CHAPTER 50: Stress reliever

259 11 3
                                    

A/N: DOUBLE UPDATE ANG LOLO NIYO HAHAHA

warning: medj may spg part to ng very very light lang

Sorry cliche pero huhu hintayin niyo nalang yung further updates ko para malaman niyo yung mangyayari.

---

[KYUNGSOO's POV]

"Sino ka ba? Sino ba kayo?"

I felt my body collapsing. Putangina, ang sakit. Dapat masaya ako na gising na siya pero putangina, napakasakit!

Wala na akong pakialam sa nangyayari. Wala na rin halos pumapasok sa utak ko kung hindi puro mura. Mura para sa akin dahil tangina ko, hindi ko siya inalagaan. Napakawalanghiya ko kasi hindi ko naman siya tunay na kapatid pero napahamak siya dahil sa akin. Ayoko na mabuhay. Please, kunin Mo na ako.

[THIRD PERSON]

Iniupo ng kambal si Kyungsoo sa bench na nasa tabi. Nakayakap sa kanya si Jaeseob ngunit tila ba wala na siyang lakas para yumakap pabalik. Umaagos ng tuloy-tuloy ang luha niya.

Lumapit si Mina kay Yunsu sa pag-aasam na baka naman siya naaalala nito. "Sino ka din ba?" Tanong ni Yunsu sa kanya. Umiyak ng sobra si Mina pero hindi siya pinangunahan ng lungkot. Bagkus, tinawagan niya agad ang EXO at ang mga magulang ni Yunsu at Kyungsoo. Habang humahagulgol ay ipinaalam niya sa mga ito na gising na si Yunsu ngunit sadya niyang hindi binanggit sa mga ito ang kondisyon ng kaniyang nobyo.

Chineck ng doktor ang kondisyo ni Yunsu. "May ilang katanungan ako sa 'yo ha?" Sabi ng doktor "Anong pangalan mo?"

Kumunot ang noo ni Yunsu. "H-Hindi ko po alam." Bigla nalang siya nag-panic. "Bakit hindi ko alam kung sino ako?" Sabi niya. Hinablot niya ang kwelyo ng doktor. "Bakit hindi ko alam kung sino ako?" Hinawakan siya ng dalawang lalaking nurse na nakaalalay sa doktor. Napatayo rin si Kyungsoo at ang kambal. Nakaantabay sila sa gilid.

"Kumalma ka, Yunsu" wika nito. Bahagyang kumalma si Yunsu. "Anong naaalala mo, Yunsu? May naaalala ka ba kahit konti?"

"Wala" biglang umiyak si Yunsu. "Bakit wala akong maalala? Bakit wala akong maalala?" Hindi nakapagpigil si D.O. Niyakap niya ang kapatid niya.

"Sino ka ba? Bakit mo ko niyayakap?" Umiiyak na tanong niya

"Ku..." hindi sinabi ni D.O. ang salitang kuya. Napag-isip-isip niya na ito na ang panahon para malayuan niya si Yunsu at para tumahimik na rin ang buhay ng binata. "Bestfriend mo ako Yunsu. Kaibigan mo ako" saad nito habang patuloy na umiiyak at nakayakap kay Yunsu.

Gulat na gulat ang lahat sa sinabi ni Kyungsoo. Maging ang doktor at mga nurse ay nagulat dahil alam nilang lahat na magkapatid sila.

Bumukas ang pintuan at pumasok ang 11 na lalaki. Bumati ang kambal at nakilala naman agad ng K ang dalawa.

"YOW YUNSU MAMEN!" Sigaw ni Chanyeol na mukhang hindi napansin na umiiyak si Dyo. Tumalikod si Dyo para hindi nila makita ang pag-iyak niya at para sila na rin mismo ang makaalam ng kondisyon ni Yunsu.

Binati ng EXO si Yunsu. Niyakap, kinausap pero wala kahit isang sagot o response mula kay Yunsu. Tinititigan lang niya lahat ng taong nasa paligid niya.

"Oy, bakit wala kang imik? Nastarstruck ka ba sa kapogian ko?" Napakajolly na tanong ni Baekhyun

"Wag nga kayong maingay. Sino ba kayo? Bakit nandito kayo?" Nagulat silang lahat pero nagtawanan ng malakas. Tanging sina Mina, Dyo, ang kambal, ang doktor at mga nurse ang hindi tumawa.

[HIATUS][EXO & OC] STEPBROTHER KO SI D.OWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu