Chapter 8.1: The Goodbye Kiss and The Break Ups

45 2 0
                                    

[A/N: to my Silent Readers, sorry if late na ko mag-update, busy lang talaga. Please press the button "VOTE" if like nyo yung story ko ha? Para naman may inspiration ako na mag-update agad agad. Thanks! Enjoy reading guys!]

___________________________

[Aisah's POV]

After namin mag-usap ni Marky, hindi na nya ako tinetext o kaya tinatawagan. Hais. 1 week na din ang lumipas. I miss him badly! Kahit GMs na sakanya ko lang sinesend, walang epek eh. Mukhang tototohanin na nya yung pag-iwas nya sa akin.

*Flashback*

After kami iwan ni bebong, nagpunta kami sa isang park na malapit dun sa bar.

Pagdating namin ng park, pinaupo nya ako sa isang swing habang sya nakatayo lang, hindi sya makatingin sa akin ng diretso. Sa baba lang lagi yung tingin nya. Hello? Andito kaya ako! Wag puro sahig tignan mo.

Hindi rin sya nagsasalita, ano to? Dito lang kami hanggang mag-umaga? Ang lamok ha! Mauubusan ako ng dugo dito. Tsk

"Ais" ayun! Nagsalita din sa wakas, kala ko gusto na nyang mapanis laway nya eh "may sasabihin ako.." ops! Tama na ang kalokohan Aisah, seryoso yung tono ng pananalita nya "..alam ko naman na iniiwasan mo na ako eh, kahit naman itanggi mo ramdam ko." habang sinasabi nya yun napansin kong umiiyak na siya. Hais! Sorry Marky. I don't want to hurt you. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko kay Ray? Amp!

"Mar--" bago pa ko matapos sa sasabihin ko, bigla nya akong niyakap. Grabe kahigpit yung pagyakap nya, halos hindi na ko makahinga.

"Ais .." bigla syang napahagulgol sa pag-iyak. Waa! Hindi mo dapat ako iniiyakan Marky, dapat nga kinamumuhian mo na ko dahil sa ginawa ko. ".. kahit mahirap para sa akin tong gagawin ko" gagawin mo? Ano yun? Waaa! Wag mo ko hahalayin. Ay ang O.A mo talaga Aisah! Umiiyak na nga yung tao ang dumi pa din ng isip mo! "lalayuan na kita." what? Lalayo na sya?

"La-lalayo ka na?" hindi ko na napigilan sarili ko, tumulo na din luha ko. Mukhang hindi ko kakayanin paglumayo sya. Ang selfish ko ba? Eh kasi naman, gusto ko si Marky, pero di ko sya mapili. Ang tanga ko nu? Nagpapakatanga ako sa isang tao pero may tao naman na handa akong mahalin ng todo. Psh

Humiwalay sya sa pagkakayakap at hinawakan nya ang mga balikat ko, kitang kita ko ang pagtulo ng luha nya. Para naman akong tinotorture sa nakikita ko. Marky, wag ka na umiyak, nakukunsensya lang ako lalo eh. "Aisah, hindi na kita kukulitin pa, mahirap man sa akin na lumayo, kakayanin ko." tuloy tuloy pa din ang pagluha nya, ano ba naman yan Marky! Don't cry. "Bye Aisah" then hinalikan nya ako. Alam nyo kung saan? Sa lips. O____O

After nya kong halikan, pinunasan nya luha ko at saka sya umalis. 

Bigla akong napahawak sa lips ko. "That kiss? I think it's a goodbye kiss."

Habang tinitignan ko syang papalayo sa akin, hindi ko maiwasan ang maluha.

*End of Flashback*

Siguro nga, tama lang na umiwas na si Marky sa akin. Nagiging makasarili na ko masyado, gusto ko ako lang masaya. Hindi naman pwede yun, may karapatan din naman sya na sumaya eh at alam kong hindi sya sasaya, puro sakit na nalang nabibigay ko sakanya eh.

*sigh*

Flirtationship meets KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon