Chapter 50: When tables are turned

60.3K 3.3K 2.7K
                                    

50.

When tables are turned

Serenity

The scared and horrified look on tatang's face as he saw her bloody little girl clinging to life—Priceless. This is fucking priceless! I've waited for this moment far too long and now that it's really happening, it feels so fucking good.

"S-serenity anong ginawa mo sa anak ko?!" Sigaw ni Tatang at kasabay nito ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya. Ang tagal kong hinintay ang sandaling 'to, ang umiyak si Tatang dahil sakin... Ang masaktan siya.

"Yang nararamdaman mo ngayon? Mas malala pa diyan ang naramdamang sakit ng mga magulang ng biniktima niyo! How does it feel when the tables are finally turned huh?! Hurts like hell right?! Well this is just the beginning!" Pagmamalaki ko habang hindi parin natatanggal ang ngisi sa labi ko. Ugh, I just can't help but to smirk and show off.

Nagngingitngit siya sa sobrang galit at kasabay nito ang pag-agos ng luha mula sa mga mata niya.

I know how you feel bruh, you made me feel that pain so many times already.

Nagsimula siyang humakbang papalapit kaya naman lalo kong diniinan ang kutsilyo sa leeg ng wala paring malay na si Kerry.

"But Tatang, if you take a step again, I will have no choice but to slit your daughter's throat like a pig." Panunuya ko sa kanya habang naka-pout pa, "Ayaw mo naman sigurong makatay tong anak mo diba?" Dagdag ko pa saka ngumisi na para bang isang inosenteng nilalang.

Gouging Kerry's eyes out is not enough for what she did to Julia but then again I won't slit her throat... that would be too easy. And they don't deserve an easy death...

Nagulat ako nang bigla na lamang napahalakhak si Tatang. Wait whut.

"Serenity baka nakakalimutan mo? Hawak ko parin ang mga kaibigan mo... hindi ba't kaibigan mo sina Dustin Consulacion?" Panunuya naman niya na para bang pinagbabantaan ako.

Imbes na mabahala ay natawa na lamang ako, kinuha ko ang cellphone ni Tatang mula sa bulsa ko at ngumisi sa kanya, "I hate to break it to you Tatangina, but everyone's already free... I already fucked up your program.... Sucks right?" Pagmamalaki ko sabay pagmamayabang sa kanya ng cellphone niyang hawak ko na.

Sobrang bilis ng mga pangyayari, nagulat ako nang bigla na lamang akong sinugod ni Tatang. Sa sobrang gulat ko'y hindi na ako nakagalaw pa at nabitawan ko na ang kutsilyong hawak ko.

Namalayan ko na lamang na nakahiga na naman ako sa sahig pero this time, si Tatang na ang nakadagan at sumasakal sakin.

Kahit hindi niya ako sakalin, nahihirapan parin akong huminga. Ang laki niyang lalake, masyadong mabigat lalo na't nakaupo pa siya sa mismong sikmura ko. Pilit akong nagpupumiglas pero masyado talaga siyang malaki at malakas.

"Napakasama mong bata!" Sigaw ni Tatang at nagulat ako nang makitang may hawak na siyang isang scalpel.

"Hayop ka!" Napatili na lamang ako sa sobrang takot lalo na nang makita kong unti-unti niyang inilalapit sa mata ko ang scalpel. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang takot, shit katapusan ko na.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon