Chapter 1

3 0 0
                                    


Hindi ko alam kung bakit tingin ako ng tingin sa wrist watch ko. Hindi tuloy ako makapagconcentrate sa subject namin at di ko maintindihan ang sinasabi ng Professor ko ng dahil sa nangyari kanina.

It's almost 10am, tulad ng sabi nya, may laro daw sila sa gym namin ngayon. Wala naman ako balak manood at isa pa, kung gustuhin ko man, hindi pwede dahil may klase pa ako.

"Ms. Pablo, can you solve the problem on the board?" Tawag sakin ng Prof ko na biglang nakapagbalik ng isip ko sa reyalidad. Buti nalang at nakapag aral nako nung mga nakaraang araw pa kaya kahit pre-occupied ako ay nasagot ko ang mathematical equation na pinapasolve nya sa board.

I should really stop thinking about what happened earlier. It's not healthy for me at distraction lang ito sa pag aaral ko. Naisip ko na naman tuloy si nanay na hirap na hirap na itaguyod ako. Napailing ako at pinigilan na isipin ang lalaking iyon.

"May basketball game daw sa court, tara silipin natin!" Papalapit sakin si Thalia pag ka alis na pagka alis pa lang ng Prof namin.

"Huy, Emery! Sabi ko may game sa court. Tara check natin! Nagtext si Belle na may pogi daw dun sa kalaban natin!" She exclaimed.

Thalia and Belle are my friends dito sa school. Parepareho kaming accounting course pero si Belle ay naiba ng schedule samin dahil mas prefer nya ang pang hapon na sched kesa umaga.

"Kayo nalang" Walang gana kong sabi. Wala naman talaga ako balak manood. For what? Distraction lang ito kaya habang maaga pa, dapat iwasan na.

"Ang KJ mo naman! Silip lang eh!" Thalia pouted and I sighed.

"15 mins nalang para sa next class natin, mag advance reading nalang tayo para kung sakali may recit mamaya makakasagot tayo ng maayos" Sabi ko habang inaayos ang gamit ko papunta sa next class namin.

"Oh my gosh! Saglit lang talaga, Emery, please? Wala pa 5 mins! Inaantay tayo ni Belle doon!" She exclaimed.

One thing na alam na alam ko sa ugali ng kaibigan ko na to ay yung hindi sya titigil kakakulit sakin hangga't hindi nasusunod ang gusto nya. I sighed and grabbed my bag.

"5 mins and were done. Wala ako balak magpa-late sa next subject natin, Thalia sinasabi ko sayo!" Asik ko sakanya. She grinned and followed me as I exited the classroom door.

"Promise! Just a peek! I just wouldn't wanna miss it noh! Tska andun kasi si Belle, minsan na nga lang natin yun makita at pang hapon ang pinili nyang schedule eh" She added as if trying to convice me pa kahit na naglalalakad na kami papunta sa court.

Malayo pa lang kami sa gym pero rinig na rinig na namin ang cheer ng mga estudyante from Eastside at dito sa Verden College.

"Nasan si Belle? Let's greet her and make this fast. Malapit na magsimula next class natin" sabi ko kay Thalia.

"Nasa may unahan daw sya banda sa side ng Eastside at dun sya sumisilay!"  Hinila nya na ako para makasiksik kami sa bulto ng mga estudyante at para di kami magkahiwalay.

Matangkad at medyo chubby si Thalia  kaya iniirapan kami ng mga estudyanteng nakakabungguan nya. I was petite, kaya kung ako lang ay di kakayanin ng lakas ko na makakadaan at makakasingit sa mga estudyanteng nandoon.

"There she is!" Sigaw ni Thalia ng makita si Belle na nasa pinakaunahan banda sa railings. Isang sulyap lang sa court, kita ko agad ang pawisan na si Archer habang nagdidribble ng bola. I gulped. I don't know how he managed to look so amazing kahit na basang basa sya ng pawis dahil sa paglalaro.

Kakaumpisa pa lang ng game pero ang laki agad ng lamang ng Eastside sa amin. The students don't care though? or that's what I thought as I scan most of them na nakatitig sa bagong salta dito sa school namin. I can see how his muscles move on every move he makes. Napatinginfin ako sa maugat nyang mga kamay. Why do I find it hot? Naginit ang pisngi ko. He looked so manly and strong at para bang alam na alam nya yon dahil naghuhimiyaw ang confidence sa awra nya ngayon.

