Dos

18 2 0
                                    



Dos

"Zena?" isang tawag na nagpabalik sa akin sa realidad.

Nilingon ko si Jao at sinenyasan na sandali lang. Tumango naman siya kahit naguguluhan sa inaasta ko.

I cleared my throat before saying, "What's your order, sir?" sabi ko habang nakatingin sa monitor.

I can do this. I've practiced this the whole time. Napaghandaan ko ito dahil ilang beses na sumagi sa isip ko na kung sakaling magkita kaming muli ay hindi ako magpapaapekto sa kaniya. I can do this. At least that's what I'm trying to do now.

"Sir?" sabay angat ko nang tingin sa kaniya dahil hindi siya sumasagot sa akin. 

I almost lost it the moment our eyes met. Seryosong nakatitig lang siya sa akin habang ako ay halos manghina sa aking kinatatayuan. 

No. I have to do this.

"Your order, sir?" I repeated.

Hindi pa rin niya inaalis ang titig niya sa akin, "The usual." sabi niya na lalong nagpakaba sa akin. Automatic naman akong tumango habang nanginginig akong pinindot ang isang cafe americano sa screen.

"Oh, regular ka rito, sir?" tanong ni Jao na lumapit na sa akin at nakiusisa na.

Lumipat ngayon ang titig niya kay Jao, "No, it's my first time here."

"Ah, oo. Regular customer natin siya." sabay bawi ko dahil magtataka si Jao na alam ko ang order niya. Ayaw ko na magpaliwanag kaya naman nagsinungaling na ako.

Ngumiti ako nang pilit para maipakita na walang nangyayaring gulo sa kaloob-looban ko. "That will be one hundred sixty five pesos, sir."

Naglabas siya ng black card at inabot sa akin. Wala ba siyang cash? Ang mura mura lang ng purchase niya, aabutan niya na ko ng black card? Okay lang ba siya? Pairap kong iniswipe ang card niya at agad binalik sa kaniya ito.

"Upo muna kayo, sir. Prepare ko lang yung coffee niyo." sabi ko habang hindi tumitingin sa kaniya. Pumasok agad ako sa kitchen at iniwan doon sa counter si Jao.

"One cafe americano, to go." sigaw ko sabay diretso sa comfort room for staffs.

Sinarado ko agad ang pintuan at humilig dito. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago humarap sa repleksyon ko sa salamin.

What the hell is happening?

Bakit bigla na lang siyang sumulpot ngayon? After six years?

Lumapit ako sa sink at tinitigan ang sarili sa salamin.

Bakit nga ba ako apektado? Dapat hindi na, dahil matagal na nangyari ang lahat. Akala ko ba nakamove na ko? Move forward pa nga diba? Kaya dapat wala na lang sa akin ito. Tama. Hindi na ikaw ang dating Zena.

Hindi na ikaw ang iyakin na Zena.

❇❇❇❇

Tinitigan ko ang sarili sa salamin at namumugto ang aking mga mata sa kaiiyak magdamag. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Umuwi ako nang nagmamakaawa kay kuya Edgar na 'wag sabihin kay daddy ang nangyari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reason Why You Left MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon