Chapter 19

163 2 5
                                    

Lola's POV

Isa na namang madugong araw dahil araw na ng taping. I really wanted to go to work. Sa totoo lang, mas gusto ko pang maging abala sa pagtatrabaho kaysa ang atupagin ang pinagagawa sa akin ni JD.

Chariz!

Nagpapakipot lang ako pero ang totoo, grabe ang kilig ko. Para akong sinilihan sa pwet no'ng makita ko ang text message niya sa akin kagabi. Literal na pagulong-gulong ako sa kama no'n. Kahit sobrang sakit na ng panga ko sa kangingiti sa harap ng papa niya sa restaurant ay hindi ko mapigilan ang mapangiti. Sino ba naman ang hindi kikiligin?

By the way, I didn't get to say this earlier but you look so beautiful tonight.

Shuta! Kahit sinong babae, masisilihan ang pwet sa sobrang saya kapag may nabasang ganyan. Hay nako! Alam na alam talaga ni JD ang kahinaan ko. Nyeta! Bakit ba ang rupok ko lately?

I just shook my head. Pilit kong tinatanggal sa isipan ko ang naturang bagay.

Stop it, Lola. Hindi ka pwedeng masanay na kiligin dahil lang sa simpleng text message. Kahit ano pa ang gawin niya, hindi ka dapat ma-fall! Mahirap na at baka maparusahan ka pa, paalala ko naman sa aking sarili.

Nagsimula na kami sa shoot. Sa bungad pa lang ng taping spot ay may tumabi na kaagad sa akin. Naramdaman ko na lang na may isang kamay ang pinagsalikop ito sa akin. Pagkaangat ko ng tingin ay si JD lang pala.

He smiled at me warmly. At syempre, ang Lola n'yo, tulala! Hindi ako makahuma. Kanina ko lang kasi siya pilit na tinatanggal sa isipan ko. Nang magtagumpay naman ako ay siya namang paglitaw niya sa tabi ko. Idagdag pa ang panginginit ng dalawang pisngi ko.

Pero mas nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

He gave me a peck on my lips. On my freaking lips!

It was a quick peck that was surely caught by the fans and other staff members. Sa dami ng tao na nakatutok sa amin, imposible na hindi nila iyon nakita. Tila may sampung bansa na nagdigmaan sa loob ng dibdib ko. Sobra ang kaba ko. Mas lalo tuloy akong pinamulahan ng pisngi. Pustahan talaga! Muntanga na ako nitong tingnan sa harapan niya.

Pero heto siya at hindi tinatanggal ang ngiti sa labi niya. Parang nanunukso lalo sa akin. Kinginuh!

"Hi, babe! Did you sleep well last night?" tanong niya. Sa wakas ay siya na ang unang nag-iwas ng tingin pero ang boses niya ay medyo may kalakasan. Halata namang ginagawa niya ito dahil maraming nakatingin.

He's taking advantage of this moment dahil alam niyang bantay-sarado na kami ng papa niya.

Napakurap ako at ipinilig ang aking ulo. Focus, Lola! Smack lang 'yun. 'Wag pabebe! "Umm... y-yeah?" It was a question rather than a statement. Hindi naman kasi ako sigurado sa isasagot ko. 'Di ko alam kung aamin ba ako na alas tres na ng madaling araw ako nakatulog sa sobrang kilig ko sa text message niya o magsisinungaling na lang para hindi humaba ang diskusyon.

"You're not so sure, are you? Bakit? Napuyat ka kakaisip sa akin?" panunudyo niya sa akin.

I scoffed. "Ay wow naman! Confident?" Natutop ko ang aking bibig nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko.

I saw JD's alarmed face na tanging ako lang ang nakakaintindi.

After realizing my mistake, I laughed to hide away my shamefulness. "I-I mean... c-confident ka talaga, ha?" Napahampas ako sa balikat niya at umaktong kinikilig. "Alam na alam mo talaga kung anong iniisip ko. Syempre, ikaw lang naman ang hindi nagpapatulog sa akin. That's so sweet of you to give me a gift! Thanks, babe!" I also leaned forward and gave him a quick peck on his lips.

Liars Go To Bed (SPG) (Ongoing)Where stories live. Discover now