Chapter 50

675 36 3
                                    

Zehra Anais

"How is she, Doc?" tanong ni Aleza nang lumabas ang doctor mula sa OR. 

Pagkarating namin dito ay dito kaagad kami dumiretso sa waiting area sa labas ng OR dahil on-going pa kanina ang operation. According to Aleza, malakas daw ang pagkakabangga ni Athena dahil nayupi ang harapan ng kotse niya. 

"Who's the immediate family of the patient?" tanong ng doctor at inignora ang tanong ni Aleza. 

Nagtaas ako ng kamay. "I'm her wife po," mahinang sagot ko. 

Inalalayan ako ni Faith makatayo at dinala sa harap ng doctor. Napahawak na lamang ako sa tiyan ko para kumuha ng lakas sa susunod na sasabihin ng doctor. 

"Okay. Mabuti naman na ang kalagayan ng pasyente, misis. Nagkaroon siya ng malaking sugat sa likod ng kanyang ulo dahil sa pagkakauntog sa matigas na bagay. Good thing, hindi siya ganoon kalala dahil pwedeng maapektuhan no'n ang paggalaw niya. Aside from that, maaaring maka-experience ang pasyente ng ilang pananakit ng katawan at maaaring mahirapan din siyang makalakad pansamantala dahil kasama sa napuruhan ang binti niya, but don't worry, malulunasan naman natin 'yon sa pamamagitan ng physical therapy," mahabang paliwanag ng doktor. 

Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala sa katawan ko. Mabuti naman ay nasa maayos na kalagayan na si Athena. Okay na ang mommy mo, baby. We'll visit her later kaya tama na ang kakasipa sa tiyan ni mama. 

"Nailipat na po siya sa private room?" tanong ko. 

"Yes, kalilipat lang niya ro'n. Huwag lang natin masyadong pagkumpulan ang pasyente dahil baka makasama ito at bumuka ang tahi niya. She's still in deep sleep, pakitawagan na lang kami sa oras na magising siya," ani ng doctor na tinanguan namin. Ibinigay rin niya ang room number nito kaya naman dumiretso na kami ro'n. 

Nang makapasok ay rinig kaagad namin ang pagtunog ng heartbeat monitor na nasa gilid ng hospital bed. Hindi ko maiwasang manlumo at maluha nang makita ang kalagayan ni Athena. May benda ito sa ulo at meron ding neck brace sa leeg niya, ang isang binti niya ay mayroon ding benda at nakapatong sa isang unan. Puno ng galos ang braso at binti niya, lalo na ang mukha niyang mayroong pang malaking pasa sa bandang pisngi. 

She's in the worst state. 

Itinabi ko muna ang galit na nararamdaman ko sa kanila ni Cara. Gagawin ko muna ang responsibilidad ko bilang asawa niya, I'll take care of her. May panahon pa naman para komprontahin silang dalawa ng Cara na 'yon. 

Naupo ako sa tabi ng kama ni Athena at hinawakan ang kamay nitong walang nakasaksak na IV. Marahan kong pinisil-pisil 'yon habang nakatingin sa kanya. Maya-maya ay inilagay ko ang kamay niya sa tiyan ko at hindi ko maiwasang mapangiti nang maramdaman ang paggalaw ni baby sa tiyan ko. 

Paniguradong matutuwa si Athenan kapag naramdaman niya 'yon at gising siya ngayon. Our child is also worrying about her mother. Wake up now, Athena, mag-uusap pa tayo. 

"It's already lunch time. May gusto ba kayong kainin? Baba ako para bumili ng pagkain, kukuha na rin ako ng damit ni Zehra," tanong ni Faith. 

"Chicken sa akin, Faith, tska sopas," sagot ko. 

Tumango ito. "How about you, Ale?" Umiling lamang si Aleza rito at tumayo. 

"I'll go with you, I need to do something," seryosong pahayag niya. 

"How about Zehra?" 

"I can manage, guys. Basta, bumalik kayo rito later," sagot ko. "Paki-inform din sila mama about sa nangyari kay Athena," dagdag ko pa na tinanguan ni Aleza. 

Lumapit muna si Aleza kay Athena na tulog pa rin hanggang ngayon. Saglit siyang tumitig sa kaibigan bago ito marahang hinalikan sa noo. "I'll find who did this to you," dinig kong bulong ni Aleza sa kaibigan na ikinakunot ng noo ko. 

Loveless MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon