CHAPTER 16: HINDI PA RIN SIYA NAGBABAGO

1.6K 26 0
                                    

[YUNSU'S POV]

Nung nakauwi na kami sa dorm, samu’t saring texts ang nareceive ko galing sa mga kakilala ko na nakapanuod sa akin

“Ang galing mo naman…”

“Di ko alam na may talent ka pala…”

“Akala ko gwapo’t matalino ka lang, SINGER ka din pala…”

“Swerte ko naman at kakilala kita! May kakilala akong future star…”

158 lahat ng nakuha kong messages galing sa 158 na taong kilala ko.

Di ko sila nireplyan lahat kasi NAKAKATAMAD. Aminin mo ganyan ka rin noh? Pag tinatamad ka mag reply, hindi ka nalang talaga magrereply tapos before the day ends, itetext mo yung nagtext sa yo tapos sasabihin mo “Ay sorry ngayon ko lang nabasa text mo…” PROVE ME WRONG XD

Nagpahinga muna kaming lahat bukod kay Kuya D.O na as usual ginagampanan ang pagka-nanay niya sa EXO. Magluluto daw siya ng Bo-ssam [Steamed pork with vegetables]], kimchi bokkumbap [Kimchi fried rice] at hwideob-bap [diced sashimi with vegetables]

Hahanga na talaga ako dito sa Kuya ko pag nagawa niya lahat yan in less than 2 hours

I decided to lie down on the couch and reflect on what happened a while ago. Dapat na nga ba akong pumayag sa gusto ni Eomma at Manager? Dapat na nga ba akong mag-audition sa SMent? Nakakahiya kasi eh…pero wait…kanina ba nahiya ako? Nag-high note pa ako kanina ng walang hiya hiya. Eh kaso, I still want to live a simple life with Mina. Ayokong sumikat kasi baka pag nakita kaming magkasama, intrigahin kami at baka pag, PAG, nagkaroon ako ng sasaeng fans, pagdiskitahan siya. Mahal ko ang Mina ko kaya ayokong sumikat….on the other hand, gusto rin naman ni Mina na sumikat ako kasi nga full package nga ako di ba? Gwapo na, matalino pa, talented pa. Minsan nga nagro-role play kami ni Mina na kunwari debut ko daw tapos siya yung host tapos kunwari habang kinakanta ko yung single ko, pipiyok daw ako tapos matatawa lahat ng audience…Yeobo ko… miss na miss na kita…Yeobo ko, Wag mo kong kakalimutan ha?...Yeobo ko, I lov..*KRING KRING*

Tangina naman kung kelan naman ako nag-eemote eh tsaka iistorbo tong lechugas na to eh!

Sino ba to?

Calling…

Park MyeongJi

010-687-****

Si MyeongJi pala yung tumatawag…yung ever loyal na baklang tomboy na bestfriend ko at namin ni Mina…

Baklang tomboy yan kasi minsan tomboy yan, makapag-bihis parang hindi babae. T shirt na AC/DC tsaka maong tapos naka-cap yan naman symbol na NY…PERO naka 3 boyfriend yan! Tsaka pag kasama namin yan ni Mina sa mga formal gathering, like example yung 50th anniversary ng company nina Appa na minana niya pa kay Halmeoni [Lola], black and white motif yun. Tandang tanda ko na ang suot ko nun is Long sleeves na white tapos Tuxedo na black tapos si Mina naka-black dress tapos may suot na necklace na mukhang kakabili niya lang tapos may hawak siyang purse nun na black and white TAPOS ETONG SI MYEONGJI! Nakablack and white na dress na chinese dress yung style tapos naka-tiara na maliit tapos naka-purse na Gucci na black na natatandaan ko kasi gift ko yun sa kanya the christmas before that. Naaalala ko tanong ko sa kanya “Yung totoo, kaninong kompanya ang may anniversary ngayon, Amin o inyo?” tsaka malanjot yon! Kahit pang-tomboy ang damit nun, pag nakakita ng gwapo, magsa-spazz yun sa harap namin ni Mina, daig pa ang fangirl kung mag-spazz “Mina, Yunsu…ANG GWAPO!! Ang yummy pa!!!” Tapos kami ni Mina (  _oo)  (oo  _) nagtititigan lang

Sinagot ko yung tawag…

Me:yeoboseyo

MJ: HOY LALAKE! Ang galing mo kanina! Walanghiya, gulat na gulat akong talentado ka pala

[HIATUS][EXO & OC] STEPBROTHER KO SI D.OWhere stories live. Discover now