Chapter 2

31 3 3
                                    


Nakayuko siyang naglakad papunta likuran at umupo sa isang bakanteng upuan. Muli niyang tinitigan ang mga tao sa paligid niya. Nag-isip siya ng malalim at pilit inuunawa ang lahat ng bagay. Kung hindi siya nagkakamali bumalik siya sa nakaraan kung saan siya ay nasa third year highschool at makikilala niya si.. 

"This seat is taken, lipat ka sa kabila!" 

Napatingin siya sa lalaking nagsalita. 

"Nicholas!?" gulat na sabi niya. 

"Kilala mo ako?" balik na tanong nito sa kanya. 

"Ay mali, hindi ko dapat siya kilala!" napahawak sa bibig si Adah sa pagkakamali. Napa-straight siya ng upo at tumingin sa unahan para makaisip kung paano niya sasagutin ang tanong nito. 

"Wow, Nico, kilala mo si cute!" napatingin siya sa nagsalita. 

Kung hindi siya nagkakamali ito si Danilo. Danilo Tan Jr. ang kanila star player sa basketball. Iilan lang nakakaalam na close ito kay Nicholas dahil bihira itong mag-uusap sa eskwelahan. Magkaiba kasi ang personality ng dalawa. Kung si Nicholas ay tahimik at bihira makihalubilo sa tao. Si Danilo naman ay super love niya ang attention na nakukuha niya sa paligid niya. Sabagay gwapo ito, matangkad, magaling mambola.. ay mali, magaling sa bola at charming. Napangiti siya ng makita and signature smile nito. Lumalabas ang malalim na biloy nito tuwing ngumingiti. 

"I got her, Nicholas. Miss Cute, dito ka na sa tabi ko!" sigaw nito. 

"Naku, huwag kang papadala sa pagpapa-cute nito. Pa-fall lang ito, pero hindi ka naman niya sasaluhin!" mataray na sabi ng babaeng kararating lang din. 

Muli siyang napangiti, kilala kasi niya ito. Si Nally or Analita Geron and number one basher ni Danilo. Tumingin ito sa kanya saka ngumiti bago umupo sa tabi ni Danilo. 

"Wala naman hindi nakakakilala sayo Nico, sa galing po sa academic at palagi kang nagiging representative ng school. Sino nga bang hindi makakakilala sayo!" sabi ni Nally.

"Oo nga, kilala ka kasi sikat ka school. Marami nakakakilala sayo dahil matalino ka at gwapo?" hindi niya napansin na patanong ang pagkaka-deliver niya sa salitang gwapo. 

"So, hindi ka nagwagwapuhan sa akin?" balik na tanong ni Nico. 

"Ano, kasi.." tanong na sagot niya dito.

Saka niya narinig ang tila tuksuhan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Napatingin siya sa mga ito saka yumuko, tila ata bumalik din ang pagiging mahiyain kasabay nag pagbabalik niya sa nakaraan. 

"Hindi mo naman kailangan sagutin yung tanong ko. Ang p'wede mo lang gawin ay lumipat ka sa kabilang upuan para makaupo na rin ako!" sabi nito sa kanya. Dali-dali siyang tumayo at umupo sa kabilang upuan, hindi pa rin niya inaalis ang bag sa likuran niya. Nakatingin pa rin siya kay Nicholas na kasalukuyan inaayos ang mga gamit nito sa upuan. Nakita niya rin naglabas ito ng makapal na libro. Human anathomy, napangiti siya sa nakita. Hindi niya napansin na napatingin si Nicholas sa kanya. 

"May nakakatawa ba?" masungit na tanong nito. 

"Ang sungit talaga!" sabi niya sa sarili niya. 

Nakatingin pa rin ito sa kanya na tila sa naghihintay sa sagot niya. 

"A-e... wala naman!" palusot niya.

Nakataas ang kilay nito habang naghihintay sa sagot niya.Nagkatinginan sila as in eye to aye. 

"Uy, tama na yan malalgkit na tinginan na yan, nadyan na si Ma'am!" sigaw ng isang kaklase nila. Dahilan para matigil ang tinginan nila at saka sabay tumingin sa harap kung saan nakita niya ang kanilang teacher. 

Their StoryWhere stories live. Discover now