Chapter 15

55 2 0
                                    

[CC's POV]

Pustahan tayo, suspended ako ng isang linggo. Di ko makalimutan yung mukha ni Ms. Clement nung tumalon ako e. Akala niya patay nako hahaha. Kahit naman na mamatay ako nung oras na 'yon mabubuhay parin naman ako e. Dipende nalang kung hindi madudurog yung ulo ko.

Speaking of nakalimutan, nakalimutan ko yung bag ko sa school! Jusko ba't sa dami-dami mg maiiwan yung bag ko pa! Nandun yung cellphone ko! Pero buti nalang na sa'kin yung wallet ko. Makapunta nga sa Pizza Hut, gutom nako.

Nakapag-order nako ng dalawang box yes! Saan kaya ako kakain? Ayoko rito masyadong maingay. Sinabit ko yung dala kong pizza sa may manibela at umalis nako. Pinatakbo ko ng mabilis yung motor ko at nakahanap ako ng lugar na tahimik. Buti nalang pala walang tao ngayon dito sa Park na 'to. Naghanap ako ng mauupuan tas sakto may mesa rin kaya kumain nalang ako ng pizza. Kung pwede nga lang na ikaw yung pakasalan ko e.

Habang kinakain ko yung pizza na binili ko, may humintong sasakayan. Ano ba 'yan, akala ko pa naman din ako lang mag-isa. Tinitigan ko yung kotse ng maigi at mukhang pamilyar yung kotse pati yung mukha nung nagmaneho. Bumukas ng konti yung pinto tas dahan-dahang lumabas yung driver, paglabas niya bigla akong napatigil sa pagkain at nanlaki ang mga mata ko dahil yung driver ay si... L-L-LELOUCH!

Grabe ibang iba yung porma niya, naka-shades tas naka-sleeveless turtle neck at naka-dog tag pa! Aalisin na niya dapat yung shades niya pero lumingon siya ulit sa sasakyan na parang may kinukuha. Pag lingon niya pabalik, hinagis niya sa'kin yung bag ko at inalis niya yung shades niya inayos niya rin yung buhok niya. Nakatitig lang talaga ako sakanya ngayon.

"What are you looking at?" sabi niya. Nahuli ako, isip ng palusot! "I wasn't looking at you dumbass, I was looking at your car." sagot ko, nice nice gandang palusot. Naglakad siya papalapit sa'kin at umupo sa harapan ko. "I have to be rewarded after I gave your bag to you." sabi niya at dahan-dahan niyang nilapit yung kamay niya sa pizza pero pinalo ko kaagad. "You won't have anything and besides, who the fuck gave you permission to give me my bag?" sagot ko.

Tangina totoo naman kasi e! Naghahanap siya ng kapalit kasi kinuha niya yung bag ko kahit wala naman akong sinabing gawin niya 'yon.

Tinitigan niya ako at tumingin sa ibang lugar. "You should be thankful because I gave it to you." sabi niya. Aba gago 'to ah. "Why should I be? First of all, I didn't told you to bring it and why did you followed me anyway?" sabi ko habang naka-cross yung arms ko. "Well, I was worried." sabi niya tapos tumingin siya sa'kin. Nagulat ako kasi halata sa mukha niya na nag-aalala nga siya. "I can handle it myself, you don't have to be worried." sabi ko. "Both of us will be suspended for a week." sabi niya. Sabi sainyo e, masu-suspend kami.

Teka, KAMI? Ba't pati siya? "You'll be suspended too?" tanong ko. "Yeah because I followed you." sagot niya. "You shouldn't have followed me here, pati ikaw nadamay." sabi ko. "It's fine, I'm used to it and I don't want to listen to her lectures anyway so I decided to follow you." sabi niya. Yun pala yung rason niya. Chineck ko yung bag ko tapos nandun yung cellphone ko, thank God nandito.

