CHAPTER 11

117 1 0
                                    

CHAPTER 11

Halos hindi mapakali si Marian sa kaniyang kwarto habang nakasuot na nang wedding gown kaya naman pabalik-balik na rin ang mata ni Klein sa kaniya.

"Uy girl kumalma ka nga! Bakit ka ba ganiyan? Nagsisisi ka ba?"

Tanong ni Klein na nagpahinto naman kay Marian at napatingin sa kaniya.

"Ahmmm hindi ko alam...kumakabog lang ng mabilis ang dib-dib ko, para akong kinakabahan na ewan!"

"Wait...so hindi 'yan regret? Kasi the way kang umarte e para kang bride na magpapakasal sa taong mahal mo at mahal ka na ayaw mo magkaroon ng mali sa magiging kasala mo!"

"Ha!? Hindi ah! H-Hindi lang ako sanay na may mga ganitong ganap!"

"Alam mo anteh keri lang 'yan! Ganiyan naman yata ang feeling ng mga bride kasi! Huwag ka lang maging runaway bride ah!"

"Malabo naman 'yon Klein, parang hindi ko naman kayang saktan or biguin si Gail ng ganon"

Nahinto naman si Klein sa narinig mula kay Marian sabay pasok ng mayordoma upang sabihin nariyan na ang kotse na magsusundo kay Marian papunta sa venue, isang garden wedding ang set up nila.

Papalabas pa lang nang pinto si Marian ay hinawakan siya ni Klein.

"Girl, remind ko lang...hindi ka pwede ma-in love kay Gail...alam kong alam mo 'yon"

Natigilan naman si Marian sa sinabi ni Klein.

"Oo naman! Well, I just had a meaningful talk with her last night kaya nasabi kong ayokong siyang saktan, we're both in deep pain Klein...loving Gail would hurt me more kaya alam kong hindi..."

Sagot naman ni Marian sabay yakap ni Klein sa kaniya.

"Mabuti naman, ayoko rin kasi matalo ka at masaktan, kailan lang kita nakilala girl but I know that you're a good person"

"Thank you...gumagaan na ang loob ko, kahit wala sila mama...hmmmm sob*sob* hmmmm kahit papaano nagiging okay na ako"

Sambit ni Marian na naluluha sabay pasok sa kotse na maghahatid sa kaniya sa venue.

Nang makarating ay agad na sinalubong naman sila ng mga tauhan ni Gail, halos matulala si Marian dahil may mga taong dumalo at karamihan ay mga alta sa siyudad na kaibigan ni Gail.

Nang nakatayo na si Marian sa isle ay napapalingon ang mata niya upang hanapin si Gail at halos matulala siya sa unahan nang makita si Gail na nakatayo at naghihintay sa kaniya.

Nakalugay ang curly hair nito habang nakasuot nang sexy while halter na halos labas ang pusod at natatakpan ng white curve blazer na mas humuhubog sa katawan niya at white slacks and heeled boots.

Nasa tabi ni Marian si Klein bilang makakasama nito sa paglalakad sa isle.

"Wow! Ang freny ko e hindi rin papakabog! Ang seksi kahit ang angas ng datingan!"

"Iyan pala ang suot niya"

Sambit lang ni Marian sabay nagsimula na silang maglakad nang magsimula na rin ang tug-tog.

Halos titig na titig si Gail kay Marian na nag-uumapaw ang kaseksihan at kagandahan nito.

Ilang sandali pa ay iniabot na ni Klein si Marian kay Gail na hinawakan naman agad nito.

"You're so gorgeous"

"At ang sexy mo naman"

Sagot ni Marian na nagpangiti nang simple kay Gail.

Nagsimula ang kasal at tahimik na nakatayo ang dalawa hanggang sa pagbibigayan ng vows na alam ni Marian na scripted pero binasa niya pa rin at ganoon din si Gail hanggang sa umabot sa pagsusuot ng sing-sing.

Love Hate then getting LaidWhere stories live. Discover now