Chapter 15

134 2 1
                                    

Lola's POV

Marahas akong napabangon mula sa aking higaan at muli na namang nagpapadyak habang nagmamaktol na parang bata.

3 AM na pero hindi pa rin ako makatulog. Punyeta! Ano bang ginawa mo sa akin, JD?!

11 PM na ako nakauwi kagabi dahil hirap na hirap kaming ilagan lahat ng mga fan niya. At dahil siya naman ang may kasalanan kung bakit ako na-stuck sa lugar na iyon, pinilit ko siya na ihatid ako sa bahay nila Mommy at Daddy. Wala na akong pakialam pagkatapos niyon. Gusto ko lang kasi talagang makawala mula sa kanya.

I scoffed when I recalled the things he said to me. "Ang kapal ng mukha niya na halikan ako kahit na nakapirma rin siya sa contract. Ano bang akala niya sa akin, super rupok na magpapahalik lang sa kanya?" Pinalo-palo ko pa ang sarili ko nang maalala ko iyon. "Ang landi mo rin kasing babae ka, e! Bakit hindi ka kasi umilag kagabi?!" I frustratedly scolded myself. Pinukpok ko pa ang ulo ko sa sobrang inis.

*****

Kinabukasan, another set of taping na naman ang gagawin namin. I tried to study the scripts of the movie na kasama ko si JD pero nang makasakay na ako sa kotse na kasama si Tita Jet, she looked at me in a weird way.

Nakakunot ang noo niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "What the hell happened to you? Hindi ba uso sa'yo ang mag-make-up? Bakit ganyan hitsura mo?" nagtataka niyang tanong sa akin.

I probably look like a corpse. Nakita ko ang sarili ko sa salamin kanina. Sobrang lalim ng eyebags ko. Nangangalumata at tila may sakit na hindi maintindihan ang hitsura ko. 16 hours lang naman akong dilat magmula kahapon at nakatulog lang ako ng isang oras. Wala na rin akong panahon para mag-make-up pa. Sa tuwing makikita ko ang sarili ko sa salamin, parang ayoko na lang tumuloy sa taping. Kung hindi nga lang sa tawag ni Tita Jet ay hindi naman ako mapipilitan na pumunta. Wala na nga akong choice dahil talagang sinundo pa nila ako para pumunta sa taping.

Mahina akong napangiti sa kanya at bumalik sa pagbabasa ng script.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Michelle. Napailing pa siya at humarap kay Tita Jet. "Ma'am, 'wag na po kayong magtaka. Stressed po 'yan dahil sa kumakalat na balita na hiwalay na sila ni JD. Hayaan n'yo na. Ako nang bahala sa kagandahan ng alaga mo, ma'am!" masiglang turan niya.

Napapailing naman si Tita Jet. "Hay nako! Siguraduhin mo lang na hindi sasakit ang ulo ko sa'yo ngayong araw, Lolita. Kung hindi, malilintikan ka talaga sa akin!" pagbabanta niya.

Napaangat na naman ako ng tingin at binigyan siya ng mahinang tawa. Again, I didn't say a word at ibinalik muli sa script ang mga mata ko. Ayoko na munang magsalita. Pakiramdam ko kasi ay mas lalo akong mawawalan ng gana sa trabaho.

*****

Natapos na si Michelle sa pagme-make-up sa akin at nagsusukat na lang ako ng outfit na susuotin ko para sa taping ngayon.

Maya-maya ay may kumatok sa may pinto at awtomatikong napalingon ako. Nakita ko ang plastic na ngiti ni Gaia sa akin.

I heaved a sigh and rolled my eyes. Ano na naman kaya ang problema ng babaeng 'to? Wala akong nagawa kundi ang maglakad patungo sa kanya. Pinamaywangan ko siya. "Anong ginagawa mo rito?"

She gave me a smirk and leaned against the doorway. "'Wag kang masyadong maging masaya nang dahil lang sa ipinagtanggol ka ni JD kahapon. I'm sure he just did that to save you from much shame. At pagkatapos niyon, babalik na ang lahat sa normal. Hindi ko nga maintindihan kung ano ang nangyari at bigla ka na niyang pinagtatanggol. Why? Pinagbantaan mo ba si JD? Hawak mo ba siya sa leeg? Ano bang alas mo sa kanya? At ano bang gusto mong ma-achieve mula sa kanya?" sunod-sunod niyang tanong sa akin. "Ah... I completely forgot. Social climber ka nga pala. Isang desperadang social climber na kumakapit sa mga sikat na artista. Leech!" she uttered insults while gritting her teeth at me.

Liars Go To Bed (SPG) (Ongoing)Where stories live. Discover now