Narinig ko yung tiyan ni Lelouch na tumunog, grabe gutom na nga talaga siya. "Take it," sabi ko habang inaabot ko sakanya yung box ng pizza na bawas na. "You'll get mad if I'll take a piece." sabi niya. Ang arte mo ha? Ikaw na nga 'tong binibigyan e! "I'm already offering you so why would I be mad? If you don't want to, starve yourself to death." sabi ko. "Fine fine, I'll take it." sabi niya sabay kuha nung box.

Grabe kung lamunin niya yung pizza akala mo isang linggong hindi kumain. "Kukunin mo naman pala e aarte-arte kapa jan." sabi ko. "You don't mind if I eat it all right?" tanong niya. "No I don't so suit yourself, I still have a box for myself." sagot ko. "Wow, you sure do love pizza." sabi niya. "Yeah, and by the way..." sabi ko tapos tumigil siyang kumain at tinignan ako. "Thanks for giving my bag." dagdag ko. "No problem, thanks for the pizza too." sabi niya habang nakangiti.

Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti kaya namula ako agad. "Nah," sabi ko tapos sabay lingon sa ibang lugar. "Are you alright? Your face is red tho." sabi niya. "I'm fine okay? I'm going home." sabi ko tas pagtayo ko sa upuan, hinawakan niya yung kamay ko. "Stay here," sabi niya habang nakatingin sa baba. "Get your hands off me, let me go!" sigaw ko tas nilagay niya yung 2 box na pizza sa gilid ng mesa, hinila niya ako sakanya at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi ako makagalaw kasi sobrang higpit ng yakap niya. Tinulak niya ako sa lapag, buti nalang damuhan 'tong lapag. Umupo siya sa'kin, pumapagitan yung mga braso niya sa mukha ko.

Tinititigan niya lang ako. Kinakabahan ako, bumibilis yung tibok ng puso ko. Tangina mo Lelouch umalis ka! "Get off of me!" sigaw ko. "Stay with me please, I don't want to be left alone again." sabi niya ng may lungkot sa mga mata niya. "Wait, again?" tanong ko. Kailangan kong magmaang-maangan, kunwari di ko alam yung dahilan. "My mom died and my father left me so I'm just with Nunally." sagot niya. "Sorry," sabi ko tas bumagsak yung katawan niya sa'kin. "I know this is inappropriate and I'm sorry for doing this but I just don't want to be left alone again. So please stay with me." sabi niya habang nakabaon yung mukha niya sa leeg ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko na rin siya para kumalma siya. Inangat niya yung ulo niya at tinitigan ako. Unti-unti niyang nilalapit yung mukha niya at hinalikan ako. Nanlaki ang mga mata ko pero hindi ko napigilang sumunod sa ginawa niya. Mga 3 minutes kaming naghalikan tas tumigil na siya. Namumula siya pag-angat ng mukha niya. "Thank you," sabi niya habang nakangiti. Namula ako lalo at lumingon ako sa ibang lugar. "N-n-no p-problem," sagot ko. Tas humiga siya sa tabi ko.

"Are you sleepy?" tanong niya. "A little," sagot ko tapos binuhat niya yung ulo ko at pinahiga ito sa dibdib niya. Kinuha niya rin yung kamay ko at pinulupot ito sa katawan niya. "You can sleep on me, think of me as a pillow. Have a good rest okay?" sabi niya tapos pinatong niya yung kamay niya sa balikat ko at pinulupot niya yung kamay niya sa waist ko. Namumula talaga ako ngayon tangina. Nai-ilang ako pero pakiramdam ko ligtas ako dahil sa yakap niya.

Ang lambot ng labi niya tas ang passionate niya pa humalik kanina. Teka, bakit ko nga pala iniisip yung halik niya sa'kin kanina? Hinigpitan niya lalo yung pagyakap niya pero hindi ako nasasaktan. "Sleep tight, I love you." bulong niya. Nagulat ako kasi sinabi niya 'yon pero hindi na dapat ako nagugulat sa ganito kasi yun yung kahilingan ko kaya nagkaroon ako ng geass. Pero bakit ako nakakaramdam ng ganito?

Ms. Heartbreaker Meets Mr. Playboy (editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon