Chapter 4

32 4 3
                                    

Seryosong nakatingin si Ms. Medina sa mga estudyante niya. Hindi siya natutuwa sa resulta ng quiz nila sa tinuro niya kanina. Napapailing na lang siya habang nagpapalit-palit ang tingin sa test paper na hawak niya at sa mga estudyante niya.

"Common guys, saan ba kayo nahihirapan sa mga tinuro ko sa inyo at kahit simpleng formula ay hindi n'yo pa makuha?" malungkot na sabi nito. "Pagganito ng ganito ang resulta ng bawat quiz n'yo kinakabahan ako para sa second periodical exam ninyo!"

Pero ang lahat ay nakayuko lang at tila ayaw tumingin sa mga mata niya.

"Ikaw Danilo, I know your one varsity player but, kailan bang mag-suffer ng studies mo? Nang mga graded mo para d'yan?"

"I'm sorry ma'am medyo na busy lang po sa pagpa-practice. Alam n'yo naman mo na malapit na po interschool competition!" paliwanag nito.

"I know that you need to prioritize your game pero hindi mo rin dapat pabayaan ang pag-aaral mo. Have you seen this score?" sabay taas nito ng papel nito na may score seven out of twenty. 

Hindi naman naiwasan ni Nally tawanan ang score nito. 

"Isa ka pa, Ms. Giron. Are you proud for nine over twenty? This is bad, really bad!" halata sa boses ni Ms. Medina ang inis. 

Pasimple naman ni binilatan ni Danilo si Nally na kinaiinis naman nito.

" So ganito na lang since hindi kita maawat sa pagpapractice mo ng basketball, you need to have a study buddy!"

"P'wede po bang pumili kung sino?" nakangiting sabi ni Danilo.

Tumango naman guro bilang pagsang-ayon nito sa sinabi niya. Tumingin naman si Danilo sa likuran kong saan nakaupo si Adah na kasalukuyan busy sa binabasa. 

"I volunteer myself, ako po ang magiging study ni Danilo!" mabilis na sabi ni Nico.

Napangisi na lang si Danilo sa inasal nito, habang si Adah ay nagulat ng napatingin kay Nico sa bigla nitong pagvo-volunteer.

"Okay sige, inaasahan kong makikipag-cooperate ka Danilo kay Nicholas!"

"Ma'am ako din po, p'wede pong si Adah na lang maging study buddy ko?" mabilis na sabi ni Nally. 

"Sige, I'll give you all thirty minutes para makahanap ng kanya-kanya study buddies. Nicholas as a class president at nangungnuna sa class rankinng first grading pakiayos ang mga list ng names nang magkaka-partner. May kukunin lang ako sa office pagbalik  ko we will start again another subject!" paalam ni Ms. Medina. 

"Ma'am, question po!" pahabol ni Suzette. 

"Yes?" napahinto sa paglabas si Ms. Medina. 

"Okay lang ba na magdoble po or tatlo sa isang group?"

Nag-isip si Ms. Medina. 

"Sa bilang ninyo, posible nga na may tatlo sa bawat grupo. But make sure na mag-aaral kayo't hindi magdaldal. Saka Nicholas, you have the list ng class rank this first grading diba? Make sure na ang top twenty sa list ay hindi magkakagroup. Adalyn!" 

"Yes po, Ma'am!" sagot agad niya. 

"Since you are the second in the list, please help Nicholas to arrange the new seating arrangements. Sundan mo list na hawak niya. Ang grouping naman for study session, sayo na yun Nicholas, ikaw na bahala ayusin ang seating arrangement ng bawat grupo during study session time. Anything else?" tanong ni Ms. Medina.

Nagsitahimik ang lahat. 

"Mukhang wala nang question, punta muna ako sa office. Walang maingay!" seryusong sabi nito bago tuluyan lumabas. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Their StoryWhere stories live. Discover now