Pagselosin Mo Para Maging Sayo

464 29 20
                                    

STELL'S POV

DAY 1

"Oi Stell ano ba, bat ka ba nanghihila." Angal ni Ken sakin kasi hinila ko sya palayo kay Jah.

"Pagseselosin nga natin si Pablo tapos si Justin ang nilalandi mo. Nakakainis ah." Naka cross arms kong reklamo.

"Ano bang gagawin natin."

"Wala tayong gagawin, magiging sweet lang tayo sa a isa't isa."

"Sanay na si Pablo na sweet ka sakin. Walang bago dun. Di mo mapagseselos si Pablo ng ganon."

"Eh ano iniisip mo?"

"Syempre wala, anong alam ko dyan. Ikaw tong magaling makipaglandian sa A'tin tapos ako tatanungin mo." Aba at sumasagot na sya.

"Aba't anong klaseng boyfriend ka? Wala kang silbi." Inis kong sabi kay Ken. Sanay na sya sa bunganga ko kaya alam kong di sya mapipikon sa mga sinasabi ko.

"Hala sya, bakit may silbi ka? Puro pacute ka nga lang dyan. Di ka naman pinapansin." Bawi nito sa sinabi ko.

Ah ganon ah.

Okay A'tin, tignan nyo kung pano ko papatayin tong amo nyo. 😏

Bigla kong sinakal si Ken pero di naman malakas kaya tawa pa rin sya ng tawa.

Bigla kong sinakal si Ken pero di naman malakas kaya tawa pa rin sya ng tawa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Hayup na to.

Inuubos ang pasensya ko.

Kung di lang kami bestpal nito.

Baka nakabaon na to sa ilalim ng lupa. 😤

"Hoy Stell, anong ginagawa nyo dyan?" Sita ni Pablo samin.

Nagkatinginan naman kami ni Ken saka kami sabay na tumawa at nag high-five pa. 🙏

Effective yata yung ginawa namin ni Ken.

"Dati ba kayong BALIW?" Nawiwirduhang sabi samin ni Pablo. Umiling iling na lang sya saka lumapit sa kinauupuan ni Jah. Sumandal ito sa balikat ni Justin saka pumikit.

Damn, hindi manlang ba sya nagselos?

Haysst, seeing this view, ay mas una pa yata akong magseselos kesa kay Pablo. 😮‍💨

Ang sweet naman talaga ng Pinunso

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang sweet naman talaga ng Pinunso. Ang sakit sa mata. 😑

Sabagay, kahit naman kanino samin ganyan si Pablo. Even kay Ken or Josh.

"Day 1 - Failed" Tatawa-tawang sabi sakin ni Josh.

"Tumigil ka nga. First day pa lang noh. Marami pang time." I cross my arms saka ko inirapan si Josh. Nakakainis kasi. Ang agang mambwiset.

"Hay nako kayong dalawa, imposible naman kasi yang pustahan nyo." -Ken

"Pano mo nasabi?" -Josh

"Eh si Pablo yun eh. Sa tingin nyo ba magseselos yun? Kahit yata mag yakapan kami ni Stell sa harap non eh tatawa lang yun. Baka nga si Stell pa unang mag selos. Seloso pa naman to."

"Wow, ang haba ng sinabi. My God Ken. Nagiging tao ka na." Biro ko kay Ken at nagtakip pa ko ng bibig na para talagang na aamazed.

"Mema sayo. Magbayad ka na lang kay Josh ng 50 thousand para tapos na." Oh no. Hindi pwede. Pano uusad ang bansang Pilipinas kung magbabayad ako? Ano yun? Namigay lang ako ng pera? No no no no... Kaya nga ko nagtatrabaho sa Sb19 para magkapera tapos ipamimigay ko lang. 🤨

Saka si Pablo ang prize ko kaya need kong kumayod.

"Oh ano nang plano mo? Babayaran mo na ba ko?" Tanong ni Josh sakin.

"Noooo, asa ka boi." I rolled my eyes.

"Talo na ka na Stell. Malabong magselos si Pablo." Aba't, ang walanghiyang manok na to. Hindi manlang suportahan ang love life ko. Para rin naman sa kanya tong ginagawa ko.

Pag napasakin si Pablo, eh di sa kanya naman si Jah.

"Over my Dead Supper Yummy and Gorgeous Body..., Hindi ako matatalo." I told them while flexing biceps 💪.

"Utot mo." -Ken

"Apaka salahula mo talaga Ken, dun ka na nga. Wala kang silbi." Taboy ko sa kanya.

Nag belat pa sakin si Ken bago sya nawala sa paningin ko.

Isip bata talaga ang isang yun.

"Ano na nga plano mo?" Tanong ulit ni Josh sakin.

"Hindi ko alam, wala kong maisip. Si Ken kasi eh, sanay na si Pablo na samin."

"Bat di kayo mag-date ni Ken? Gala kayo. Yung kayong dalawa lang." Aba at may utak din naman pala tong taong to.

"Gumagana pala utak mo. Kala ko nakapatong lang yan sa ulo mo."

"Luh, ikaw na nga tinutulungan dyan kung ano ano pa sinasabi mo."

"Aba dapat lang, pakulo mo to eh."

"Bahala ka nga dyan, kunin mo na yun si Ken, baka madagdagan pa kaagaw mo kay Pablo my love's mo."

"Ay pakshit na manok na to." Pagtingin ko kay Ken ay tumabi pala ito kay Pablo. At di lang basta tabi. Nakasandal to sa balikat ni Pablo habang natutulog.

Mga taksil.

Agad akong lumapit kay Ken para hinila ito palayo kay Pablo.

Pero si gago, yumakap pa lalo sa bewang ni Pau. 😭

Ken, akin yan eh. 😣

Sayo pa yata ako mag seselos imbis na kay BuJah.

"Hoy Ken, alis dyan." Akin yan.

"Ano ba Stell, wag ka ngang magulo. Nagpapahinga yung tao eh." Sabi ni Ken na maslalo pang sumiksik kay Pablo.

"Tumigil nga kayong dalawa dyan. Dun kayo sa sulok maglandian." Taboy ni Pablo samin.

No Pablo, ikaw gusto kong landiin. Hindi yang manok na yan.

Biglang lumapit samin si Josh at niyakap din si Pablo.

Putang hushkyvdughlso.

Pati ba naman ikaw Josh. 😤

"Hoy umalis nga kayo dyan mga unggoy." Pilit kong tinanggal yung mga kamay nila na nakayakap kay Pablo pero ayaw nila bumitaw.

Tawa naman ng tawa samin si Jah habang si Pablo ay naiinis na.

"Ano ba kasi yun Stell? Bat ba ayaw mo kaming tumabi kay Pablo?" Josh smirked.

Tinitigan naman ako ni Pablo na parang naghihintay ng isasagot ko.

Damn.

Anong sasabihin ko.

Dapat si Pablo ang nagseselos eh, hindi ako.

"Oo nga. Tatabi lang eh." Kantyaw pa ni Ken.

Ahmf, mga bully.

"Selos yarn?" -Josh

"Bat naman ako mag seselos. Eh ang papangit nyo." Sabi ko sa kanila sabay martsa papaalis.

Sabay sabay silang nagtawanan. Mga walang hiya.

Gusto ko nang magpalit ng kaibigan.





Hindi Naman Masaket 🤪Where stories live. Discover now