THIRTEEN

689 48 15
                                    

Tormented


I clearly heard him say love and sweetheart to someone who called him that night. Hanggang ngayon ay bumabagabag iyon sa aking isipan. Siguro nga ay may iba na ang lalaki. Siguro nga ay may ibang babae na ang nakaagaw ng kanyang atensiyon. The fact that he left me in that spot without uttering a single word, it was enough reason to completely forget the man. The problem was, I didn't know how gayong bukambibig ni Darren ang lalaki. Lagi itong hinahanap sa akin ng bata at hindi ko na alam kung ano pa ang aking isasagot.

Ilang gabi na akong walang tulog. Minsan natutulala na lang ako pero madalas ay umiiyak sa tuwing naiisip ko ang lalaki. Hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili dahil naging duwag ako. Dahil natakot akong sumugal sa panibagong pag-ibig.

"Ubusin mo ang laman sa plato mo, Ahreum." Ani ko sa panganay ko isang umaga. Tumayo na kasi ito kahit hindi pa ubos ang kanyang pagkain.

"Kailangan kong magmadali, Mommy. Baka ma-late ako sa usapan namin. Nakakahiya."

"Sunday ngayon, ano bang gagawin mo?" Naglagay pa ako ng sinangag sa plato ni Darren.

Natigilan si Ahreum at nilingon ako gamit ang mga matang bakas ng gulat. "My? Okay ka lang? Kagabi at kanina ay binanggit ko sa'yo ang lakad ko today. I told you, pupunta kami sa mall ng mga kaklase ko at mamimili ng supplies para sa project namin. Nakalimutan mo? Are you okay, Mom? You're not acting like yourself today. No, actually, ilang araw ka nang ganyan. Dapat ko na bang tawagan sila tita Bomie?"

I sighed. "I haven't been feeling myself lately, anak. Pagod lang siguro."

"Take a rest. I don't want you to get sick. What will happen to me and Darren, Mommy? Can't afford to lose you." She said as she rounded the table to kiss me on my forehead.

"Can we ask Uncle Matt to come and play with me, Mommy?" Darren intervened. I almost wanted to cover my face in frustration. I don't want to hear his name in this household.

"Uncle Matt? The who? Hindi ako aware na may Uncle Matt pala tayo?" Nakataas ang kilay ni Ahreum.

"He's Mommy's good friend. I'm his friend, too. And he's super rich. You see my Lego toys in my room? Si Uncle Matt bumili nun!" Proud na pagkakasabi ng aking bunso.

Ahreum rolled her eyes. "Whatever. Kikilatisin ko yan pag nagkita kami ng harapan. Anyway, gotta go! See you later!" She kissed me and Darren on our cheeks before she sprinted to the main door.

Bumaling sa akin si Darren. "Mommy, I want to talk to tita Bomi. Please, please, Mommy. Call her, please." He pouted. It made me smile.

"Ano naman ang sasabihin mo sa tita Bomi emo? Busy yun sa kanyang boyfriend." Sabi ko pero inabot pa rin ang cellphone at hinanap ang number ni Bomie sa aking Contact. I pressed the call button.

Binaba ko ang phone sa table since naka-loudspeaker naman iyon. Habang nagriring ay marahan kong nilagay ang mga pinggan sa lababo.

"Beshy, wazzup." Bungad ni Bomi makalipas ang ilang beses na pag ring. Tiyak akong nadistorbo namin ang kanyang tulog.

"Tita! Tita!" Si Darren na agad tumalon mula sa kanyang upuan at kinuha ang cellphone mula sa mesa. Nanakbo ang bata patungong sala at ako naman ay natatawang nakasunod sa kanya. He probably missed his tita Bomie.

"Yes, my love? Do you miss me?"

"No! I mean, yes! But please call Uncle Matt and tell him to pick me up!" He was jumping from here to there looking so excited.

Ako naman ay napako lang sa aking kinatatayuan at alam kong pati si Bomi ay nagulat din.

"Hahaha." Alanganin itong tumawa sa kabilang linya. "Darren, anak. Ano kasi...."

Fortress Island Series 3 Matteo: The Bastard's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon