THREE

1.4K 110 20
                                    

Special


Porsche's POV

Inaalo ko ang aking bunso sa pamamagitan ng paghaplos sa kanyang ulo. Mahigpit na nakayakap ito sa aking baywang. Hindi ko alam kung ano ang unang maramdaman. Galit at inis sa dalawang anak ko o kahihiyan dahil nasaksihan ni Mr. Salvatore ang gulo at away ng dalawang bata.

"Shh...Tahan na. Tahan na." Ani ko habang nakatanaw sa labas ng bakeshop. Nandun pa rin ang kanyang pigurang nakatalikod at tila ba may malalim na iniisip. Kanina, nahagip ko pa ang pagkadismaya sa kanyang mukha habang humahakbang ito paatras. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit nakaramdam ako ng panibugho at dismayado din ako sa inakto nito. It felt like he decided not to get close to me anymore. It left a hole in my heart and I did not know why I felt like this in the first place.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit ganun ang ekspresyon sa kanyang mukha? Hindi naman siguro ito nagbabalak na ligawan ang isang biyudang katulad ko?

I shook my head. Ano bang pinag-iisip ko? My thoughts had been gone too far. Liligawan ako ng isang Salvatore? Ako? My god. Matteo Salvatore, for him, I was only the woman he got fucked in the balcony. Hanggang doon lang ang koneksiyon naming dalawa. At pinangako ko sa sarili ko na hindi na iyon mauulit pa.

Pero ano bang sadya ng lalakeng yun sa akin? Malinaw naman na sinabi ko sa kanya kahapon na wala akong planong tanggapin kung ano man ang inaalok nito.

"Mommy."

Napapitlag ako. Nagbalik ang diwa ko sa kasalukuyang sitwasyon dahil sa pagtawag na iyon ng aking anak.

"Pwede ba tayong maupo at pag-usapan ang nangyari?" Malumanay na paki-usap ko.

Sumimangot sa akin si Ahreum kasabay ng pagkrus ng kanyang mga braso sa kanyang dibdib. Nag-igting ang aking bagang. I was being patient. Ayokong humantong kaming dalawa sa sigawan at tampuhan.

Sa pagpasok ng aking assistant na si Lena na kagagaling lang sa kanyang break, sumenyas ako sa kanya. Sandaling dumaan ang kalituhan sa kanyang mukha pero agad namang nabatid ang ibig kong sabihin.

"Ako na ang bahala dito, ate." Aniya.

"Salamat." Sagot ko. Hinila ko si Ahreum sa kanyang braso. Pumitlag ito. Nilingon ko ang aking panganay at pinanlakihan ng mata. She pouted as she looked away. Napailing na lamang ako. Ang kabataan nga naman.

Dinala ko sila sa sala at pinaupo ng magkatabi. Ako naman ay piniling umupo sa center table paharap sa kanila.

"Uulitin ko ang tanong, anong nangyari?"

"I was just reading books—"

"Ayaw niya akong tulungan sa—"

"Busy naman kaya ako—"

"Hirapan ako sa Maths—"

I raised both my hands in the air, halting them to talk at the same time. "Ikaw muna magsalita, ate." Ani ko.

"I was reading my book, Mommy!" Inis na sambit nito. "Malapit ko nang matapos basahin ang libro at sobrang engrossed ako because I love that book so much." Nilingon nito ang bunsong kapatid. "I told you to wait. Ilang chapters nalang at matatapos na ako."

Pumalag naman si Darren. "I did wait. And I waited patiently kaso inaantok na ako at di ka pa rin tapos sa book mo. Sabi mo ilang pages na lang."

"Kaya mo nilagyan ng bubblegum ang buhok ko?"

"Dahil ayaw mo akong tulungan sa homework ko. You promised to help me, but you didn't. And I was already sleepy." His lips started to quiver.

"Your homework can wait."

Fortress Island Series 3 Matteo: The Bastard's Sweetest DownfallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon