CHAPTER 5

85 5 0
                                    

Pagmulat ko ng mga mata ay sumalubong sa harap ko ang isang maitim na babaeng may sunog ang kalahating mukha sabay sabing.

"Tulungan mo ako" sabi niya.

Agad akong napaatras at nablanko ang utak.

"Pakiusap, wag kang matakot." Dagdag pa niya.

Sa sobrang panginginig ko ay hindi ko namalayang may malaking butas palang lupa doon.

Bigla akong nahulog at napansin kong napakabaho ng tubig na binagsakan ko.

Tumayo ako at aakmang maglakad pero napakaputik sa ibaba, at doon nga ay biglang may isang napakalaking hayop ang nag ingay.

"Moooooooh!!!.." sigaw niya.

Dito ko napagtanto na nahulog pala ako sa paliguan ng kalabaw.

Dali dali akong umahon at napansin ko nalang na nagsitakbuhan na sila mark patungo sa kinarurununan ko na may dalang flashlight.

"Claire!.. nanjan na ako!." Sigaw ni mark at lumapit.

Pagkalapit niya ay agad niyang hinubad ang sout niyang damit at binalot sa buo kong katawan.

"Anong nangyare sayo ha!? Kanina kapa ganyan!!." Sigaw ni mark dahil sa pag tataka.

"Nahulog lang ako mark, pasensya na sa inyong lahat, naabala ko pa kayo." Sabi ko.

Tumingin ako ulit sa lugar kung saan ko nakita ang babaeng multo, ngunit  wala na siya.

Bumalik kami sa loob ng bahay at doon ako nagpaliwanag.

"Naiihi kasi ako ehh, kaya lumabas muna ako para umihi. Tapos di ko naman alam na may paliguan pala ng kalabaw sa gilid kaya ayun. Nahulog ako." Sabi ko.

Tinawanan naman ako ni aimie kelly at kerby.

"Alam mo claire? Kanina kapang umaga minamalas." Sabi ni ami.

"Oo nga ami ehh... Di ko alam kung ano ang nagawa ko." Sagot ko.

Lumapit naman si kerby at sumagot.

"Malamang, wala na kasing mga machong lalaki dito sa bukid kay-.."

Napatigil siya sa kakasalita dahil sinubo ni kelly ang kanyang paa sa bibig ni Kerby.

"O'sha bakla!. Wag kana mag salita dahil puro naman nonsense yang mga lumalabas sa bibig mo." Sabi niya at tumayo.

"Pupunta lang muna ako sa kusina " dagdag pa ni kelly at nagpunta sa kusina.

*KELLY's POV*

"Hays ang mga babaeng yun, ang daming pa eksina." Pag muni muni ko pa.

Naghanap ako ng makakain dahil nagugutom ako.

May nakita akong mga kamoteng kahoy, kamote, at mga saging. Pero hindi naman luto tsaka yung saging ay hilaw.

Wala na akong Choice kundi ang umalis, kaya aakmang babalik na sana ako sa sala nang bigla kong napansin ang isang babaeng nakaitim at nakatayo sa gilid ng lababo.

"Uhmm... Hello?.." sabi ko.

Hindi siya sumagot kaya nagtataka ako...

"Uhmm... Excuse me?... Lola ka ba ni mark?" Tanong ko pa.

Hindi niya ako sinagot at dito nga ay bigla siyang tumagilid at humarap sa  pader.

Hindi ko nalang siya ininda, baka ganyan lang sila sa mga hindi kakilala.

Agad akong bumalik sa sala at dito nga ay nagtanong.

"Tita, maypagkain ba kayo? Nagugutom kasi ako ehh.." tanong ko.

"Pagkain? Meron naman kaming mga prutas dito kaso hindi pa makakain eh.. kailangan pang antayin ng tatlong araw." Sabi ni tita.

"Ahh... Ganun po ba... Sge po, salamat... Pero maiba nga'po tayo, si lola ba sa kusina ay may sakit po ba siya?" Tanong ko kay tita.

Doon ay agad na nabigla si mark at tita.

"Lola? Sinong lola?" Tanong ni mark.

Sinimangutan ko si mark at sumagot.

"Si lola mo mark, nandon kasi siya sa kunina at nakaharap lang sa pader. Tinanong ko pero araw namang sumagot." Dagdag ko pa.

Dito nga ay biglang kinabahan si tita.

"Saan ba kayo galing mga bata!!!?? Bakit nagdadala kayo ng malas sa pamamahay ko!!??" Sigaw ni tita.

Dito nga ay nabigla ako sa reaksyon niya, tsaka siya nagsalita pa.

"Si claire, sinundan ng multo! Pati ba naman ikaw!? Sinundan ka rin!?" Dagdag pa ni tita.

Agad na lumaki ang aming mga mata.

"M-multo?... Ibig sabihin.... Multo yung nakikita ko sa kusina?" Tanong ko.

Agad namang sumagot si mark.

"Parang ganun na nga kelly, dahil wala naman akong lola. Matagal nang patay yun." Sagot ni mark.

Dahil dun ay bigla akong kinilabutan, bumalik ako sa kusina kung saan ko nakita ang matanda. Pero pag balik ko ay wala na siya doon.

Agad akong napaatras, papanong nangyare yun e'wala naman akong binisitang patay? Hindi rin ako nakilamay at lalong hindi ako nag punta sa lamay.

Bumalik ako sa sala at kinuha ang celpon, tiningnan ko ang oras at 3:47am pa ng madaling araw.

Tumingin ako kay claire, at dito nga ay parang naintindihan ko na kung bakit napaka weird niya kanina.

"Claire, may nalabag ba tayong pamahiin sa patay?" Tanong ko.

Sumagot naman si Claire.

"Iwan ko bakla, wala naman yata... Tsaka kanina pa yun nakasunod sakin. Humihingi daw siya ng tulong." Sabi niya.

"At bakit naman daw?" Tanong ko.

"Iwan, di ko rin alam ehh.. natatakot kasi ako sa kanya kaya sa tuwing nagpapakita siya ay tumatakbo ako." Pagpaliwanag pa ni claire.

Ang dami naming iniisip, hanggang sa lumipas ang sampung minuto at nag bihis na si claire ng damit, tsaka sila kerby naman ay natutulog na.

Naiwan akong nakahiga habang natulala, iniisip ko  yung matanda kanina.

Ilang minuto lang ay natapos na si Claire sa kakabihis at nahiga.

"Goodmornight bakla, wag kang mag alala. Dahil bukas na bukas ay dadalhin tayo ni tita sa kaibigan niyang si aling belen, kakausapin daw natin yung multo para lubayan na niya tayo " sabi niya.

Hindi ko nalang sinagot si claire at tumagilid ako para matulog.

Ilang minutong nakapikit ay hindi talaga ako mapakali, iniisip ko yung matanda kanina.

Habang nag iisip ako ay para bang may gumalaw galaw sa likuran ko kung saan nakahiga si claire.

Kaya dahan dahan ko itong nilingon, at sa pag lingon ko ay dito ko nakita si claire na bumubula na ang bibig.

To Be Continue...

MALIK MATATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon