Panimula

104 7 0
                                    

--

Malakas na musika ang bumalot sa madilim na kwarto. Tanging ang lampshade lamang na nakatapat sa isinusulat ng dalaga ang nagbibigay liwanag sa kwarto. Ilang beses na n'yang sinubukang isulat ang ika-labing apat na kabanata sa istoryang ginagawa niya ngunit hindi niya ito matapos-tapos. Nagkalat na sa buong kwarto ang punit na papel, may mga naisusulat naman siya ngunit alam niya sa sariling niyang hindi iyon sapat.

Ilang sandali lang ay pinunit niya ulit ang papel na sinusulatan niya at itinapon ito sa kung saan. Nangingitim na gilid ng kanyang mga mata dahilan ng ilang gabing walang tulog, kumakalam na rin ang kanyang sikmura dahil sa hindi pa siya kumakain.

Sa kabilang dako ay patuloy ang pagkatok ng Ina ng dalaga, nagmamakaawang pagbuksan siya ngunit dahil sa malakas na musika ay hindi ito naririnig ng dalaga. Mugto ang mata ng kaniyang Ina dahil sa ilang araw na pag-iyak dala ng pag-aalala sa kalagayan ng anak.

Hating gabi na ng tumigil ang dalaga sa pagsusulat dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya nagugustuhan ang kaniyang mga isinusulat. Tumayo siya sa kaniyang upuan at nagtungo sa bintana ng kaniyang kwarto. Binuksan niya ito at hinyaang yakapin siya ng malamig na simoy ng hangin, ilang sandali siyang pumikit at dinama ang sariwang hangin, nang imulat niya ang kanyang mga mata ay tumingala siya sa kalangitan at napangiti ng makita ang buwan na nagbibigay liwanag sa madilim na kalangitan.

Ilang minuto siyang nanatili doon bago siya bumalik sa kaniyang upuan upang patayin ang musika. Nagtungo siya pintuan saka ito binuksan, bungad sa kanya ang natutulog na ina sa gilid ng kanyang pintuan, agad din itong nagising ng marinig ang pagsarado ng dalaga sa pinto.

Mabilis na tumayo ang kaniyang ina at agad na hinawakan ang magkabila niyang braso.

"Naya. . ." Tumitig siya sa kaniyang Ina bago tinanggal ang pagkakahawak nito.

"Bakit mo ba ginagawa 'to?" Nagsimula ng tumulo ang luha ng kaniyang ina. Parang tinusok ng ilang daang karayom ang kaniyang puso ng makita ang pag-iyak ng kaniyang ina.

Hindi niya maintindahan ang kaniyang sarili. Ang tanging nasa isip niya ay matapos ang istoryang isinusulat. Simula pagkabata ay pangarap niya ng makatapos ng kwento at maging isang sikat na manunulat ngunit ng lumaki siya at magsimulang magsulat ay hindi niya na napagtutuunan ng pansin ang kaniyang mga magulang. Nakalimutan niya ang reyalidad at nagpakalunod sa mga kwentong isinusulat niya.

Napayuko siya ng maramdaman ang pagtulo ng kaniyang luha.

"Pasensya na po. . ." Niyakap siya ng kaniyang Ina at hinayaang umiyak.

Nang pareho na silang tumahan ay agad siyang dinala ng kaniyang ina sa kusina upang kumain. Tahimik niyang isinusubo ang pagkain, nakatitig lamang sa kanya ang kaniyang Ina na puno ng pag-aalala.

" Naya. . ." Tumigil siya sa pagkain at tumingin sa kaniyang ina.

" Po? "

" H'wag mong pabayaan ang sarili mo. Kumain ka sa tamang oras at matulog ng maaga. Pwede mo namang gawin ang pagsusulat sa umaga. Alam mo namang malala ang kalagayan mo 'di ba? " Napayuko siya at pinigilan ang sariling umiyak.

" Gagawin namin ng papa mo lahat para gumaling ka, kaya alagaan mo rin ang sarili mo. H'wag mong kalimutan na nandito lang kami palagi. " Malumanay na wika ng kaniyang Ina kaya napatango na lamang siya.

