CHAPTER 2

144 5 0
                                    

Matutulog na sana ako nang biglang may nakita akong isang babaeng nakakatakot ang mukha, natatawa itong nakatingin sakin.

Agad kong hinimas ang mga mata ko at tumingin ulit ako sa kanya. Pero nung tumingin ako ay nakita ko ang isang babaeng may dalang mga palay.

"Ateng!? May problema ka sakin!?" Tanong niya.

Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanya at sumagot.

"A'wala, pasensya na." Sabi ko.

Hindi siya sumagot at doon nga ay kinausap ako ni ami.

"Okay kalang claire? Kanina kapa wala sa katinuan ah?" Sabi niya.

Tumingin ako sa kanya at sumagot.

"Iwan ko ba claire, pero parang may nakikita akong mga Hindi dapat nakikita ehh.." sagot ko.

Dahil sa sinabi ko ay tinawanan lang ako ni claire.

Lumipas ang mga minutong pag babyahe ay nakarating na nga kami sa terminal, at doon ay nakita namin sila kerby na nayayamot na sa kakahintay samin.

Agad namin silang nilapitan at nagsalita si ami.

"Sorry guys! dahil na late kami ng sampong minuto!" Sigaw niya.

Agad namang sumimangot si kerby at sumagot.

"Hays! Sa wakas! Dumating na rin ang dalawang reyna, pero walang palasyo!!." Pag aasar pa niya.

Natawa ako at nagsalita.

"Pasensya na bakla! Natagalan lang ehh.. tsaka dalawang oras lang naman..." sabi ko at dito nga ay may biglang bagong rating na bus.

"Dalawang oras lang? Ano ang ibig mong sabihin sa  'lang' teh? Tsaka dito na tayo sumakay! Dahil marami pang bakante!." Sigaw ni kerby.

Agad kaming sumakay at naghanap ng magandang upuan, nag chika chika muna sila aimie at kerby tsaka ang isa pang bakla na si kelly.

Dahil kulang ako sa tulog ay pwenisto ko ang sarili ko para umidlip muna saglit, pero bago ko pa sinira ang mga mata ko ay dito ko napansin si mark na tingin ng tingin sakin.

Kaya imbes na matulog ako ay nilapitan ko muna siya at tinanong.

"Mark? Napansin kong kanina kapa nakatingin sakin, May gusto kaba sakin?" Pambubula ko pa sa kanya.

Agad naman siyang natawa at dito nga ay yumakap siya sakin.

Agad akong nabigla.

"H-hoy!!.. nasa publik tayo!! Ano yang ginagaw-.."

Naputol ang pagsasalita ko dahil napansin kong amoy bulok ang katawan niya.

"M-mark?... N-naliligo kaba?" Takang sabi ko.

Hindi niya ako sinagot, kaya aakmang titingnan ko sana ang mukha niya nang bigla siyang nagsalita.

"PAPAT4YIN KITA!!.." bulong niyang sabi.

Agad akong nagulat at tinulak ko siya palayo, pero ayaw niyang humiwalay sa kakayakap sakin.

"PAPAT4YIN KITTAA!!.." sigaw pa niya at hinarap niya ang sunog niyang mukha sa mukha ko.

Dahil sa takot ko at agad akong napasigaw.

"AAAAHHHH!!..." Sigaw ko at dito ako nagising.

Nakita ko nalang sila aimie na nagtatakang nakatingin sakin.

"Hoy!? May sakit kaba? Kanina kapa ganyan sa apartment ah!?" Ika pa ni ami.

Hindi ko siya sinagot at tumingin ako kay mark, nakita ko siyang nakatingin rin sakin pero may pagtatakang nakaukit sa mukha niya.

Dito ko na realize na panaginip lang pala yun, pero sa pagkaalala ko. Hindi naman ako natulog kasi nilapitan ko si mark.

Parang naguguluhan ako sa mga nangyayare, kumalma ako tsaka nagsalita si kerby.

"Claire, Napanaginipan mo siguro si kelly bilang lalaki no? At naghali-..."

Naputol ang pag sasalita niya dahil sinap4k siya ni kelly.

"Tumahimik ka nga jan bakla!" Sigaw niya.

Napaupo ako at huminga ng malalim, ang wierd talaga ng mga nangyayare sakin ngayong araw.

Parehas ko silang hindi sinagot at umidlip ako saglit, pagkagising ko ay tumingin ako sa kalsada at napansin kong walang niisang sasakyan.

Kahit saan ako tumingin ay wala talagang sasakyan, iwan ko lang pero i think normal lang to lalo na't bukid yung patutunguhan.

Tiningnan ko sila claire at mahimbing ang tulog nila, tumayo ako para tingnan rin sana si mark kasi nasa likod siya nakaupo. Pero pag tayo ko ay nakita ko ang lahat ng taong nakasakay sa bus na natutulog rin.

Ang wierd, dahil ako lang ang gising. Tiningnan ko rin yung driver dahil tatanungin ko sana kung malayo pa ba kami, pero nang tumingin ako sa kanya ay nakita ko siyang natutulog rin.

Dahil dun ay bigla akong kinilabutan, napansin kong liliko yung kalsadang tinatakbuhan ng bus na sinasakyan namin, kaya agad akung sumigaw para magising yung driver pero huli na ang lahat, nabangga ang sinasakyan naming bus.

Napansin ko nalang na nakahiga ako sa lupa, tiningnan ko yung paligid at dito nga ay nakita ko ang maraming apoy sa gilid gilid.

Tumayo ako para e check sila kerby pero nang makita ko sila ay agad na lumaki ang aking mga mata, parehas silang lahat na nakahandusay sa lupa habang put0l yung mga ulo, paa, kamay, yung iba pa nga ay napikot yung katawan.

Sa sobrang takot ko ay sumigaw ako at humingi ng tulong, pero walang niisang tao sa paligid, niisang bahay, sasakyan ay wala rin.

Di ko alam kung ano ang gagawin ko, hanggang sa may tumapik sa balikat ko.

"Hoy gising! Tanghalian na claire kain ka muna ng lunch mo!." Sabi ni kelly.

Agad akong nagising at dito nga ay napagtanto kung nanaginip nanaman ako.

To Be Continue...

MALIK MATAWhere stories live. Discover now