CHAPTER 1

1.1K 13 1
                                    


CHAPTER 1

"And the winner is...Gail Allysa Veron!"

Pag-aanunsiyo ng emcee sa ginaganap na pang bansang pageant kaya naman halos lahat ay nagtitilian para kay Gail.

Nang makaalis sa stage matapos ang coronation ay dumiretso na agad si Gail sa kaniyang dressing room na sinundan naman nag kaniyang ina.

"What was that Gail?"

"What again?"

Walang ganang sambit ni Gail sa kaniyang inang halos umusok ang ilong sa inis.

"You snob the media men! Hindi mo ba alam na mas tataas ang tingin nila sa iyo once naging mabait ka sa kanila!"

"And why do I need to do that?"

"Dahil may career kang dapat alagaan!"

"Career...sa akin nga ba? O sa inyo?"

Walang ganang sambit ni Gail na makikita pa rin ang pagiging tahimik nito at kaseryosohan sabay iniwan ng mag-isa ang kaniyang ina sa loob ng dressing room.

Nang makapalit ng damit at nagsuot ng cap upang makatakas sa mga media na nag-aabang sa kaniya ay mabilis siyang naglakad-takbo hanggang sa makalabas ng building.

Pakalabas na pakalabas ay napaangat siya ng mukha sabay ipinikit ang mata at dinama lang ang simoy ng hangin sa mukha niya.

"Peaceful..."

Mula sa oras na iyon ay umalis siya at tuluyang iniwan ang career na gusto para sa kaniya ng kaniyang ina.

One year after...

"Wala nang pwedeng humawak kung hindi ikaw!"

"Paano niyo ako natunton?"

"Alam ko naman palagi kung nasaan ka pero hinayaan kita but this time...ikaw lang ang nag-iisang anak ni Mario kaya wala ka nang magagawa kung hindi hawakan ang kumpaniya!"

Titig na titig si Gail ngayon sa kaniyang ina na nasa pintuan nang biglang dumating ang isang babae na hindi kilala.

Napatitig mula ulo hanggang paa ang kaniyang ina sa babae na may makapal na make up at may matapang na amoy ng pabango.

"And who are you?"

Taas kilay na tanong ng nanay ni Gail.

"Ako!? Aba ako ang pinatawag niyo rito para sa serbisyo ko tapos ako pa magpapaliwanag?"

"Serbisyo? Who need the service of woman like you!?"

"Mom!!! Enough!!!"

Sigaw ni Gail sabay hatak sa babae papasok ng kaniyang condo at iniwan ang kaniyang ina na sinarahan niya ng pinto.

Nang makapasok silang dalawa sa loob ay mulat na mulat ang mata ng babae nang makita ng malapitan si Gail.

"Sandali...kilala kita!"

Hindi naman sumagot si Gail at dumiretso lang sa kaniyang couch at umupo nang nakade-kwatro sabay titig sa babae.

"Who I am is not important. Just do your fucking job!"

"Ang taray mo naman! Grabe attitude mo girl para sa isang beauty queen ah!"

"Do I look like one? Seriously mukha pa rin ba akong beauty queen sa paningin niyong lahat!"

Iritadong sambit ni Gail sabay sapo ng kaniyang straight at mahabang buhok.

"Sa ganda ng mahaba mong hair at liit ng fes mo eh oo! Mukha ka pa rin beauty queen except lang sa pananamit mo"

Love Hate then getting LaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon