CHAPTER 11: KUYA KO

1.6K 28 5
                                    

Hindi kami nag-usap ng mga kasama ko kahit  nakarating na kami sa building ng dorm. Kahit sa elevator, tahimik pa rin. Pag dating namin sa floor ng dorm, tumakbo ako papasok. Naiyak ulit ako. Nagulat lahat ng nasa loob…

.

.

.

“OH anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” Tanong ni Kuya Suho

Di ko siya sinagot. Tumakbo ako papasok ng kwarto. Ni-lock ko ang pinto para walang makapasok (obviously)

“YA! Yunsu, Wae? YUNSU! Wae?” Sinisigaw ni Kuya D.O habang kinakatok yung pinto

“Yunsu, papasukin mo ko. Pag-usapan natin yang problema mo” Sabi niya ulit. Ang swerte ko naman at Stepbrother ko si D.O. Kahit di kami biologically related, pinaparamdam niya pa rin sa akin na kapatid niya ako at kuya ko siya.

[D.O’s POV]

Kinakatok ko ang pinto ni Yunsu pero hindi niya binubuksan. Napansin ko na pumasok na sina Luhan, Kris at Lay…NASAN SI TAO? Pero hindi yun ang inintindi ko.

Sinugod ko sila, galit na galit ako kasi umiiyak ang kapatid ko, ANG KAPATID KO!

Hinablot ko ang leeg ni Lay (kasi siya yung pinakamalapit sa akin at siya yung pinaka-abot ko.) Dinala ko siya sa may pader at medyo sinakal ko siya ng konti..

“Anong ginawa niyong mga hayop kaya sa kapatid ko ha?” sigaw ko sa mukha ni Lay

“Ugh..D.O..ugh..bitawan mo ko….masakit..ugh”

Inaawat ako nina Suho, Kai, Chanyeol. Yung iba nakatingin lang at medyo naiiyak na. Naririnig ko si Luhan pinapatahan si Sehun. Wala na akong pakialam sa mga nasa paligid ko, wala akong pakialam kung sinong matanda at sinong bata.

“BAKIT UMIIYAK ANG KAPATID KO!? SUMAGOT KA!” Sigaw ko ulit kay Lay habang hawak ko parin ang leeg niya

“Ugh…ugh…bitawan…mo…ugh…muna…ako..ugh” nagmamakaawang sabi nitong hayop na intsik na sinasakal ko

“Kyungsoo-hyung, tama na” Nagmamakaawang sabi ni Sehun habang umiiyak at pinapatahan ni Luhan

Si Kris……UMIIYAK NA RIN? Napaupo siya sa sofa tapos cinocomfort siya nina Chen, Xiumin at Chanyeol

“Tigilan mo na D.O” sabi ni Suho

“Tigilan? ANONG TIGILAN? *looks at Lay* ANO!? SUMAGOT KA!? BAKIT UMIIYAK ANG KAPATID KO?!?”

Kinwento na nga sa akin ni Lay sa akin ang nangyari. Dinagdagan pa nina Kris at Luhan yung details kaya mas lalo kong naintindihan.

Pinakalma ko ang sarili ko. Huminga ako ng malalim. Pinigil ko ang sarili ko na lalo pang magalit. Niyakap ko si Lay

“Yixing, sorry kung ikaw ang napagbuntunan ko”

“Okay lang, naiitindihan ko. Hyung ka at alam kong ayaw mong nakikitang umiiyak ang kapatid mo” sabi ni Lay

“TEKA nasan na nga pala si Tao?” Sabi ni Kai

“Nagtaxi siya pauwi.” Sabi ni Kris na namamaga ang mata kakaiyak

*door opens* Si Tao…Lecheng si Tao…Si Tao na nagpaiyak sa kapatid ko…

Nanggigil ang kamay ko, gustong gusto ko siyang sapakin pero nung nakita ni Chen na nanggigil na ako, hinawakan niya ang kamao ko at umiling na sign ng “Wag D.O, hindi tama yan”

Nagulat ako sa ginawa ni Tao…TEKA AUTHOR, AKO DIN? [Kapatid ka nga di ba?] pero di ba stepbrother lang naman [Kahit na, okay na yon]

Anyways, biglang

.

.

.

Lumuhod si Tao sa may pinto…umiiyak

“Sorry po…*hik* sorry po…sorry po :’(“ paulit-ulit siyang nagsosorry

Tumayo ako… akala ng buong EXO, aawayin ko si Tao. Hinigit ako ni Chanyeol sa kamay pero piniglas ko yung kamay ko.

Nilapitan ko si Tao…

.

.

.

At niyakap na parang kapatid ko…

Ullijima [don’t cry] Tao, kwaenchanha [it’s okay] sabi ko

Natulala ang buong EXO. Naiyak yata silang lahat dahil instead na pagsasapakin ko si Tao, pinakita ko ang maturity ko bilang kuya niya

“Kuya Kris, Kuya Luhan, Kuya Lay…sorry po…sorry po…dui bu qi Gege, dui bu qi [Sorry in chinese]”

“It’s okay. Stop crying na” sabi ni Kris, lumapit siya at ni niyakap si Tao

Pati si Lay at Luhan yumakap kay Tao na nakaluhod pa rin hanggang ngayon.

Pinunasan ko ang luha ni Tao, yumakap siya sa akin and the next thing I  know

.

.

.

EXO group hug na ang nagaganap. Buong EXO nakiyakap na.

“Mga hyung, nasaan po si Yunsu?” Sabi ni Tao

“Nandun siya sa kwarto” sabi ni Kai

[Yunsu’s POV]

*knock knock*

“Umalis kayo dyan! Iwan niyo akong mag-isa!”

“Yunsu, si Tao to. Papasukin mo naman ako, mag-usap tayo”

Pinapasok ko siya at pag-upo namin sa kama ko eh…

.

.

.

Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit, naiyak tuloy kami

“Sorry kanina ha?” sabi niya “Pasensya na kung nasigawan ko kayo, pasensya na  talaga”

“Hyung, kasalanan rin naman namin eh”

“Oo, pero hindi ako dapat ganun magreact”

Magkayakap pa rin kami at nag-iiyakan biglang…

.

.

.

“Hoy kayong dalawa dyan, andyan na si Manager, labas na” sabi ni Kuya Kai

Nagtinginan kami ni Kuya Tao tapos NATAWA KAMI BIGLA

Natawa na lang kami… kasi…balik….BALIKTAD YUNG DAMIT NI KUYA KAI HAHAHAHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA Yung print nasa likod HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA

--

Oh ha? Maikli lang pero napakita talaga nila ang pagiging kuya nila. 

[HIATUS][EXO & OC] STEPBROTHER KO SI D.OOnde as histórias ganham vida. Descobre agora