DAY 10

203 19 28
                                    

STELL'S POV

"Ano Stell, suko ka na? Mukang wala namang nangyayari eh. Mas nagiging masclose lang si Pau at BuJah." Bungad sakin ni Josh pagkapasok na pagkapasok nya ng meeting room.

Ako pa lang at si Ken kasi ang tao dito bago sya dumating. Si Pablo at Jah naman, ewan pa namin kung nasan. Yung ibang staff naman ay nasa labas pa ng opisina.

"Pinagsasasabi mo dyan. May improvement na kaya." Nakairap kong sagot.

Ang aga aga Josh Cullen pinaiinit mo ang ulo ko. 😤

"Asan ang improvement? Ni wala ngang nangyayari eh. Di naman nagseselos yung si Pablo." Sabat naman ni Ken.

Isa pa to. Ang sarap sapatusin.

"Tandaan mo. 30days lang ang usapan natin at nakaka-ten days ka na. Galaw galaw abah." Bwisit talaga tong mga to. Wala na ngang ambag sa love life ko ang hilig pang mang-pressure.

"Kalma, okay. May plano na ko." Sabi ko sa kanila kahit ang totoo nyan ay wala naman talaga.

Pano ba kasi pagselosin ang bato?

"Ano yun?" Sabay na tanong ni Ken at Josh sa akin.

Mga tsismoso nga naman. 😑

"Basta, ako nang bahala don. Watch me na lang." Ano nga bang gagawin ko? Wala kong maisip. 😭 Bakit kasi masyadong manhid yung crush ko.

Nang dumating na si Pablo at Jah ay halos kainin na ako ng selos. Ang sweet kasi nong dalawa. Tapos si Pablo pa ang may dala ng gamit ni Jah which is nakakapagtaka na talaga. 🤔

Bakit parang may something na sa kanila? Pano na ko?

Nang magstart na yung meeting ay halos si Pablo, Jah at Josh lang ang nagsasalita. Habang kami naman ni Ken ay tahimik na lang na nakikinig.

Yun ay kung nakikinig nga ba ang tawag samin dahil pakiramdam ko ay iisa kami ng iniisip ni Ken

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yun ay kung nakikinig nga ba ang tawag samin dahil pakiramdam ko ay iisa kami ng iniisip ni Ken.

Ang paghiwalayin ang Pinunso. Ang sakit na kasi nila sa atay ih. 😤

Minsan kasi ay may mga gesture si Pablo at Jah na nag aakbayan, hawakan ng kamay o di kaya ay sumasandal sa bawat isa. Which is nakakainis at masakit sa mata kahit na alam ko na ganoon naman sila sa lahat.

Pero kahit na.

Aba, respeto naman sa mga may crush sa kanila. 😫

Hay nako naman talaga.

After ng meeting ay wala na kaming gagawin kaya napagpasyahan na lang namin na umuwi na. Mabuti na rin kasi nawalan na rin ako ng gana na mag trabaho.

Tulad pa rin ng dati ay hinatid nanaman ni Pablo si Jah tapos si Ken naman ay sumabay sakin pauwi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hindi Naman Masaket 🤪Where stories live. Discover now