Chapter 5

1.4K 80 7
                                    

Zehra Anais

"Magandang umag—Eh?" Napatigil ako sa sasabihin nang makita kung sino ang nasa loob ng kwartong 'yon.

What the...? H'wag mo sabihing siya ang magiging amo ko? Sa dinami-dami na tao, bakit siya pa?

"Well, hello there, Miss Diaz. Would you like to close the door? Lalabas ang lamig ng aircon," aniya kaya isinira ko ito pero nanatali pa rin akong nakatayo malapit sa pinto.

Kumunot ang noo nito sa akin. "Why don't you seat here in front of me? Hindi naman ako nangangain, you don't have to scared. Mahihirapan din tayong mag-usap kung malayo tayo sa isa't-isa," aniya pa bago itinuro ang upuang nasa harap niya.

I gulped. Mabagal akong naglakad papalapit at saka naupo. Pakiramdam ko ay nagpapawis ang kili-kili ko kahit sobrang lamig naman dito sa loob. Bakit kasi siya pa? Huhu.

"Let's start, shall we? May meeting pa ako mamaya. Please, give me your resume," sambit nito bago sumulip sa gold na wristwatch niya.

Tumango naman ako at saka iniabot sa kaniya ang folder kung nasaan ang resume ko. Pilit ko ring iniiwasan ang tingin nito dahil nabubwisit ako sa pagmumukha niya at naiinis din dahil naaalala ko na naman ang ginawa niyang paghalik sa akin. Ano bang kasalanan ko? Bakit parang pinaparusahan yata ako?

"Oh, so your name is Zehra Anais Diaz? You're 20, and a highschool graduate..." aniya habang binabasa ang nakalagay sa resume ko. "So, why do you want to be a maid?" tanong niya at ibinaba ang papel na hawak.

Sinulyapan ko naman siya pero kaagad ding inalis 'yon dahil sa nakakainis na ngiti nito habang naghihintay ng sagot ko. She even hummed and tilted her head to see my face. Pinagti-tripan niya ba 'ko?

"Hmmm? I'm waiting for your answer, Ms. Diaz," aniya pa.

Napahinga na lang ako ng malalim sa aking isipan. "I want to earn money," maikling sagot ko.

"Eh?" aniya habang wirdong nakatingin sa akin. Hindi yata niya inaasahan ang magiging sagot ko. Mukha naman kasing hindi pinag-isipan.

"Why? May mali ba sa isinagot ko? Gusto kong maka-ipon ng pera kaya ako nag-aapply bilang maid, wala ng iba pang dahilan," paliwanag ko.

"Hahaha! Are you for real? I didn't expect na ganiyan ang magiging sagot mo, Ms. Diaz. You amaze me. Haha! Ang akala ko mahaba ang magiging sagot mo, " tumatawang aniya.

Tinignan ko naman siya ng nakakunot ang noo. Bakit ba siya natatawa? Ano bang nakakatawa? Hindi ba't may tao namang sumasagot ng gano'n? Saka wala rin kasi akong maisip na sagot. Ayoko namang sabihin sa kaniya na gusto ko lang makaalis sa poder ng Tita ko. Well, totoo naman ang isinagot ko, gusto ko talagang makaipon ng pera.

"Ahem! Anyways, I have another question. Why do you think should I hire you?" tanong niya.

"Because you need a maid, and you're hiring," sagot ko naman.

Narinig ko na naman ang tawa niya kaya napasimangot na lang ako. Baliw ba 'to? Okay lang ba siya?

"I-I'm s-sorry... Haha! Y-you're a-answer is j-just... Haha! Hilarious!" she exclaimed while holding her stomach and continue on laughing.

I stared at her weirdly, dahilan para mapatigil ito sa pagtawa. Umubo ito at umayos ng upo. "Okay, seryoso na. Ms. Diaz, why do you think should I hire you? Please, answer my question appropriately," aniya at tinignan ako ng seryoso.

Napabuntong hininga ako. "Kagaya ng sinabi ko kanina, nag-apply ako para makapagtrabaho at makaipon. I am also capable of doing any house chores, kahit paglilinis ng kotse ay kaya ko rin."

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now