Chapter 12

199 2 1
                                    

Lola's POV

Tita Jet, my manager, couldn't stop shaking her head nang bumisita ako sa kanya na may dalang delubyo na balita. Well, alam naman na niya ang headline. Ilang beses na rin niya akong tinawagan noong araw na iyon pero hindi ko masagot dahil sa dami ng iniyak ko kanina. Idagdag pa ang pagiging paasa ni JD! Akala ko pa naman totoo 'yung kiss niya. Bwisit! I hate to admit na apektado pa rin ako hanggang ngayon. Hindi mawala-wala sa sistema ko ang ginawa niya.

"Balak mo ba talaga akong patayin nang maaga, ha bruha ka?!" asik sa akin ni Tita Jet. Nasa loob kami ng opisina niya sa kanyang bahay.

Ako naman ay nakaupo lang sa isahang sofa at nakapanghalukipkip. I just rolled my eyes and looked away. Here goes this drama again...

"Ilang beses ko bang sinabi sa'yo na layuan mo na siya dahil sa ginawa mong pang-eeskandalo sa birthday party niya?" pagpapatuloy niya. "I knew this would happen at heto na at nagkakatotoo na ang sinasabi ng mga netizens na mag-aaway talaga kayo ni Gaia! Ilang beses nating iniwasan 'yan, 'di ba? Bakit ngayon ka pa hindi nakinig, ha?"

"What can I do? Nangyari na ang nangyari. At isa pa, nakagawa naman na ako ng paraan. 'Wag mo nang isipin masyado ang tungkol d'yan," I dismissed. "Maiba tayo... Anong schedule ko bukas?"

"Isa-isa nang nawawala ang photoshoots for endorsement mo, bruha! Nang dahil sa leaked video ng sagutan n'yo ni JD, marami nang umayaw sa'yo. Naku! Tumataas na naman ang alta-presyon ko sa'yo! Ayusin mo 'yan, ha. Kailangan ko pang kumbinsihin ang iba na i-reconsider nila ang endorsement mo mamaya. Iisa-isahin ko pa sila!" Napasalampak ng upo si Tita Jet sa swivel chair at napahilot ng sentido.

May magagawa pa ba ako? Galit na galit na ang manager ko at halos bahain na ako ng bash simula nang kumalat ang follow-up video ng kissing scene namin ni JD sa loob ng private indoor pool. Ayon sa kanila, ako ang lumapit kay JD at sinunggaban siya ng halik.

Paano ko naman gagawin 'yun e hindi ko nga magawang mapalapit sa puso niya, halik pa kaya?

Gosh! Sa tuwing maaalala ko ang eksena roon sa indoor pool, mas nangingibabaw sa akin ang pakiramdam noong maglapat ang mga labi namin. Halos makalimutan ko na ang pangalan ko. Nakalimutan kong huminga at nakalimutan ko na maaari iyong maging isang biro. Isang biro na hindi ko akalain na magpapasakit ng pride ko... at ng puso ko.

Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Alam ko naman kung anong estado ko kay JD. Alam ko rin na pawang tungkol lang sa pagiging social climber ko ang ginagawa ko. Gusto ko si JD bilang apple of the eye ko, not for strings attached. I mean, hindi ko pinapangarap na gustuhin ko ang isang tulad niya. Wala sa isipan ko ang ma-in love, not for someone like him. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? May kung anong bahagi ng puso ko ang umaasa na sana hindi na lang ganito ang relasyon namin ni JD. Tila nagnanais pa ang puso ko na sana totoo na lang ang halik na iyon at hindi napupuno ng pagpapanggap.

"Hoy, bruha!" untag sa akin ni Tita Jet at doon lamang nahinto ang malalim kong pag-iisip.

"Ha?" wala sa loob na tanong ko.

Kanina pa pala ako tinatawag ni Tita Jet. Napatayo na nga siya at nakapamaywang na nakaharap sa akin. "Kaninang kanina pa kita tinatawag. Ano ka ba? Kulang ka ba sa tulog? Inuutusan kitang buksan ang TV!" She let out an exasperated sigh and took the remote control on top of the table. Binuksan niya ang TV at kaagad na tumambad sa amin ang isang News Flash.

May isang showbiz reporter ang ipinakita sa screen at nagsimulang magsalita. "Naulat kamakailan ang hiwalayang James Dean Ferrer at Lola Lee nang mayroong kumalat na video tungkol sa kanilang pag-aaway. Ang tanong ng karamihan, talaga bang hiwalay na sila?" pagsisimula ng babaeng reporter.

Liars Go To Bed (SPG) (Ongoing)Where stories live. Discover now