Chapter 1

57 4 1
                                    

Isa-isa pinagmasdan ni Adah ang mga mga pangalan ng mga doctor sa may pintuan. Napangiti siya nang makita ang hinahanap niya. Kumatok siya rito at may nagbukas na isang babaeng nasa mid-thirties na siguro ang edad.

"Hello po, nand'yan po ba si Doctor Lorenzaga?" tanong niya babae.

"Naku Miss, wala pa. May biglaang operation si Doc, kaya siguro maya-maya pa siya makakababa dito. May appointment ka ba sa kanya? Anong pangalan mo?" tanong nito.

Nakita niyang kinuha nito ang isang folder na may nakalista na  madaming pangalan. Napangiti siya, "Napaka-indemand naman pala ng loko!" sabi niya sa isip.

"Miss, anong pangalan mo?" tanong muli nito sa kanya habang naghihintay sa isasagot niya.

"Adah po, Adalyn Anne Cervantez po!" sagot niya.

Napatingin ang babae sa kanya. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at pagkatapos bumalik ang tingin nito sa mukha niya at nang ma- satisfy ito sa nakikita saka nagpaskil ng magandang ngiti.

"Ikaw pala ang great Adah!" sabi nito na tila satisfied naman sa nalaman at nakita nito.

"Ano po?!" naguguluhan tanong niya.

"Ah wala, expected visitor ka ni Doc Lorenzaga. Katunayan nga n'yan binilin niya na patuluyin ka sa k'warto niya pagdumating ka. Halika!" aya nito sa kanya.

Lumabas sila sa opisina ni Doc naglakad salit at nakita niyang pumasok ito sa isang pintuan saka binuksan ang ilaw. Sumunod siya rito at pumasok rin. Tumambad sa kanya ang isang silid na parang condo style. Merun itong isang kama, cabinet sa kabilang gilid ay may office table kung saan nadoon ang laptop at maraming librong na maayos na nakasalansan. Makikita mo rin sa mga librong may mga makukulay na bagay naka-ipit. "Post it very typical,Nicholas" napapailing na lang siya habang nakangiting iniisip ang lalaki.

Muli niyang inikot ang paningin sa paligid at nakakita siya ng isang pinto. Tapos sa gilid malapit sa pintuan pinasukan nila ay mini-pantry kung saan nandoon ang microwave, mini ref at mga pagkain instant.

"Dito ka muna, malamang pagtapos ng operation ni Doc, dito yun didiretso para maligo!" sabi ng babae.

Napatingin siya rito at nakita niyang binalik nito ang remote ng aircon sa lalagyanan malapit sa switch ng ilaw.

"Salamat---"

"Regina, pero Gen na lang. Assistant ako ni Doc Lorezanga!"

"Salamat ulit, Gen!" ulit niya.

"Matagal ka ng kinukwento sa amin ni Doc, kaso akala namin drawing ka dahil never ka naman nagpakita rito!" nakangiting sabi nito.

"Si Nico, magkukuwento? Parang malabo naman ata iyun. Ni hindi nga yon palakibo pera na lang kung nagbago na siya!" hindi makapaniwalang sabi niya.

"Minsan kasi pagmaganda ang mood ni Doc, or bigla ka niyang naalala sa mga bagay nakikita niya paligid hindi niya maiwasan bagitin yung pangalan mo.So madaming na-curious kung sino ka, kaya naman kinukulit namin siya kung sino ka sa buhay niya.  Kaya naikuwento niya kung paano kayo nagkakilala, yung mga bagay na gusto mo, paano kayo naging-close at kung anu-ano pa. Pero madalas seryoso talaga siya, akala mo nga napakasungit pero mabait naman!"

Nakangiting lang siya sa kinukwento nito.

Si Nico or Nicholas John Larenzaga at typical na tahimik na tao. Pili lang kinikibo nito noong high school sila kung hindi ka naman relevant sa kanya dedma lang peg nito. Siguro nga kung hindi sila naging seatmate noon baka hindi rin siya nito nakilala at naging-close.

"O siya Ms. Adah, maiwan na kita kailangan ko ng bumalik sa office ni Doc. Baka may dumating bigla na pasyente medyo strict pa naman si Doc,  lalo na't pagdating sa trabaho!" sabi Gen.

Their StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon