Prologo

43 2 0
                                    



Prologo

"Uno, dos, tres..."

"Sige nga, anong kasunod niyan?"

"Uhm, let's see. Uno, dos, tres, singko? Did I get it right?"

"Mali, cuatro! Ano meron sa cuatro at lagi mong nakakalimutan?"

"Sorry naman! Hanggang tres lang kasi naabutan ko lagi kay Dora." 

"Si Dora na naman ginawa mong dahilan. Kumain na nga lang tayo, ihahatid pa kita sa inyo."

"Zena! Gumising ka na dyan at alas cuatro na ng hapon! Gumayak ka na para sa trabaho mo." sigaw galing sa baba ang nagpagising sa aking mahimbing na pagtulog.

"Opo, tita!" sagot ko naman. 

What was that dream all about? It's not the first time I'm having those dreams. Actually, is that even considered a dream, when it all happened in the past? Why does it keep haunting me? It's been years and I want to put it all behind the past.

Napatulala ako sa kisame na hindi naman kagandahan sa paningin. Marumi at may kalumaan na ang bahay ni tita pero okay pa naman tirhan. Wala naman akong karapatan magreklamo dahil libre na nga akong nakikitira rito.

Well, hindi rin naman ako nagrereklamo dahil hindi naman din ako maarte. Hindi nga lang ito ang nakasanayan kong bahay pero okay na ako sa ganito.

Sa totoo lang, hindi ko na rin alam ang mararamdaman ko sa mga nangyayari sa buhay ko. Masyado na ata akong manhid or nasanay na lang ako na makuntento sa kung anong mayroon ako ngayon sa buhay.

It's like I'm surviving this world with an empty shell body. I'm at the point in my life where "It is what it is" became my motto.

With my current life, there's no space left for reminiscing about the past. There are no what-ifs. There is no room for regrets. Just keep moving forward. I, at least need to survive because that is what my parents told me to do before they left me. 

And I am barely living just to fulfill that.

That's why there's no need for me to hold on to that dream of mine. Past is past. It's just a piece that I need to forget in order for me to move forward. Even if it still hurts, I need to bury it down. So that I wouldn't crumble.

"Zena, bangon na! Maraming customer ngayon." Muling sigaw si tita.

"Opo, ito na po." bumangon na ako sa pagkakahiga at dumiretso na agad sa banyo para maligo. May kalakihan naman itong bahay ni tita. Hindi ko nga inaasahan na bibigyan nila ako ng kwarto na may kasama pang bukod na banyo dahil alam ko namang marami din sila rito. 

Apat halos ang pinsan ko sa kaniya. Samantalang ako ay nag-iisang anak lamang ng aking mga magulang. Si tita ay kapatid ng aking ina na nakatira rito sa Baguio.

Hindi kami madalas magpunta noon dito dahil nasa Manila ang buhay namin. I've been here twice in my entire life but that changed when everything went downhill.

The Reason Why You Left MeWhere stories live. Discover now