naming may umingay sa labas.

Aakmang tatayo na sana ako nang biglang may isang arrow, bala ng pana ang tumaob sa bobong.

To Be Continue...

MALIK MATAOù les histoires vivent. Découvrez maintenant