CHAPTER 9

354 8 0
                                    

CHAPTER 9

Tahimik na nakatanaw si Marian sa bintana sa kotse habang nasa biyahe siya papunta sa bahay nila.

Pinayagan siyang umalis ni Gail kaya naman naisip niyang dumalaw sa pamilya niya.

Agad silang nakarating sabay paalam sa driver na hintayin siya.

Nang papasok na sa pinto ay maririnig ang tawanan sa loob ng bahay ng kaniyang kapatid at ina.

"Sobrang saya ko ma! Sa wakas ay kasali na ako sa soccer team! Kung hindi binayaran ni ate ng full ang tuition ko ay hindi ko makukuha ang position na ito! Sana naman makita ko si ate! Hindi pa ba tumatawag siya sa inyo?"

"Naku anak hindi pa! Naghihintay nga rin ako e! Sana naman makadalaw ang ate mo"

Sambit ng nanay niya at sa puntong iyon ay napapangiti siyang naluluha dahil kahit nahihirapan siya sa pinasok na sitwasyon ay nakikita niyang masaya ang pamilya niya.

Imbes na papasok ay hindi na lang tumuloy si Marian sabay pahid ng luha niya at papasok na sana ng kotse nang magsalita ang driver.

"Hello ma'am, hindi po ako nakapagpakilala sa inyo, ako po si Greg, pwede niyo akong tawaging manong Greg, ako po ang tinalagang maging driver na ninyo palagi pwera lang kung kay Madam kayo sasabay"

"Okay po manong Greg, salamat po sa pagpapakilala"

"Sana po ay ayos lang kayo ma'am"

"Kinakaya naman po, mula nang bumagsak ang kalidad ng buhay namin, pinangarap kong kahit isang beses lang makita kong masaya ang pamilya ko, nakita ko naman pero...kapalit ay hindi ko sila pwede nang makasama ng matagal, itong pag-alis ko sa kanila, kapalit ng maayos na buhay nila..."

"Minsan naman po talaga ganon ma'am, kailangan natin humiwalay sa kanila para mabigyan sila ng magandang buhay"

"M-May ideya po ba kayo kung sino ako? At magiging ano ko ng madam ninyo manong?"

"Oo ma'am, hindi naman na bago ang ganiyan, tanggap naman na nang lipunan, si Madam Gail, maraming hindi nakakaintindi sa batang iyan pero driver pa lang ako ng kaniyang ina, kilalang-kilala ko na siya, hindi ka pababayaan ni Madam"

Sa narinig ay natahimik na lang si Marian dahil alam niya naman ito pero alam niya rin na hindi pa rin siya kumportable sa lahat lalo ang pakikisama kay Gail.

"Ah manong Greg, pwede ba tayong dumaan sa Paradise Cemetery?"

"Okay po ma'am, no problem po"

Agad na dumaan sila sa cemetery at doon ay napaupo sa damuhan si Marian na nagtuloy na sa pagluha.

"Hon...I'm sorry...sabi mo lagi kong piliin ang maging masaya, ang magpapasaya sa akin...I'm sorry kasi hindi ko nagawa, bukas na ang kasal ko...I'm sorry kasi ako mismo nasasaktan ako...sana narito ka para sa akin...sobrang nami-miss na kita...sobra..."

Luhaan na sambit ni Marian at namalagi na muna siya roon ng ilang oras hanggang sa mag-ring ang cell phone niya at si Gail iyon.

"Hello"

"You didn't go to your house"

"Yeah, I'm here at cemetery"

"You visit Harold"

"Oo, ahmm salamat nga pala last night ah, sorry kung nakatulog ako"

"Its fine, how are you? Masakit pa ba ang puson mo?"

"Hindi na, may period na rin ako and ...thank you kasi hindi masakit ang puson ko ngayon"

"Ah...yeah...I will pay you for that—"

Love Hate then getting LaidWhere stories live. Discover now