Chapter 2.1: The Gig

57 0 0
                                    

Pagdating ko ng bahay.

"Oh anak, andyan ka na pala." bungad sa akin ni mama. Himala hindi sya sumigaw?

"Oo ma, andito na ang pogi mong anak."

"Kumain ka na ba?" mukang wala sa mood si mama? Bakit kaya? Ano kayang nangyare?

"May problema ka ba ma? Bakit parang ang lungkot ng muka mo?"

"Yung ate mo kasi" oo nga pala, may kapatid akong babae. Tatlong taon agwat naming dalawa.

"Bakit ma? Ano ginawa ni buday?" yun tawag ko kay ate. Ano kaya ginawa nun at ganto si mama ngayon? Hmmmm.

"Buntis ate mo." HA? Ano daw? Buntis si buday? Oh no! Di napigilan ang temptasyon.

"Ha? Sino naman ama nun ma?" Di talaga ako makapaniwala eh.

"Yung boyfriend nyang nagpupunta dito"

"Eh db, wala naman trabaho yun ma? Pananagutan ba naman nya si ate? Eh mukang wala naman sya ipapalamon sa magiging mag-ina nya" eh ewan ko ba naman kay ate, sa wala pang trabaho sya nagpabuntis.

"Pananagutan naman daw eh" pananagutan naman pala, tas kung makapag-emote tong nanay ko eh. Emoterang tunay!

"Nako ma, hayaan mo na nga si ate. Matanda na sya, alam na nya gagawin nya" dahil malapit na kong mairita, umakyat na ko sa kwarto ko.

Nagpalit lang ako ng damit at aalis na papuntang gig.

Pababa na ko ng hagdan nang ..

"Oy Raven." napalingon ako sa nagsalita.

"Oh buday. Sabi ni mama buntis ka daw ah. Di nakatiis? Hahaha" biro ko kay ate. Close ko to eh. Kaya ganun ko na lang sya kausapin.

"Oo buntis nga ako. At ikaw ha, aalis ka na naman! Gabi na oy!" etong si ate, daig pa si mama minsan eh. Di pa nasanay na umaalis ako ng bahay at nagpupunta sa mga gig.

"Gabi na nga, kaya nga madilim na eh, at ikaw matulog ka na nu. Makakasama yan sa pamangkin ko. Kaya hala! Matulog ka na" sermon ko kay ate, makalusot lang sa mga sinabi nya.

"Ikaw tala--" bago pa matapos ni ate sasabihin nya, tumakbo na ko palabas ng pinto.

Paglabas ko ng gate namin, nakita ko si Bebang.

"Oy bebang!" bati ko sakanya. Oo nga pala, sya yung bestfriend ko. Tawag ko lang sa kanya yung bebang. Aisah Chan name nya.

"Oy bebong, san ka pupunta?" Bebong naman tawag nya sa akin. Ewan ko ba naman dito yun naisipan itawag sa akin.

"Punta ko sa gig namin. Sama ka?"

"Gabi na ah!" kelan naman nagkarun ng gig sa umaga? Joke tong si bebang eh.

"San ka nakakita ng naggi-gig ng umaga? Hahaha" pang-asar lang.

"Tse! Ang sama mo talaga! Eh san naman banda yung gig nyo ha?

"Sa may Q.C., sama ka?"

"Sige. Nakakatamad sa bahay eh."

"Tinatamad nga ba? Eh mukang nag-away na naman kayo ni Ray eh. HAHAHAHAHA"

"Kung aasarin mo lang ako RAVEN DE GUZMAN, uuwi na lang ako." ang pikon nito. Palibhasa tama ako ng hinala eh. Hahahaha

"Joke lang naman eh, sama ka na dali. Para naman di ka mag-emo dun sa bahay nyo" biglang pout naman ni bebang at tumingin ng masama sa akin. Tatahimik na nga ako, baka masapak ako nito.

Aun, sumakay na kami ng taxi papunta sa venue ng gig ko.

Pagdating namin sa venue

"Raven!" tawag sa akin ni Gabe habang sinesenyas nya kung san sila nakaupo. Si Gabe nga pala yung drummer ng band namin.

Pumunta naman agad kami ni Bebang sa pwesto ng mga bandmates ko.

"Naks, bagong chix na naman pre ah" asar naman sa akin ni Justin, yung bass guitarist namin.

"Loko! Bestfriend ko to!" sabay batok kay Justin. Pag may kasama na babae, chix ko na agad? Mahirap talaga pag alam nilang matinik sa chix eh.

"Oh hi miss!" bati naman ni Jack kay Bebang with matching alok pa ng kamay nya. Nako! Trip ni Jack bff ko? Hahaha. Nga pala, si Jack yung isa sa mga guitarist namin.

"Hello" bati ni bebang with matching hawi ng bangs sabay shakehands kay Jack. Sus! Kinikilig tong babaeng to. Hahaha. Palibhasa pogi si Jack eh.

"Oy tama na yang pagshake hands nyo" asar ko dun sa dalawa. Kaya bumitiw na sila s pagkakahawak. Ayaw kasi bitawan eh, parang nai-super glue lang mga kamay nila eh.

"Nako Jack, iba na yan ha! Starstruck lang sa bff ni Raven?" asar ni Jesse, ang rhythm guitarist namin, siya din yung back up ko minsan.

"Ay bago pa sila makainlaban, Eto pala si Aisah, bestfriend ko." sabi ko habang nakaakbay kay bebang "at eto naman, si Gabe, Justin, Jack, at Jesse" sabi ko naman habang tinuturo isa-isa yung mga mokong na bandmates ko.

Flirtationship meets KarmaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon