Chapter 4: Confession (SAMPLE CHAPTER)

13.8K 365 15
                                    

NANG mahimasmasan at magkaron ng malay si Louise ay hinanap agad ng mga mata niya ang Mama at Papa niya. Pero wala ang mga ito sa kwarto niya.

Biglang bumalik sa ala-ala niya ang nangyari bago siya himatayin kanina. Si Beam! Nang hawakan niya ito kanina ay tumagos lang ito sa katawan niya! At inamin nito na talagang multo ito! Nag-umpisa na naman siyang pangalibutan. Natatakot siya na any time ay bigla na lang lumitaw si Beam sa kung saan. "Wooo!!!!" At bigla ay nasa harapan na niya si Beam! Malapit na malapit ang mukha sa kanya ng multo. Face to face sila! "A..." At muli ay hindi na naman niya mailabas ang sigaw niya. Naninigas na naman siya sa takot. "Huwag mong sabihin na mahihimatay ka na naman? Ang OA ah!" Parang walang anuman na umupo ito sa sofa palayo na sa kanya. Nalunok na lang niya ang isisigaw pa sana niya. Wala na siyang masabi. Bakit parang hindi naman multo si Beam kung kumilos? Para lang itong ordinaryong tao na nakaupo sa sofa niya at masiglang nakangiti! "Ikaw! Ano ka ba talaga!" Sa wakas ay natagpuan niya rin ang sariling tinig. "Multo."

"Multo?! Kung gano'n, bakit nakakausap kita?!" nahihintakutang tanong niya. "Kahit ako nagtataka eh. Alam mo, sa dami ng taong kinausap ko ay ikaw lang ang nakakita sa normal kong anyo eh. Iyong ibang tao kapag nakikita ako, 'yong nakakatakot kong anyo no'ng namatay siguro ako ang nakikita nila. Pero ikaw, sabi mo gwapo ako sa paningin mo hindi ba? Kakaiba rin ang third eye mo. Gwapo lang yata ang kayang makita." Nagawa pa nitong humalakhak na sabi nito. "Kung multo ka talaga, pwede bang layuan mo na lang ako? Takot ako sa multo, utang na loob baka magkasakit ako sa puso!" pakiusap pa niya na natatakot na talaga. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa sarili na nagagawa nga niyang makipag-usap sa isang tulad nito. Tumayo si Beam. Biglang sumeryoso. At lumapit sa kanya ulit kaya napaatras ang puwet niya sa kama. Napakapit siya sa kumot na nanginginig. Baka ipapakita na ni Beam ang tunay nitong anyo! Baka makita niya na lang bigla na pugot na talaga ang ulo nito katulad ng nasa panaginip niya!

"AYAW KO NGA!" Saka itong ngumiti na parang bata. Para bang napakainosente pa nito at hindi ito multo! "Sa lahat yata ng multo ay siya na yata ang pinaka-cute! Ah hindi— Hindi! Multo siya kaya dapat akong matakot sa kanya!" sabi ng isip niya.

Pinigilan niya ang sarili na magpadala sa anyo nito na nakikita niya. Dahil alam niya naman talaga kung ano ang totoong hitsura nito. At iyon ay ang nasa panaginip niya! Iyong lalaking pugot ang ulo na pinagpipilitang maidikit man lang ang nguso nito sa luscious lips niya! "Alam mo, Louise. Sa totoo lang kasi, unang beses pa lang kitang nakita ay na-in love na ako sa 'yo eh. Ewan ko ba. Wala naman akong katawan pero gumagana pa rin ang isip ko at ikaw lang ang palaging tumatakbo rito. Wala akong ibang naiisip kundi puro ikaw lang. Gusto ko palagi kitang nakikita. Ayaw ko nang malayo pa sa 'yo, Louise... Gusto mo rin naman ako hindi ba? Narinig kaya kita. Sinabe mo iyon sa Papa at Mama mo. Sabi mo nga para akong action star no'ng niligtas kita e. He-He-he..." sabi pa nito na parang napakainosente!

Kinalabutan siya. "Paano mong nalaman 'yun?!" Parang nanindig lalo ang balahibo niya. Mukhang matagal na itong nagmamasid sa kanya nang hindi niya alam! "Ang totoo kasi niyan, Louise, hindi na ako nakaalis no'ng gabi na iniligtas kita eh. Nagtago lang ako sa banyo at lumalabas lang kapag tulog ka na. Kaya narinig ko lahat ng sinasabi mo rito mula roon dahil bilang multo ay isa sa mga kakayahan ko ang malakas na pandinig kahit gaano pang kalayo ang distansya as long as we're in the place. Sorry ah? Pero gusto kita at gusto mo rin ako. Kaya hindi na lang ako aalis sa tabi mo habang buhay. Magsasama na tayo." Nag-umpisa nang mag-ilusyon si Beam. "Hindi! Ayaw ko na sa 'yo kaya umalis ka na! Ihhh!!!" Kinikilabutang sabi niya nang akmang hahawakan siya nito.

"Pero, Louise, nasabi mo nang na-love at first sight ka sa akin eh! Ang sabi mo pa nga, ako ang destiny mo hindi ba?" "Hindi! Dati 'yun! Ayaw ko ng multo! Lumayo ka sa akin! Mama koooo!!!!!!" Nahihintakutan pa rin na nagtitili si Louise at hinagis ang lahat ng nadadampot nitong unan kay Beam. Pero tumatagos lang naman iyon lahat kay Beam. Doon na bumukas ulit ang pinto. Niluwa niyon ang Mama Ericka at Papa Ariel niya na nag-aalalang yumakap na naman sa kanya. Si Beam ay bigla na namang nawala. "Mama ko! Huwag ninyo akong iiwan dito! Si Beam, ayaw niya akong tigilan!" Tuluyan na siyang umiyak nang dahil sa takot. Kahit gwapo man ang anyo ni Beam ay nakatatak na sa utak niya na multo na lang ito! Patay na ito! Inalo naman siya ng Mama at Papa niya.

SI BEAM ay nasa itaas ng puno at lumipad papunta ro'n para magtago muna sa mga mata ni Louise. Nakatingin siya papunta sa bintana at tanaw niya ang takot na takot pa rin na si Louise. "Ayy, kaduwag naman ng Prinsesa ko. Ang gwapo-gwapo ko naman. Tsk. Tsk. Tsk..." pagkausap niya sa sarili pero maya-maya ay gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya. "Pero hindi na tayo magkakahiwalay pa, Louise. You're mine..." Sa wakas. Nakita na rin niya ang taong makakasama niya. Hindi na siya malulungkot at mag-iisa...

After Life (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon