Chapter 8.4

32 0 0
                                    

(Condo Unit)

Pagdating ko sa condo ng dotaholic kong bf.

"Hi Ba--" bago pa nya matapos yung pagbati nya, nagsalita na ko

"Ano ba yung pag-uusapan natin?"

"Gumaganda at sumisexy ka baby ah!"

"Look Hanji, hindi to ang time para sa bolahan pwede?"

"Chill baby, meron ka ba ngayon? HAHAHA" aba! Nagawa pang tumawa. Psh

"What's funny? Ano bang pag-uusapan natin?"

"Okay sorry baby. Eh bakit ba kasi ganun yung text mo sa akin kanina? May problem ba?"

"Problema? IKAW! IKAW ang problema dito Hanji!"

Hanji's reaction -----> O_______O "Ako? Bakit naman baby?"

Aba! Nagawa pang magtanung nito, insensitive talaga eh. "Bakit? Hindi ka talaga makaramdam nu? Ang problema kasi sayo, mas binibigyan mo ng time ang pagdodota mo kaysa sa akin na gf mo!"

"May time pa naman ako sayo baby eh"

"oH c'mon Hanji! Wag ka ngang magpatawa! Time ba kamo? Wala ka ngang inatupag kundi pagdodota eh."

"No baby, iniisip mo lang yan"

"Wow ha? So kathang isip ko lang yung mga yun? 1st monthsary natin, hindi ka pwede kasi may tournament kayo sa dota, pinalampas ko yun, tapos yung 2nd monthsary natin, nalate ka sa date natin dahil tinapos mo pa yung pagdodota nyo! Oh ano tawag mo dyan? Gawa gawa ko lang?"

"......"

"See? Wala kang masabi, kasi tama ako, mas binibigyan mo ng time yang pagdodota mo kaysa sa akin."

"Okay, I'm sorry baby, babawi na ako sayo this time" tapos hinawakan nya yung kamay ko pero bigla kong inalis yun.

"Babawi? Pang-ilang sabi mo na yan ah. Tama na Hanji, I'm tired of being your second priority."

"Baby, last chance please?" then lumuhod sya sa harap ko.

"Alam mo, baka nga pag pinapili kita kung Dota o Ako? Baka Dota pa ang piliin mo eh. Kaya tama na to Hanji. Tapusin na natin to"

Biglang tumayo si Hanji. "NO GIA! HINDI PWEDENG MATAPOS TO NG GANTO GANTO LANG!" sa sobrang gulat ko sa pagsigaw ni Hanji, bigla akong napaatras.

"Ano ba! Walang patutunguhan to Hanji!"

Bigla akong hinawakan ni Hanji sa balikat at sinandal sa pader, galit na galit yung reaksyon nya. Aba! Ang kapal naman ng mukha nya para sya pa yung magalit ng ganto.

"ANO BA HANJI! BITAWAN MO NGA KO!" imbes na bitawan nya ako, hinigpitan pa nya yung pagkakahawak sa akin. Amp! "ANO BA! NASASAKTAN AKO HA!"

"MAS MASASAKTAN KA PAG HINDI MO BINAWI YUNG SINABI MO!" aba! Sinusubukan ako ng isang to ha!

"HINDI KO BABAWIIN YUN! KAYA LET GO OF ME!"

"NO GIA!" then he started kissing me, pumapalag ako pero hindi ko magawa. Hindi pwepwedeng magpatuloy pa tong pang-mamanyak nya, baka mamaya makuha pa nya ang pinakaingat ingatan ko.

Dahil black belter ako sa Taekwondo at may pagkamean, I hit him sa pinakasensitive part nya. Saan pa ba? Eh di sa toooot . Oh! Rated SPG na yun. Haha. Bigla syang napatigil sa paghalik at napahawak dun sa tinamaan ko.

*boogsh* *paaaaaak* *paaaaaak* "PARA YAN SA GINAWA MONG PANG-MAMANYAK SA AKIN!"

"Sorry Gia, nagawa ko lang naman yun kasi--"

"Kasi MANYAK ka! By the way, wag ka mag-alala hindi kita kakasuhan sa kamanyakan na ginawa mo. It's OVER Hanji, kung baga sa dota FIRST BLOOD na! Bye! " then i left him inside his condo unit.

After I left Hanji, pumunta na ako sa car. Para akong ewan sa parking lot, almost 15 minutes akong nakahang. Ni hindi ko man lang nga naisipang i-start yung kotse eh.

Bwisit na Hanji na yun. After kong magpakamartir sakanya pagsasamantalahan pa nya ko. Amp!

I get my phone, and dial Raven's number.

*kring kring*

"Hello." sabi ko pagkasagot ni Raven ng call.

"Uy miss sungit, bakit ka napatawag?"

"Uhmm, busy ka ba ngayon?"

"Hindi naman, wala naman kaming gig ng banda eh. Bakit?"

"Kasi..."

"Oh bakit parang ang tamlay ng boses mo?"

"Pwede mo ba akong samahan? Gusto ko lang ng makakausap."

"Sure, san ka ba ngayon? Puntahan kita"

"Kita nalang tayo sa may Eastwood"

"Sige. Kita kits nalang."

then I hang up the phone. Nagtataka siguro kayo bakit hindi sila Breezy ang tinawagan ko? Alam ko kasing pag sakanila ako nag-open up about what happened sa condo ni Hanji, baka sugurin lang nila yun dun, and i don't want that to happen, kasi ayoko na ng gulo.

Pinaandar ko na yung car then pumunta na ng Eastwood.

Flirtationship meets KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon