Chapter 2

1.9K 90 10
                                    

Zehra Anais

"Good morning, Ma'am. Welcome to our shop. What would you like to order?" nakangiting tanong ng cashier sa amin nang makalapit sa counter.

"Anong sa'yo?" tanong sa akin ni Faith.

"Ano na lang... Ahm..." pag-iisip ko habang nakatingin sa menu nila. "Ahm... Chicken sandwich, isang Pesto Pasta, 'tska 'yung Iced Americano," sagot ko nang makapili.

Humarap ito sa kahera at isa-isang binanggit ang in-order namin. Nang makapagbayad siya ay naghanap na kami ng mauupuan. Medyo madami ang tao ngayon dahil kakabukas pa lang ng coffee shop kahapon.

Infairness, ang ganda ng ambiance ng coffee shop nila. Parang mga korean coffee shops lang na nakikita ko sa pinterest at facebook. Pwede na ipang-instagram story. Ang aesthetic kasi, eh.

"Anong trabaho 'yong nahanap mo? Maayos ba 'yan? Gustong-gusto ko na talagang umalis sa bahay nila Tita," wika ko nang makaupo kami.

"Dalawa 'yong nahanap ko, Zehra," aniya.

"Oh, ano 'yon? Sigurahin mong maayos at mataas ang sweldo diyan, ha," saad ko.

"Mataas 'yong sweldo dito, Zehra," aniya.

"Pero hindi maayos 'yong trabaho?" taas ang kilay na tanong ko.

"Uhh... Medyo? 'Yong isa lang naman, hehe." Tumawa ito ng alanganin sabay peace sign sa akin.

"Eh, ano ba 'yan? Bakit 'di mo pa kasi sabihin? Binibitin mo ko masyado, eh!" bulyaw ko sa kaniya.

"Eh, saglit lang kasi! Iniintay ko pa order natin, eh!" bulyaw nito pabalik.

Napairap na lang ako sa tinuran niya. Kahit kailan talaga 'tong Faith na 'to.

Hindi nagtagal ay dumating na rin ang inorder naming pagkain. Nagulat pa ako nang mauna pang kumain sa akin si Faith. Mukhang mas gutom pa siya kaysa sa akin.

Napailing-iling ako at saka rin nagsimulang kumain. Hindi naman maiwasang mapasinghap sa lasa ng sandwich na kinakain ko. Wow. Lasang chicken sandwich. Sinunod ko rin ang pasta na in-order ko at talagang napakasarap ng pagkain sa coffee shop na 'to.

"Shabihin mo na," pagpipilit ko rito.

"Eto na! 'Yong matino ba muna o 'yong hindi?" tanong niya.

"Unahin mo na 'yong matino," naiinip na sagot ko.

"Okay, 'yong matino na nahanap ko ay magiging maid ka lang ng isang babae na kaibigan ng pinsan ko. Samantalang 'yong isa naman, sa bar, mag-eentertain ng mga customers," wika niya.

Napabuga naman ako sa iniinom sa juice dahil sa huling sinabi niya. Ano!? Entertainer? Seryoso ba siya? Saan naman niya nahanap 'yong sa entertainer? May kaibigan ba siyang may-ari ng isang bar?

"Saan mo nahanap 'yong sa maid?" tanong ko bago kumagat sa tinapay.

"Sa pinsan ko, kay Aleza. Naghahanap daw kasi 'yong kaibigan niya ng maid," sagot niya.

"Ahh... Saan ako pwede mag-apply? 'Tska kailan?" tanong ko agad.

"Send ko sa'yo 'yong address mamaya, 'tska pwede ka nang mag-apply siguro bukas o sa mga susunod na bukas," sagot niya bago sumimsim sa inumin.

"Sa susunod na bukas na lang siguro, magbebenta pa 'ko bukas, eh," ani ko bago kinain ang natitirang sandwich.

Ang sarap! Parang gusto ko pa pero parang ayaw ko na rin dahil nabusog na 'ko sa pasta. Ang dami kasi ng serving nila. Babalik talaga ako dito, pero kapag may pera na 'ko ulit. Medyo mabigat sa bulsa ang mga pagkain nila, eh.

Loveless MarriageWhere stories live. Discover now