Chapter 13: Manifestations

59.1K 3K 859
                                    

13.

Manifestation

Third Person's POV

"Anak, we decided not to go through with the burial. We decided to cremate her so we could always be with her." Pigil ang luhang sambit ng ama ni Dustin sa kanya saka inilapag ang isang kulay puting urn sa mesang malapit lamang sa kanya.

Tumango-tango na lamang si Dustin habang pinipigilan ang luha sa pamamagitan ng pagngiti ng tipid. Nakaupo lamang siya sa kama niya, nasa ospital parin siya, hindi parin siya nakakalakad ng maayos dulot ng mga baling tinamo niya sa mga paa matapos ang aksidente.

"Bakit itinuturing niyo parin akong anak? Pinatay ko silang lahat," Tuluyang bumuhos ang luha mula sa mga mata ni Dustin pero nagpatuloy parin siya sa pagsasalita, "Dahil sakin... Dahil sakin namatay si Ate... Namatay ang anak at ang apo niyo dahil sa akin. Sinira ko ang pamilya ninyo. Dapat magalit kayo sakin."

Umiiyak na lumapit kay Dustin ang kanyang ina saka siya nito niyakap ng napakahigpit, "You made her happier more than we ever could. Nakagawa kami ng kasalanan sa kanya.... Ayaw naming maulit sayo ang pagkakamali namin sa kanya. We made our daughter so unhappy and it was you who saved her. All this time, ikaw ang pumuno sa mga pagkukulang namin sa kanya. Alam namin kung gaano ka niya ka mahal at kung gaano mo siya minahal. You loved her so much at alam naming hindi mo ginustong mangyari yon sa kaya.  Kirby, you may not be our biological son pero mahal ka namin bilang isang tunay na anak, don't ever doubt our love for you." Sabi pa nito kaya tuluyang napahagulgol si Dustin at napayakap ulit ng mahigpit sa ina.

"Anak, may mga nagawa kang krimen at kailangan mo itong pagbayaran. Hindi ka namin kukunsintihin pero sa kabila nito alam naming kaya mong magbago. Alam namin kung gaano ka kabuting bata, kayo ni Kirk, biktima lang kayo ng kasamaan ng tao kaya hindi kami susuko sa'yo. Anak ka namin at gagawin namin ang lahat para maituwid mo ang buhay mo." Sabi pa ng ama habang hinihimas ang likod ng anak.

"Patawarin niyo ako. Hindi ko sinasadyang madamay si Ate. Patawarin niyo ako." Paulit-ulit na sambit ni Dustin sa mga magulang gaya niya'y labis rin ang pagtangis.

****

"Dustin 'wag ka ngang umiyak! Ampanget-panget mo na!" Bulyaw ni Tammy kaya natawa na lamang si Dustin habang pinupunasan ang luha niya.

"Oo na! Oo na! Pero ate, sa tingin mo makakalakad pa kaya ako?" Nakangiting tanong ni Dustin habang tinititigan ang mga paa niyang mayroon pang cast at hindi pa niya naigagalaw.

"Of course you can! Remember those milk boxes na binibili ko sayo noong bata pa tayo? Yung pasalubong ko sayo everytime galing ako ng school? Rich in calcium ang mga iyon, strong ang bones mo for sure. Alagang Tammy ka kaya." Tumatawang sambit ni Tammy kaya natawa rin si Dustin.

"Alam mo ate, miss na miss na kita." Sabi ni Dustin saka unti-unting napatingin sa direksyon ni Tammy. Ngunit gaya ng inaasahan, mag-isa lamang siya sa kwarto. Wala siyang nakitang Tammy, sa halip, isa lamang urn kung saan nakahimlay ang abo ng dalaga.

Ngumiti si Dustin at kasabay nito ang pagtulo ng luha niya.

Kahit anong gawin niya, parati paring nabubuo sa imahinasyon niya ang kapatid hanggang sa maalala niya ang katotohanang, wala na ito.

Never Cry MurderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon