Chapter 3: He is a Ghost?! (SAMPLE CHAPTER)

14.4K 368 18
                                    


NABIGLA si Louise nang makita ang nakangiting mukha ni Beam. Nasa banyo niya ito! "Anong ginagawa mo rito? Sinong nagpapasok sa 'yo?" nagtatakang tanong niya. "Walang nagpapasok sa akin Louise. Kaya ako nandito dahil baka makita ako ng mga magulang mo," sabi nito.

"Bakit ayaw mong magpakita sa kanila? Gusto ka nga nilang makilala kasi naikwento ko sa kanila na ikaw ang nagligtas sa akin eh," sabi naman niya na kalmado na. Pilit niyang pinapasok sa isip na iyong panaginip niya kanina ay isang malaking kalokohan lang. Dahil nandito ngayon sa harapan niya si Beam. At ang gwapo-gwapo pa rin nito kaya hindi pwedeng maging multo lang ang isang katulad nito.

"No need, Louise. Baka kasi matakot lang sila sa akin kapag nakita nila ako." "Huh? At bakit naman sila matatakot? Hindi mo naman kamukha si Shrek!" nakatawang sabi niya dahil wala siyang nakikitang rason para matakot ang parents niya rito. Gwapo ito at disenteng tingnan.

Sa totoo lang ay pinipigilan niya lang ding hindi kiligin sa harapan nito. Kung wala siguro ito sa harapan niya ay baka kanina pa siyang nagtitili sa kilig. Imagine? Iyong crush niya ay nasa kwarto njya?

Pero paano nga kaya ito nakapasok sa bahay nila? "Ihh... Ano kasi eh..." Parang hindi nito malaman kung saan ito huhugot ng sasabihin. Hanggang sa bigla na lang itong lumuhod sa harapan niya. "Pakiusap, Louise! Pwede bang dito na lang muna ako sa bahay ninyo? Please? Wala na kasi akong matutuluyan e! Wala akong sariling bahay at pagala-gala lang ako eh! Please, Louise, sige na!" pagmamakaawa nito na nakayuko pa na para siyang isang reyna na dapat luhuran. Hindi na niya na maitago ang kilig. Napapangiti na siya. Tutal hindi pa naman ito nakatingin ih. Hi-hi-hi... Wala raw sariling bahay si Beam. Halatang palusot lang nito iyon dahil gusto lang nito na makasama siya. Hindi siya makapaniwala na agresibo rin pala si Beam dahil mukha itong wholesome. Hi-hi-hi...

Kung sa kanila titira si Beam ay para na rin silang nag-live-in. Siguradong mamamatay sa inggit ang mga kaklase niya kapag nakita ang mala-adonis na ka-gwapuhan ni Beam. Tinago niya ang ngiti nang mag-angat ito ng ulo bigla at pumormal naman siya. Tinaas ang noo. Dapat magpakadalagang pilipina siya. Hi-hi-hi... Tumayo na ito at tumitig sa kanya. "Ano? Payag ka na ba? I'll do whatever you want, Louise. Gusto mo gawin pa kitang prinsesa eh. Kahit ano, gagawin ko para sa 'yo..."

Pinilit na naman niya ang sarili na hindi mapangiti. Ayaw niyang mahalata nito na kerengkeng siya. Pakiramdam niya ay para itong nagtatapat ng pag-ibig sa kanya kahit hindi naman. Ang lakas ng tibok ng puso niya. Feel na feel niya. Hi-hi-hi...

"Umm... Kung ako lang naman, ayos lang sana. Pero kasi dapat kausapin mo muna sina Mama at Papa," sabi niya na feeling namamanhikan na si Beam. "Tara, baba tayo? Andoon sila. Kausapin mo..." Akmang hihilahin na niya si Beam pero bigla siyang natigilan.

Tumagos ang kamay niya sa siko nito! Sinubukan niya ulit hawakan si Beam sa pag-aakala na namamalik mata lang siya pero tumatagos talaga ang kamay niya sa katawan nito! Bawat tangka niyang hawakan ang kamay nito ay nakakaramdam siya ng parang hanging malamig na nakakapanindig ng balahibo niya. "I-Ikaw... Mu... Mu-multo ka?" nanginginig ang boses na tanong niya. Halos naninigas na ang katawan niya sa takot.

Malungkot na tumango naman si Beam.

"Ahh..." Ayaw lumabas ng tili sa lalamunan niya. Para bang may bumara roon! "Louise, makinig ka muna sa akin oh." Paglapit pa ni Beam pero paatras na siya ng paatras! Naalala niya iyong panaginip kanina. Parang nauulit lang ang nangyayari ngayon bukod lang sa wala silang dinner date. Hanggang sa magbalik sa isip niya ang pugot na ulo ni Beam sa panaginip niya. Iyong ngisi at halakhak nito na nagnanais na mahalikan ang mga labi niya!

"AHHHHH!!!!! Multoooo!!!!!!" Pagsigaw ni Louise mula sa kwarto nito. Umaalingawngaw sa buong kabahayan ang sigaw ni Louise. Nabasag tuloy ang hawak na plato ni Aling Ericka mula sa baba dahil sa gulat nito sa tiling iyon. Natatarantang umakyat ang mag-asawa sa kwarto ni Louise. At nakita nga nila na takot na takot ito. Agad na sumugod ng yakap si Louise sa ina. "Anak! Ano bang nangyayari sa 'yo?" natatarantang tanong ni Ariel sa anak. Para nang binabad sa suka ang mukha ni Louise. "Papa! Mama! Hindi ninyo po ba nakikita si Beam? Ayan siya, nakatayo sa harapan natin! Tama 'yung nasa panaginip ko! Isa siyang multo!" Takot na takot pa rin si Louise na nagtatago sa dibdib ni Aling Ericka habang tinuturo siya ng kamay nito. Nanginginig at nanlalamig pa ang kamay ni Louise at alam niya iyon.

NAGKATINGINAN naman ang mag-asawa dahil wala naman silang nakikita sa direksyon na tinuturo ni Louise. Ayaw man nilang isipin ay baka nababaliw na ang anak o nagda-drugs ito. Pero mabait na bata ang anak nila. Walang bisyo at matataas naman ang mga grades nito. "Huwag kang matakot sa akin, Louise! Hindi naman kita sasaktan eh!" natatarantang sabi ni Beam na unti-unting lumapit. ''Huwag kang lalapit! Multooo!!!!" Takot pa rin si Louise sa kanya pero hindi siya nakinig dahil sa pagnanais na mawala ang takot ni Louise sa kanya. Nang akmang hahawakan na niya si Louise ay bigla nang nahimatay ang babae!

After Life (Published Under Dreame App)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon