Kabanata 4: Pakiusap

21 2 0
                                    

--

Bitbit ang ang pancake na dala ng kaniyang Ina ay nakangiting lumabas ang dalaga sa kaniyang kwarto at nagtungo sa kwarto ng binata.

Agad siyang pumasok ng makitang nakabukas lamang ito. Napawi ang kaniyang ngiti ng makita ang nurse na inaayos ang higaan ng binata. Wala na ang mga dating gamit at maging ang librong nakatore sa gilid ng kama ng binata. Malinis ang kwarto na para bang hindi pa ito nagagamit.

"Pwede ko po bang malaman nasaan 'yong dating pasyente dito?" Mahinahong niya sa nurse, agad itong napalingon sa kaniya.

"Inilipat na siya ng kwarto kaninang umaga." Wika ng nurse.

"Saan po siya inilipat?" Muling usisa ng dalaga.

"Nako hindi ko ho alam." Napatango na lamang ang dalaga at saka lumabas ng kwarto.

Gustohin man niyang hanapin ang binatang si Inoeh ay alam niya namang hindi siya papayagan ng kaniyang Ina akya minabuti niya na lamng hintayin ang pag-alis nito at saka niya hahanapin ang binata.

Nanatili ang kaniyang Ina hanggang sa tanghalian bago ito nagpaalam na umalis. Nang makaalis na ang kaniyang Ina ay agad niyang sinimulang hanapin ito. Nauna siyang pumunta sa first floor at sinuri ang bawat kwarto.

Naubos niya na ang lahat ng kwarto sa first floor ngunit hindi niya nakita ang binata. Hindi niya sinali ang second floor kung saan matatagpuan ang kaniyang kwarto dahil nakakasiguro naman siyang wala ang binata doon. Lalo't sa ulo niya na ang ibang pasyente sa kanilang floor at sa pagkakaalam niya ay wala namng bakante o na discharge na psyente kaya imposibleng nandoon pa din ang binata.

Nang makarating sa thrid floir ay agad niyang inisa-isa nag mga kwartong nadadaanan niya ngunit ng malibot niya ito lahat ay hindi niya pa rin nakita ang binata, kaay naman ay nagdesisyon na siyang pumunta ng rooftop. Nagbabakasakali siyang makita doon ang binata dahil naging tamabayan na nila ito.

Pagkarating niya sa rooftop ay kahit anino ng binatang si Inoeh ay hindi nakita. Umupo na lamang siya sa puwesto ng binata kung sana ito parating umupo at hinintay ang pagdating nito.

Ilang oras siyang nanatili doon hanggang sa lumubog na ang araw. Nakatulala lamang siya buong oras sa elevator ng rooftop at humihiling na bumukas iyon at lumabas ang binata. Naninibago siya dahil hindi lumilipas noon ang araw ng hindi niya nakakasama ang binata.

Nagsimula ng dumilim ang kalangitan ngunit naroon pa rin ang dalaga ng si Naya at umaasa pa ring magpapakita sa kaniya ang binata. Nang makaramdam siya ng gutom ay saka pa siya ng desisyong bumalik na lamang sa kwarto.

Matamlay siyang nagalakad pabalik sa kaniyang kwarto, papasok na sana siya kaniyang kwarto ng mahagip ng kaniyang mata ang kwarto ng binata.

Imbis na pumasok sa kaniyang kwarto ay ay naglakad siya papunta sa dating kwarto ng binata at pumasok doon 'gaya ng inaasahan ay hindi niya nakita ang binata doon. Naglalakad siya papunta sa higaan at doon umupo.

Napabuntong hininga na lamang siya at saka tumayo, lalabas na sana siya ng kwarto ng mapansin niyang naka-awang ang maliit na drawer sa gilid ng kama. Bijuksan niya ito at tumambad sa kaniya ang isang kwaderno.

Nakasulat ang pangalan ng binata sa harapan ng kwaderno kaya alam niyang si Inoeh ang nag mamay-ari nito. Imbis na buklatin at tignan ang laman ng kwaderno ay lumabas siya ng dating kwarto ng binata at pumasok siya sa kaniyang kwarto.

