CHAPTER 1

394 11 0
                                    

"Itss Sunday!!!..." Sigaw ni aimie habang naka ngiti itong nakatingin sakin.

Agad akong napaupo sa kama at nagsalita.

"Napaka excited mo naman ami." Sagot ko sabay hikab.

Agad naman siyang tumalon sa kama kung saan ako nakaupo at sumagot.

"Aba! Sinong hindi ma e-excited e'ngayong araw tayo babyahi papuntang bohol!." Ika pa niya habang naka hawak sa balikat ko.

Ngumiti nalang ako at napahawak sa ulo.

"O'sya... Tawagan mo na sila kelly, mark, at kerby. Baka kanina pa yun nag hihintay satin sa terminal." Sagot ko.

Agad naman siyang tumayo at nagpunta sa kabinet para kunin ang phone niyang naka charge.

Tinawagan ni aimie ang barkada namin, kaya habang ina-update ni aimie ang mga barkada namin ay tumayo ako at pupunta sana sa cr para maligo.

"Arrggh!!.. walang signal!!." Sigaw ni aimie hahang hawak ang celpon niyang naka charge.

Tumingin ako sa kanya at nagsalita.

"Baliw ka, pumunta ka sa labas. Doon ka tumawag para may signal, para ka namang iwan." Natatawa kong sabi.

Sinimangutan lang ako ni aimie at agad siyang naglakad palabas.

Dahil ako nalang mag isa sa loob ay dali dali akong pumasok sa cr, at dito nga ay agad akong naghub4d ng mga damit tsaka ko pinaandar ang shower.

Naligo ako habang niramdam ko yung agus ng tubig, nagsabon ako at nag shampoo, pagkatapos ay nag toothbrush and then nag shower ulit para banlawan yung mga bula ng mga sabon sa katawan ko.

Masaya akong naglinis ng katawan at nilinisan ko rin ang pribado kong parte.

Nang matapos na ako ay agad kong inabut yung tuwalya para ibalot sana sa katawan ko, pero wala akong mahawakang tuwalya.

Dito ko naalala na hindi pala ako nag dala, dumiretso pala ako dito sa cr.

Agad akong lumabas para kumuha ng tuwalya, pagkalabas ko ay nakita ko si aimie na nakatayo sa kabinet at busy sa kakatawag sa barkada namin.

Dahil dun ay agad ko siyang nilapitan at senermonan.

"Hoy baliw, diba nga sabi ko pumunta ka sa labas? Doon ka tumawag para makakuha ka ng signal." Sabi ko.

Agad naman siyang nagdadabog at nagsalita.

"Huhuhu, bakit ba kasi walang signal dito sa loob." Sabi niya sabay punta sa cr.

Dahil dun ay agad akong nagtaka.

"Ami? Sabi ko doon sa labas." Ika ko pa.

Hindi siya sumagot, bagkus ay pumasok siya sa cr. At dahil wala na akong oras ay hindi ko nalang siya ininda at agad akong nag bihis.

Sinuot ko ang paborito kong p4nty at s£xy type na br4.

Habang masaya akong nag bibihis ay biglang sumigaw si aimie sa labas ng bahay malapit lang sa pintuan papasok na ikinagulat ko ng husto.

"Hoy claire! Bilisan mo jan, kanina pa daw sila kerby doon nag hihintay!." Panermon pa niya habang tinignan niya ako sa pinto.

Doon ay agad akong napalunok ng laway at kinakabahang nagsasalita.

"Diba pumasok ka sa cr?" Sabi ko.

Agad namang nagulat si aimie sa sinabi ko at lumapit.

"Ha? Pinagsasabi mo Claire? Kagagaling ko lang sa labas dahil tinawagan ko sila kerby para mag update." Sabi niya.

Nang marinig ko ang sinasabi ni ami ay agad na tumayo ang mga balahibo ko.

"Kung ganun, sino yung nasa cr?" Kaba kong sabi.

Agad namang nagsalita si aimie.

"Diba ikaw na ang nagsabi na pupunta ako sa labas para may signal?" Taka niyang sagot.

Wala akong masabi, nagmamadali nalang akong nagbihis dahil sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

Habang nag bibihis ako ay agad namang nilapitan ni aimie ang cr.

"Parang wala naman yatang tao." Sabi niya habang nag lakad papunta sa cr.

Hindi ko na siya sinagot pa at nagmamadali lang akong nag bihis.

Ilang segundo lang ay natapos na ako sa ginagawa ko at agad kong kinuha ang bag na inimpake pa ni ami para sakin.

Nang makuha ko ang bag ay dali dali akong lumabas sa apartment dahil sa sobrang takot.

Pagkalabas ko ay agad na lumaki ang aking mga mata, nabitawan ko ang dala kong bag nang makita ko si aimie na nasa labas at masayang nakipag usap sa celpon.

Dahil dun ay tumingin ako sa likod para tingnan kung may tao ba sa cr pero wala akong nakita at nakabukas lang ang pinto ng cr.

Di ko alam kung anong ibig sabihin nun, siguro namalik mata lang ako o kaya gutom lang.

Di ko na ininda yun at kinuha ko ang bag ko, pinuntahan ko si ami at nag tanong.

"Ami? Ano na daw?" Sabi ko.

Tumingin naman si ami sakin at dito nga ay agad akong nagulat dahil yung mukha niya ay sunog.

AAHHHHH!!...." Sigaw ko sabay layo kay ami.

"H-hoy!!. Anong problema mo?" Tanong niya sakin.

Tumingin ako ulit sa kanya, pero normal na ng mukha niya.

Parang ang wierd ng araw na'to, ang dami kong nakikitang hindi totoo.

"Wala ami, tara na!." Sabi ko.

Hindi na sumagot si ami, pero nahalata ko sa mukha niya ang pagtataka.

Agad kaming sumakay ng jeep dahil 30minutes na kaming late.

Habang nakasakay kami ay medyo inaantok pa ako, kaya hindi ko mapigilang pimikit.

Mga ilang segundong pag pikit ay biglang ang preno yung driver, dahilan para masobsob ako sa balikat ni ami.

"Ano ba claire! Umayos ka nga!" Panermon pa ni ami.

Hindi ko na sinagot si ami, dahil ayaw kong magtatalo pa kami sa harap ng mga tao.

Binalik ko ang kamay ko sa itaas ng hawakan ng jeep, at aakmang matutulog na sana ako nang biglang may isang babaeng nakakatakot ang mukha, natatawa itong nakatitig at nakatingin sakin.

To Be Continue...

MALIK MATAWhere stories live. Discover now