I saw how he managed na nakawala sa nagbabantay na kalaban, when he escaped, he didn't waste his time and made a 3-point shoot.

The crowd cheered loudly at kasama na dun pati mga estudyante ng Verden. Porket gwapo di na chineer ang sariling school?  I raised my brow and looked at him. Gwapo naman kasi talaga.

I made one last look at him at kinalabit si Thalia. "Tara na!"

Natigil ang paguusap nila ni Belle and they looked at me na nakangisi.

"Wag na kaya tayo pumasok? Boring naman ung next subject eh" Thalia said while smirking.

Nainis ako bigla. "Hindi ito usapan natin! Sabi mo 5 mins lang! Malelate na tayo"

"Dito muna tayo, Emery. Di mo ba ko namiss? " Belle pouted.

"We can bond some other time, Belle. Ayaw ko lang talaga mag cut ng class. Tara na, Thalia. Pag di ka pa sumama iiwan talaga kita dito." Napipikon talaga ako at mukhang wala talaga itong balak na umalis. Tumalikod nako para maglakad.

"Emery!! Wait!!" Sigaw nya ng malakas. Saktong naka time ang game kaya medyo tahimik at rinig na rinig ang sigaw ni Thalia. I automatically felt embarassed at napatingin ako sa coach ng kalaban na napatigil sa pagsasalita habang naghuhuddle sila. Then my eyes travelled towards Archer ng maramdaman na nakatigin sya sakin. So he remembers my name pala? Or dahil may sumigaw kaya napatingin lang sya bigla?

I saw how his lips rose up and he smirked at me ng magtama ang mata namin. Tinaasa ko lang sya ng kilay at binigyan ng why-are-you-looking-at-me look. Umiling iling sya at halatang hindi na nakinig sa strategies na pinagsasabi ng coach nila.

For some reason, hindi ko matagalan ang titig nya so I looked away at tumalikod na umalis.

Sumunod din si Thalia kinalaunan at sinimangutan lang ako hanggang sa makarating kami sa classroom. We are a bit late pero wala pa naman ung Prof na laking pasasalamat ko. I really don't want to be late dahil may grade din yon. Syempre ingat na ingat ako na di mawala ang scholarship ko.

"Ang pogi nung number 29 ano?" Thalia exclaimed while sitting beside me. "Dapat talaga dun muna tayo eh!" palatak pa nya.

"Pwede ka naman kasi magpaiwan" I said a bit bored. Alam ko kung sino ang tinutukoy nyang pogi. Number 29 ang jersey number ni Archer kanina. Halos lahat naman kasi ng babae dun makikita na hangang hanga sakanya.

Maya maya dumating na din ang Prof namin sa Business Law at nagstart na ang klase.

Tuloy tuloy ang lectures namin hanggang sa maguwian.

"Una na ko, Thalia" I said before we part ways. Diretso si Thalia sa parking area ng school at andun nagaantay ang daddy nya na susunduin daw sya while I went to the exit gate para mag abang ng jeep pauwi.

Nakatayo ako sa gilid nagaabang ng may montero na huminto sa harap ko. The windows of the car slowly opened and it revealed Archer. He looks handsome at halata monh bagong paligo lang.

"San ka? Hatid na kita" He smiled while offering me a ride.

"No, thanks! I can manage." After I said that, I looked away at kunwari'y sumisilip sa left and right kung may jeep na ba na dadaan.

I heard him chuckled at biglang lumabas ng sasakyan. "Sungit!"

Inirapan ko sya as he comes near me. Akala ko may sasabihin pa pero bigla nya hinablot ang bag ko at pinasok sa sasakyan nya.

"What are you doing?!" Sigaw ko. Obviously not liking how he manhandled me.

"Uuwi na tayo." and then he pulled the passenger door at hinawakan nya ang braso ko papasok. Ng makaupo na ako ay dali dali syang umikot para pumasok sa driver's side.

"You know that this is the first time we met right? Masyado kang presko!" Naiinis ako sakanya. Why does he have to do this?

"I told you I wanted to know you better." He smiled and start the engine.

The Player's First LoveWhere stories live. Discover now