PROLOGUE

2.3K 131 33
                                    

"Shit! Shit! Shit!"

Kanina pa ako natataranta. Male-late na kami! Kung bakit naman kasi nagkaproblema pa ang sasakyan na ginamit ni Zuri sa pagdeliver ng cake sa isa naming client kaninang tanghali. Hindi tuloy ito nakabalik agad kaya mag-isa ko lang inasikaso ang paggawa ng order na chocolate cupcake.

"Porsche! Nakagayak ka na ba?!" Hiyaw ni Zuri mula sa unang palapag ng bahay namin.

I rolled my eyes as I was trying to zip up my new black dress. "Umakyat ka kaya dito!" Sigaw ko pabalik. Agad kong narinig ang mga naglalakihang yabag nito.

"Jusko naman, anong petsa na!" Maarte nitong sabi nang makapasok sa aking kwarto. Pumwesto ito sa aking likod at tinulungan akong isarado ang zipper ng aking dress.

"Ipag-pray mong hindi traffic para makaabot tayo sa hotel bago mag-umpisa ang party."

"Kanina pa ako nagdadasal, neng. Kasalanan talaga ito ng bulok mong sasakyan. Palitan mo na kasi."

I scrunched up my face. "Sure. Pengeng budget."

"Yun lang. Kahit ibenta ko pa ang lahat ng lamang loob ko mukhang di pa rin sasapat." Hinila ako nito at pinaupo sa harap ng aking tokador. Zuri was fixing my hair as I was putting my make-up.

"Ang mga cupcake?" Tanong ko habang naglalagay ng lipstick.

"Nasa sasakyan na." Kita ko ang paggulong ng kanyang mga mata mula sa salamin. "At alam ko na ang sunod mong sasabihin. Oo, maayos ang pagkaka-pack ko kaya tiyak akong hindi iyon masisira."

Kabado ako. Sa ilang taon ko sa negosyo ng pastries, ito ang unang beses na malaking kliyente ang kumuha sa amin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagustuhan ng mag-asawang Salvatore ang sample ng chocolate cupcake na gawa ko. Salamat sa kaibigan kong si Bomi, naisama kami sa listahan at nabigyan ng ganitong opurtunidad.

"Alam mo...."

Nag-angat ako ng tingin kay Zuri. Saglit na nagtama ang mata namin sa salamin. "Kung mag-asawa ka kaya ulit—"

"Shut up." Putol ko sa kanyang sasabihin.

"You're still young, Porsche. You're only thirty-five—"

"Thirty-six." I corrected him.

"Whatever. You're so damn pretty, sexy and hot as fuck!"

"Alam mo..." Nagtitimpi akong murahin ito. We've been friends from God-knows-when at alam nitong ayaw na ayaw kong pag-usapan ang ganitong bagay. "Male-late na tayo. Wag mo nang gandahan ang pagkakaayos sa buhok ko."

He made a tsk sound. Ang nakakainis kay Zuri, hindi ito takot sa akin at hindi rin ito takot na masaktan ako sa mga salitang binibitawan niya. He's just too frank and that's probably why I like him as a person. Pareho sila ni Bomi. They don't sugarcoat. They speak up what's on their minds. Silang dalawa ang naging sandalan ko nung minsang sinubok ako ng kapalaran.

Sandali ko pang sinuri ang aking sarili sa harap ng salamin. Pinasadahan ng aking daliri ang damit at natigil ako nang tumama ang mata ko sa singsing na aking suot. Limang taon na rin pala ang nakalipas. Pero sa akin, parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Maluwag na sa daliri ko ang singsing dahil bumagsak ang katawan ko buhat nung mamatay si Ben. Mabigat man sa aking loob, inalis ko yon sa aking daliri at maingat na nilagay sa aking jewelry box.

I sighed as I reached my cheap perfume. Nag-spray ako sa likod ng aking tainga at palapulsuhan. Pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Zuri. Ako, mag-aasawa ulit? Napapailing na lamang ako. Kinikilabutan ako sa tuwing nasasagi ang ideyang iyan sa aking isipan. Hindi ako naghahanap ng panibagong pag-ibig dahil tiyak akong hindi na ako iibig pa.

Fortress Island Series 3 Matteo: The Bastard's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon