CHAPTER 10

480 8 8
                                    

CHAPTER 10

Paikot-ikot na si Marian sa kaniyang higaan dahil sa kaba para bukas na magaganap niyang kasal.

Kaliwa at kanan na ang paglingon niya sabay biglang bangon mula sa pagkakahiga.

"Damn! Why can't I sleep?"

Tanong ni Marian sa sarili habang nakayuko at napapahilamos ang kamay sa mukha nang maisip niyang uminom ng wine dahil iyon ang madalas niyang gawin sa tuwing hindi siya makatulog.

Nang bumangon ay agad na lumabas ng kwarto pero madilim na ang buong bahay kaya naging maingat ang galaw ni Marian.

Agad niyang narating ang kusina sabay hanap ng kahit anong alak o wine, nagpabalik-balik na siya sa ref at sa bawat cabinet pero wala siyang makita.

Napapasapo siya sa buhok niya dahil sa panghihinayang na walang makitang alak.

Minabuti niya na lang umakyat sa taas at bumalik sa kwarto nang biglang may humawak sa kamay niya na ikinagulat niya pero mabilis namang natakpan ang bibig niya.

"Hey it's me!"

Bulong ni Gail habang takip-takip ang bibig ni Marian.

Maya-maya ay pinakawalan niya na ito sa pagkakahawak niya.

"B-Bakit gising ka pa!?"

Tanong ni Marian.

"I should be the one asking you that"

Sagot ni Gail sa natitigilan na si Marian.

"I-I can't sleep..."

"Why are you in the kitchen?"

"Ano kasi...ahmmm naghahanap sana ako ng alak, pampaantok lang"

Paliwanag ni Marian na napapakamot pa nang ulo.

Napatingin naman si Gail sa kaniya at sa kabuuhan nito wearing a cartoon character pajamas pero wala itong suot na bra.

"Tara! Sa kwarto ko!"

"Ha!? Sandali! Bakit sa kwarto mo!?"

Napatingin naman si Gail sa kaniya dahil sa reaction niya.

"Why? What are you thinking?"

"Ha? Wala naman! A-Ano...ibig kong sabihin, bakit ako pupunta sa kwarto mo e alak lang naman ang kailangan ko"

Nauutal na paliwanag ni Marian.

"Is that really it? Or you're thinking of something else?"

"A-Ano namang iisipin ko....? Wala ah! Anyway, kung wala kang alak edi sige na, pipilitin ko na lang matulog!"

Sabi ni Marian sabay palakad na sana papunta sa kaniyang kwarto nang hawakan siya ni Gail sabay hatak nito sa kaniya.

"Huy! Ano ba!?"

Hindi naman sumagot si Gail at tuloy lang sa paghatak kay Marian hanggang sa malagpasan nila ang kwarto mismo ni Gail na ikinataka naman ni Marian.

"O' e bakit tayo lumampas sa kwarto mo?"

"Ayaw mo sa kwarto ko hindi ba!"

"Ahm...hindi naman sa ganon—"

Nahinto naman si Gail sabay hinarap siya.

"So gusto mo na sa kwarto ko?".

Balik na tanong ni Gail kay Marian na natataranta na at nalilito sa isasagot niya nang biglang dumukwang sa harap niya si Gail at nagsalita.

"You're cute when you're confused"

Sabi ni Gail sabay simpleng ngiti kay Marian na naguguluhan pa rin at hinawakan siyang muli sa kamay sabay pasok sa isang pinto na ngayon lang nakita ni Marian.

Love Hate then getting LaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon