Uno

19 2 0
                                    



Uno

"Miss Zena, gising na po."

"Mmmm."

"Papasok ka pa. Bangon ka na 'nak."

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at liwanag ng araw ang bumungad sa akin. I grunted. I really hate waking up by the light. Kaya nga kapag natutulog ako ay nakapatay lahat ng ilaw. 

Alam na alam talaga ni Manang Debi kung paano ako gisingin.

"Last year mo na 'to sa senior high at magkakacollege ka na rin. Kaya bumangon ka na dyan at naghihintay na si Edgar sa'yo." ang tinutukoy niya ang driver namin na matagal nang nagseserbisyo sa amin.

"Opo, manang." sabi ko sabay kuha sa aking cellphone.

Binuksan ko iyon at agad na in-open ang messenger app. Madami ang bumungad na messages sa akin. Isa isa ko iyong binuksan at agad na nagreply.

Karamihan ay galing sa mga friends ko, ang iba naman ay sa mga lalaking hindi ko kilala na sumusubok manligaw sa akin. 

Hindi ko pinansin ang mga iyon. Mahigpit kasi akong pinagbawalan ng parents ko na 'wag muna magboyfriend hanggang gumraduate sa senior high. Malaki ang takot ko sa magulang since bata pa ako dahil may pagkastrikto sila sa akin lalo na't nag-iisang anak nila ako.

Wala din naman sa isip ko ang magboyfriend pa kaya ayos lang sa akin. Binuksan ko ang message galing kay Jiya, na siyang bestfriend ko. Nag-aaya na lumabas after class. Um-oo naman agad ako dahil first day of class namin ngayon at hindi ko siya halos nakasama noong bakasyon dahil nagpunta sila sa Canada ng kaniyang pamilya para magbakasyon.

Samantalang ako ay nastuck lang sa bahay dahil busy ang parents ko sa business namin. Hindi naman nila ako pinagbabawalan sa mga gala ko pero hindi ako lumalabas kapag hindi kasama si Jiya sa lakad.

Wala naman talaga akong ibang kaibigan bukod sa kaniya. Nadadamay lang ako sa mga group of friends niya dahil sinasama niya lang ako. I'm an introvert person so mingling with other people is not my cup of tea. But I act like I do.

I enjoy reading books and watching movies. That's all. I don't have any hobbies. Tried doing ballet but it's not for me. I do well in academics and I bake a little. Still, I do not consider it a hobby.

"Bangon na." kalmadong paalala ni Manang Debi habang nag-aayos ng aking kama.

"Opo, ito na po." nilagay ko ang phone ko sa side table at bumangon na.

Nagstretch ako saglit at napatingin kay Manang Debi. Simula pagkabata ay nandito na siya sa amin. Siya halos ang nag-alaga at nagpalaki sa akin. Kadalasan kasi wala ang mga magulang ko kaya siya ang nagbabantay sa akin. Hindi rin ako madalas makisalamuha sa mga batang kaedad ko kapag dinadala ako sa park.

Nagkaroon lang ako ng kaibigan nang lumipat sa katabing bahay namin sila Jiya. Simula't sapul, outgoing na itong si Jiya. Napakabibong bata at talaga namang nakakaaliw siyang kasama. Kaya hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami.

Marami siyang kaibigan pang iba at madalas din ang kaniyang paglabas. Minsan lang ako sumama dahil hindi ko kinakaya ang energy niya lalo na noong nagsenior high na kami. Madalas na ang pagpunta nila sa bar at hindi ko masyadong nagustuhan ang lugar na iyon. Madaming tao at pakiramdam ko hindi ako nakakahinga roon.

The Reason Why You Left MeWhere stories live. Discover now