Prologue

495 0 0
                                    

  Sa dami ng mga pinag-daanan ko sa buhay, akala ko napag daanan ko na ang lahat ng pinaka-masasakit. Ngunit what we expect in life? Life never fails to give us surprises. Hindi pa pala sya tapos. Akala ko dati yung matatagal na ganap lang ang mag-iiwan ng masakit na ala-ala, but once again i was wrong. Wala pala sa tagal yun, Dahil kahit ang sandaling kaganapan ay pwede palang mag iwan ng malaking sugat na iindahin natin.

  Isang masayang gabi sa bago kong tirahan na inuupahan. Sabay-sabay kaming nag-hapunan ng aking mga kasama sa boarding house. Ito ay karaniwan na naming ginagawa tuwing na kokompleto kami, yung nagkakasabay-sabay kami ng day off or nag-aabot kami. Mag luluto kami ng matipuhan naming ulam o pagkain. In short off sila ngayong araw at ako hindi dahil may pasok ako sa office ng 10Pm. After kumain nagkayayaan mag-inom. At syempre nakisali ako pero moderate lang namn. Kasi nga may pasok pa ako mamaya. Mga 8pm napagpasyahan ko na matulog pa at mag pagising nalang ng mga 9:30 pm malapit lang naman work ko sa inuupahan ko at may sasakyan naman ako. Sa kasamaang palad nalibang sila at di ko din narinig alarm ko at nang gisingin nila ako e past 11pm na kaya dali-dali ako nag-ayos. At sumakay sa aking sasakyan. Habang binabagtas ko ang makulimlim na gabi, habang ako ay nakatitig sa pulang ilaw ng stop light napaisip ako na wag nang tumuloy sa aking aking trabaho tutal late naman na ako ng halos mag dadalawang oras na. At ginamit ko na ang pinagbabawal na teknik hahaha. Nag message na lang ako nakakagising ko lang dahil masama pakiramdam ko. I worked as Human Resource Supervisor sa isang BPO company. And YES NA YES may HR po kami sa gabi.

   Pinihit ko ang manibela sa ibang direksyon. Basta nag drive lang ako ng walang tiyak na destinasyon bahala na si batman kung saan man. Hanggang napagtanto ko na nasa harap na pala ako ng isang bar na pagmamay-ari ng kaibigan ko. Since andirito na rin naman ako I grab 2-4 bottles of beers. After I finished my final bottle I decided to go for a drive again. Katulad ng una nilandas ko ang daang walang katiyakan sa gitna ng gabi. Hanggang marating ko ang pinaka bayan ng lugar na ito. Hindi ko alam na ang gabing ito na rin pala ang babago sa buhay ko...

... Ang buhay ko na bago palang umaayos ang agos.
... Ang buhay ko na kakalis palang sa gulo.
... Dito ko pala makikilala ang dalawang paru-paru ng hating hating gabi.
... ang dalawang paru-paru na sa sistema ko ay syang mag papagulo.

....

Ang Dalawang Paru-paru ng Hating GabiWhere stories live. Discover now