Matapos kumain ay dumeretso siya sa kaniyang kwarto matapos magpaalam sa Ina. Nang maisarado ang pintuan ay naramdaman niya ang matinding pagsakit ng kaniyang dibdib para itong pinipiga sa sakit. Hawak ang kaniyang dibdib ay nagsimula siyang maglakad papunta sa lamesa kung saan nakalagay ang kaniyang gamot. Hindi niya pa 'man ito naaabot ay deretso siyang bumagsak sa sahig dala ng pagkahilo.

Unti-unting ng dumilim ang kaniyang paningin hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nagising siya sa hindi pamilyar na lugar, agad niyang kinapa ang kaniyang dibdib at ng hindi makaramdam ng sakit ay nakahinga siya ng maluwag. Tumayo siya at pinagpagan ang kanyang damit. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid, napapalibotan siya ng malahiganteng hilira ng libro. Tiningala niya ang kisame at nasilaw siya sa liwanag na nagmumula doon.

Nagsimula siyang maglakad at magpalinga-linga sa paligid, patuloy siyang namamangha sa lugar at hindi niya napansin ang lalaking nakatayo sa kaniyang harapan dahilan para mabunggo niya ito.

Agad siyang humingi ng paumanhin sa binatang nabangga niya. Tumitig lang ito sa kanya saka inilahad ang kamay. Bakas ang pagtataka sa mukha ng dalaga kaya napangiti ito sa kaniya.

"Ako nga pala si Taviel ang taga pangalaga ng libro dito." Kunot noong tumitig ang dalaga sa kanya kaya malakas na natawa ang binata saka ibinaba ang kamay.

"Nasaan ako? At ano ang lugar na ito? " Mas lalong natatawa ang binata sabay iling.

"Bibliotheca. Nasa bibliotheca ka." Wika ng binata.

"B-biblio-- ano? Paano ba ako napunta dito? " Nagtatakang wika ng dalaga.

" Ito ay lugar kung saan namamalagi ang kaka-iba at mahihiwagang libro. Nandito ka dahil tutuparin ko ang iyong kahilingan, ang iyong kagustohang makatapos ng libto ay s'yang nagdala sayo rito. May puso kang manunulat at ang lugar na ito ang tutupad ng iyong kahilingan. " Hindi maipinta ang mukha nang dalaga sapagkat wala siyang ideya sa punagsasabi ng binata.

"Sumunod ka sakin."

Nagsimulang maglakad ang binata kaya kahit puno ng pagtataka agad na sumunod sa kaniya ang dalaga. Pumasok sila sa isang silid na puno ng nagkalat na mga papeles sa sahig.

May lamesa sa gilid kung saan may dalawang upuan na magkatapat. Pina-upo siya ng binata kaya agad naman siyang sumunod. May ibinigay na papel sa kaniya ang binata, puno ng pagtataka ang dalaga ng basahin niya ito.

"Tutulungan kitang makatapos ng kwento kung papayag ka sa nakasaad sa papel na iyan." Wika ng binata.

"Anong ibig sabihin nito?" Takang tanong dalaga.

"Hindi ba't sinabi ko sayo na kakaiba at mahiwaga ang mga libro dito, kaya ito." Itinuro niya ang papel na hawak ng dalaga. "Ibig sabihin ay hindi mo na kailangang magpuyat at maghirap upang magsulat ng kwento. Sa madaling salita ikaw ang magiging bida sa sarili mong kwento, kusang maisusulat ang lahat ng mangyayari sa iyo ngunit iyong pakakatandaan na hindi mo makokontrol ang posibleng mangyayari. Masisiguro ko naman na sa oras na matapos ang kwento ay sisikat ito. " Pagpapaliwanag ng binata.

Nalunod sa pag-iisip ang dalaga sa sinabi ng binata. Pinag-isipan niya ito ng mabuti, naisip niya na baka niloloko lamang siya ng binatang kaharap niya ngayon ngunit dahil sa mga sinabi nito ay may parte sa kaniyang gustong pumayag. Sa ilang minutong pag-iisip ay pumayag ang dalaga sapagkat naisip niya na wala namang mawawala kong susubukan niya.

"Kailangan ko lang ng kunting dugo mo at magiging maayos na ang lahat. " Wika ng binata, tumango lamang dalaga sa kaniya. Sinugatan niya ang kaniya kamay at matapos mapatakan ng dugo ang papel ay kusa itong naglaho.

"Sa oras ng inyong pagtatagpo, magsisimula na ang kwento ninyong dalawa. . . Hanggang sa muli, binibini."

. . .

(:(

HANGGANG SA MULIWhere stories live. Discover now