Pagpasok niya sa kaniyang kwarto ay naabutan niya ang kaniyang Ina na umiiyak. Nang makita siya nito ay mabilis siyang niyakap. Nagtataka man ay niyakap niya ito pabalik.

"Ma, ano po bang nangyare?"

Patuloy ang pag-agos ng luha ng dalaga habang tumatakbo sa hallway ng hospital. Hindi niya matanggap ang balitang dala ng kanyang ina. Dinala siya ng kanyang mga paa sa harap ng emergency room, saktong bumukas ang pinto kaya walang alinlangan siyang pumasok dito.

Dahan dahan siyang naglakad papasok at nagpalinga-linga, sa ikatlong kama ay nakita niya ang kanyang ama na nakahiga doon. Napahagulgul siya ng iyak at patakbong niyakap ama na ngayun ay wala ng buhay.

Halos hating gabi na at hindi pa rin nila nahahanap ang dalagang si Naya. Matapos nitong makita ang ama ay naglaho nalang ito ng biglaan at hindi nila alam kung saan nagpunta. Labis ang pag-aalala ng kanyang ina dahil malala ang sakit ng kaniyang anak. Hindi din niya na din alam kung ano ang uunahin, ang pag hahanap sa kaniyang anak o ang pagasikaso ng burol ng kaniyang asawa.

Marami nang nurse ang naghahanap sa dalaga, halos nalibot na nito ang buong hospital ngunit wala silang nakitang bakas ng dalaga. Sinimulan nilang hanapin ang dalaga sa hindi kalayoan sa labas ng hospital ngunit hindi rin nila ito natagpuan doon.

Sa kabilang dako ay nakaupo upo lamang dalaga sa gamot ng puno sa harden nghospital habang tahimik na umiiyak. Naramadaman niya na ang pagatake ng kaniyang sakit ngunit binaliwala noya lamang ito.

Ipipikit niya na sana ang kaniyang mga mata ng makita niya binata hinahanap niya na tumatakbo papunta sa dereksyon niya.

Bubuhatin na niya sana siya ng binata ng pigilan niya ito.

"P-wede bang dito muna tayo? Ayoko pang bumalik doon." Wika nito na nahihirapang magsalita, nakahawak ito sa kanyang dibdib dahil sakit na nararamdaman niya.

"Pero-"

"Kahit sandali lang..." Walang nagawa ang binata kaya tinabihan niya nalang ito. Sinandal ng dalaga ang ulo niya sa balikat ng binata at ipinikit ang mga mata.

Umubo ito ng dugo kaya mas lalong kinabahan ang binata.

"Inoeh. . ."

"Hmm?"

"Kung mawawala 'man ako ngayun. . . pwede bang ikaw na ang tumapos sa sinsulat kong kwento? " Tumulo ang luha sa mga mata ng binata ng marinig niya ito. Hindi niya magawang sagutin ang dalaga.

"Huwag ka ngang magsalita ng gan'yan, hindi ka mawawala kya tara na." Wika ng binata.

"Pakiusap. "

"Magagamot ka pa. Tara na, Naya. " Tatayo na sana ang binata ngunit agad siyang hinawakan ng nanghihinang dalaga ang kaniyang braso.

"Naya naman. . ." Nagpatuloy ang pag-agis ng luha ng binata.

"Pakiusap."

Napatango na lamang binata. "Tatapusin ko, kaya pakiusap tara na."

Nagsimulang bumigat ang kaniyang paghinga gayon din ang talukap ng kaniyang mga mata, huli niyang nasilayan ang nag-aalalang mukha ng binata. Sa kabila ng sakit na nadarama sa kaniyang dibdib ay hindi mapigilang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi, sapat na ang masilayan ang mukha ng binata upang panatag na ipinikit ang kaniyang mga mata.

. . .

(:(

HANGGANG SA MULIWhere stories live. Discover now