epilogue

31.4K 608 29
                                    

epilogue

"I need to go to work now."

Magpapaalam na sana si Travis nang mabilis na hinabol siya ng asawa at niyakap sa bewang para pigilan ito.

She pouted. "Ayy, Travis. Bukas na, samahan mo muna ako!!" She put her head on his back.

Travis gently held her hands and he faced her and cupped her face lovingly. "Baby, ilang araw na akong walang pasok sa trabaho. Yaya is here naman para bantayan ka,"

She pouted even more. Naluluha na yumuko si Lily. "Mas mahal mo ba ang trabaho mo kesa sa akin?" pagtatampo ni Lily.

"No! Of course not. Why do you say that? It's just that two weeks na akong wala sa trabaho, at nareschedule na ng sekretarya ko ang meetings ko. Dad and I agreed na magle-leave ako ng two weeks lamang, diba?" he reasoned out to her, hoping she would understand.

"Sige, magtrabaho ka na! Tsk!" inis na sambit ni Lily at humiwalay sa lalaki.

Papunta na sana ito nang kusina maramdaman niyang ang mister naman nito ang yumakap sa kanya mula sa likod at hinaplos ng marahan ang tiyan ng misis.

"Okay, okay. Hindi na ako papasok," Pagsuko ng lalaki sa asawa niyang nagtatampo.


Buntis si Lily. Huling buwan na niya ito at alam niyang malapit na ang araw na manganganak na siya. Sa loob ng mga buwan ng pagbubuntis, naging mabuti naman ang buhay mag-asawa nila. Kahit laging subsob sa trabaho si Travis, inaalagaan parin siya nito at binibigyan ng oras. Lagi itong pinapakita kung paano niya kamahal ang babae.

Sa mga nakalipas na mga buwan, lagi niyang nakikita ang pabago-bago na mood swings ng asawa. Mabilis ito iiyak sa mga simpleng bagay. Araw-araw rin ito kumakain ng mga nasabing pagkain. Medyo nahihirapan pa si Travis, napakainin ito ng mga gulay na ayaw kainin ng asawa. Kung gusto naman pakainin ito ng mga prutas, ginagawan nalang niya itong shake para hindi magreklamo. Lagi ring umiiyak ang misis dahil sa tingin nito ay naging baboy na siya.

Kumuha pa ito ng two-week leave sa trabaho para bantayan ang buntis nitong asawa sa huling buwan nito. Laging umuutos si Lily na bilhan siya ng mga iba't ibang pagkain na tinatakam niya at ang dalawang sanggol sa sinapupunan nito. Kahit sa madaling araw, nagugutom pa rin ang asawa at kahit inaantok, binibili pa rin ito ni Travis para sa pinakamamahal.

At ngayo'y tapos na ang dalawang linggong pagkawala niya sa trabaho, nagrequest na naman ito na ipapabukas nalang. Syempre kahit gusto na niyang pumasok sa trabaho, mas gusto niyang pagsilbihan ang asawa. Siya naman ang boss sa hotel.

Humiwalay ang babae sa kanya at humarap. Sumigla ang mga mata nito. "Really? Hindi ka papasok ngayon? You'll stay here with me?" sumigla ang diwa ng babae sa narinig. Kanina lang ay naiiyak na ito, pero nagbago na sa nalaman.

Iginaya siya ng asawa sa sofa. Magkatabi silang umupo. "Yes, I'll stay. Sit there. What do you want to eat? I'll cook,"

Kahit alam na ni Travis ang mga pagkain na ihihingi ng asawa, tinanong niya pa rin. Nagbabakasali siyang umiba ang taste ng asawa.

"Uhm..." Inilagay pa ang hintuturo nito sa baba. "Gusto ko ng spaghetti, magnum ice cream, waffles, mango float, mango shake at burger at manggang hilaw pa pala, nakalimutan ko,"

Napalunok si Travis sa narinig. Nagsisi siya kung bakit pa siya nagtanong sa buntis kung ano ang gusto nitong kainin. Hindi niya alam kung kaya niya bang ihanda ang mga iyon sa maliit na oras lamang. Kilala niya ang asawa. Sa mga buwan na pinagsilbihan niya ito, ayaw niya ang pinaghihintay, lalo na ang pagkain. Nagtatampo agad ito kapag natagalan ang pagkain.

Lust Has No Mercy [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt